What a tiresome travel this turned out to be. Almost four and a half hours na kaming bumabyahe ni Dad, but still, nandito parin kami sa kalsada. May mas lalayo pa ba sa eskwelahang papasukan ko?
"This is indignant, Dad. Sabi mo sa magandang school mo ako ipapasok. Where the hell is that cool school you are talking about?" sabi ko kay Dad with a very annoyed tone. Laging ganito si Dad, he's unfair. Kapag si Kuya Migo ang naki-kick out sa School, laging sa magandang school siya agad pinapasok. Kapag ako? It's hell.
"Be patient, Xyndria. We're almost there. I’ll make sure na magugustuhan mo ang papasukan mong school.” Dad said while grinning. I rolled my eyes. Kagabi pa mukhang excited si Dad sa papasukan kong school. Para bang siya ang mag-aaral sa school na 'yun at tuwang tuwa siya.
"Dad, just be honest, okay?" sabi ko kay Dad. He just nodded dahil nakatingin siya sa harapan ng sasakyan at nagmamaneho.
"Where the hell is the school? And why the hell are you excited?" tanong kong muli kay Dad. Nakita kong sandaling tumingin sakin si Dad bago ibinalik ang tingin sa pagmamaneho.
"Xyndria, stop saying Hell, it's too annoying. At isa pa, masaya ako kasi matagal tagal narin akong hindi nakakapunta sa school na papasukan mo. Sigurado akong matutuwa silang makita ka." sabi ni Dad. Mas lalo akong na-curious sa sinabi niya.
"You've been there? When? How?" sunod na sunod na tanong ko sakanya kaya narinig ko itong ngumisi. Sa totoo lang, Dad acts are very erratic since yesterday ng sabihin niya sakin na lilipat ako ng school.
"Yes, I'd been there. Doon ako nag-aral ng Highschool dahil doon ako pinasok ng Lolo mo. Kagaya mo rin ako, a bullshit." bigla akong napa cross arms sa sinabi ni Dad. Bullshit huh? Grabe talaga si Dad, ngayon ko lang siyang narinig na nagmura. Kakaiba na talaga siya, I'm starting to think that my Dad is demented. Dati sobrang seryoso niya at laging galit. Medyo kinakabahan na nga ako sa mga kinikilos ni Dad. His acts now can really make me buffle. He's fvcking different. What the fudge?
"Dad, tell me, baliw ka na ba?" tanong ko kay Dad at bahagya pa akong umatras. Nakita kong nagkasalubong ang mga kilay niya at mahina siyang tumawa.
"I'm just very excited for you, anak." sagot ni Dad. I just let out a sigh. Parang walang kwentang kausap ngayon si Dad. He act strange. Ganito ba talaga siya ka excited na ipasok ako sa school na napasukan niya narin dati? Kung oo, bakit hindi niya trinansfer si Kuya Migo sa school na papasukan ko?
I stay quite for the rest of the trip. If this is called a trip. Para kasi kaming pupunta sa isang camping site dahil halos puro puno na ang nakikita ko. Where is he taking me? Napakalayo na nito sa Manila. How can I even communicate with them kung ganito kalayo? Dad is really weird. Big time!
"I can see that you can follow my steps. You can be a respected Alpha." sabi ni Dad out of nowhere. Napatingin ako sakanya pero hindi ko na lang rin pinansin. Now, he's saying bizarre words. Alpha? Ano ako, wolf?
"Dad, can you just please shut up. Kung ano-ano na po ang sinasabi mo. Una, kahapon, you're saying I can give dozens of Mark, I should be an Alpha, I can win the Alp Tournament. What's next, Dad?" iritable kong sabi kay Dad. But he seems to ignore it. Kung hindi ko lang kilala ang kasama ko ngayon, iisipin ko na dadalhin niya ako sa malayong lugar kung saan may mga Monsters na parang wolf dahil sa Alpha thing na 'yan.
"Anak, nasayo paba ang binigay kong Necktie?" sagot ni Dad. Look! Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. I just rolled my eyes at kinuha ang isang mahabang box sa maliit na cabinet ng sasakyan. Kulay itim na box kung saan nakalagay ang isang Golden necktie.
