TFATC- Chapter 4

11 0 0
                                    


A/N: There will be a change that I made in this story. Andrew Eñigo will now be Iñigo Sandoval. Enjoy reading and keep on supporting! Thanks! *insert smiley face emoji here*

Iñigo Sandoval's P.O.V.

          That girl, argh! Nakakainis! Bakit ba ang tagal niyang dumating? Kanina pa ako naghihintay dito sa park eh. I really need that book. Why? Gaya niya, yun din ang rason ko. Last time ko pa yun gustong bilhin. Kaso lang, dahil sa napaaway nanaman ako that time ay pinasarado ni mommy ang bank account ko at hindi ako binigyan ng allowance. Kaya naman ngayon, kung saan naabutan ko na may available na ulit, ay gusto ko na talaga itong bilhin. Naunahan lang ako ng babaeng iyon! And the reason kung bakit tinitingnan ko lang yun kanina is that hindi pa ako naka pag withdraw at dahil umalis ako sa bahay ng nagmamadali ay naiwan ko yung wallet ko. Binabantayan at nilagay ko ang calling card ko doon kanina para if ever may nakabili na sa librong yun habang hinihintay ko ang kapatid ko na dala-dala ang wallet ko, ay malalaman ko kung sino yun. And boom! Si Xenia nga ang nakabili. Kilala ko siya at alam kong kilalang-kilala niya ako because of my reputation. Paano ko siya nakilala? It was because of an incident last year. But I know that she doesn't even know that it was me, she does not know that I know her. And alam kong nagulat siya ng banggitin ko ang pangalan niya kanina. Aha! Ano kaya magiging itsura niya kung tatakutin ko siya? Sabihin ko kaya ng "Pina sundan kita kanina. Alam ko na kung saan ka nakatira at ang tungkol sa pinanggagagawa mo!" Napaka-epic kung itutuloy ko yun! Napatawa na lang ako sa naisip ko. That girl never failed to make me laugh since I first met her. But don't get me wrong, okay? I don't like her. I mean, she is pretty, beautiful rather, but I don't really know. Maybe something's hindering me from liking her. My thoughts were diverted when I saw a familiar face walking to my direction.

           "Oh, bakit mo ba kailangan 'to ah? Akala ko ba pinaubaya mo na ito saakin??!" Galit na sabi ni Xenia. Kakaiba din itong babaeng 'to ah! Hindi man lang natatakot sa akin. Eh kung ituloy ko kaya yung plano ko kanina na takutin siya? Titiklop kaya 'to?

           "Wow. Tapang ah!" I said. Kalma lang yung pagkasabi ko pero may intense na tono pa din sa boses ko. Halatang nagulat siya dahil napa-atras siya saakin.

           "H-huh? H-hindi naman. Ah eh, p-paano mo pala n-nalaman yung pangalan ko?" Nauutal na sabi niya. Ang gulo talaga neto. Kanina lang ang tapang-tapang, tapos ngayon ay nauutal na. Natakot nga ata sa boses ko kanina. Hmm. Itutuloy ko pa ba yung plano ko kanina?

           "Basta." Tipid kong sagot. Ganito talaga ako, tipid kung makipag-usap sa iba na hindi ko ka-close pero ang lawak ng iniisip.

           "Anong basta???" She narrowed her eyes at me. Ang cute niya lang tingnan. Nagmamatapang nanaman siya.

           "What do you think?" Binalik ko lang din yung tanong sakanya. Still, poker face lang ang expression ng mukha ko. Hindi na siya sumagot at tinalikuran na ako. Aba, tingnan mo nga ito. "Saan ka nanaman pupunta? Yung libro, akin na!" I said aggressively. Humarap siya saakin and to my surprise, binigay niya saakin ang libro. Kinuha ko yun and after that, umalis na agad siya without saying anything. But I still remember her facial expression. Yung mukhang paiyak na pero pinipigilan niya. Ano ba naman yan? What have I done? Hay.

~~~~~

           "So kuya, ganon na lang yun?" tanong ng kapatid ko saakin after ko i-kwento sakanya yung nangyari kanina sa park. Yes, sinabi ko sakanya. Ganyan kami ka-close ng kapatid ko. Nandito ako ngayon sa kwarto niya at binabasa ko na yung libro.

           "Anong ganon na lang yun?" I asked curiously.

          "Hindi mo man lang ba siya kakausapin or hindi ka lang ba gagawa ng paraan diyan?" she narrowed her eyes at me. Anong paraan ba sinasabi ng babaeng 'to? I shot her a curious look and then she continued. "Hay nako kuya! Kaya hindi ka nagkaka-love life eh. Why won't you make a move? Bakit hindi mo siya kinausap after niya binigay yung libro sa 'yo? Bakit hindi mo siya hinabol?"

           "Ayan napapala mo sa kakanuod ng cheesy movies eh!" I paused. "Habol?! Seriously? Kami ba para habulin ko siya?" this time, ako naman ang nag narrowed ng mata sakanya.

           "Not like that. Hay. Ang hirap mo namang kausap kuya eh!" she said in frustration. Aba! Ako pa mahirap kausap ngayon? "Diba may number ka pa niya? Why don't you call her? Or kahit text na lang." she beamed at the thought of that. Itong kapatid ko ano-ano na ang iniisip.

           "Why should I? Pake ko ba?" I said. Nakita ko naman na naiinis na talaga yung expression ng mukha niya.

           "Hindi mo lang ba itatanong kung nakauwi na siya?" she asked and then sighed.

           "Again, why should I?" I asked her. Ang kulit eh! Nagbabasa ako dito oh.

            After that, hindi na siya sumagot pa. Hay, mabuti naman! I can now enjoy reading. But napaisip ako eh, hindi kasi yan titigil ang kapatid ko unless ginawa ko yung sinasabi niya. I look at her and to my surprise, hawak niya na ang phone ko! Great!

            "Ano ba Ivette? Akin na nga yan!" sabi ko sa kanya. Inaagaw ko yung phone ko sa kanya. And good thing naagaw ko ito.

            "Oh ayan! Nasend ko naman din eh." she said. I gave her a glare and tiningnan ko yung phone ko kung ano nga yung nasend niya. I felt my blood boiled when I saw what she did! Oh no, she did not just do that!

              "F*ck you Ivette!" I said angrily. Nag send ba naman ng "Hi Xenia. Nakauwi ka na ba? Sorry about earlier ah." with a freaking smiley face emoji. What the f*ck is she thinking??! Nag walkout na ako sa room niya at dumeretso na agad ako sa kwarto ko. Binagsak ko ang pinto ng room ko. Sobrang nakakainis! Sobra na yung nararamdaman kong galit ngayon!

              After I gathered all my thoughts and emotions, I decided to call Xenia. Nakakainis talaga yung kapatid kong iyon! Hay, TROUBLE.

Dialing 09*********

           Ang tagal namang sagutin! Nakakainip na ah!

           "Hello?" Oh shit. Sinagot na niya.

           "Hi. Uhm, kapatid ko yung nagsend ng message kanina. Sorry 'bout that." I honestly said.

           "Ah. O-okay lang." Nauutal niyang sabi. Teka, ngayon ko lang napansin na parang umiiyak siya.

           "Are you okay?" I asked with full concern. Shit. I don't know why I'm concern or what.

           "Honestly? N-no." she said honestly.

          "Why? What happened? Nakauwi ka na ba?" I asked, all concern.

          "No, not yet. Andito ako ulit sa park." WHAT??? 11:30 pm na pero andun pa din siya? May malapit pa naman na bar doon. Baka pumasok yun doon at uminom eh.

          "Alone?" I asked. Naririnig ko na umiiyak pa rin siya.

          "Y-yes." She said.

          "Don't go anywhere. Papunta na ako dyan." And with that I end the call. For me, walang malisya itong ginagawa ko. What if pala nagpakalasing talaga yun tapos may mga lalakeng lumapit sakanya? Oh, edi nakakakonsensya pa dahil alam ko kung nasaan siya at alam kong umiiyak siya tapos hindi ko pa pinuntahan man lang. Plus, pambawi ko na lang din ito for what I did to her earlier.


           But deep inside, I know that I feel concern and I'm worried for her.

           Xenia Crofe, you're going to be in a big big big trouble once I got there.

----------

A/N: All names and situations found in this story are just an imagination of the author.

Vote, comment, and be a fan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Fall And To CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon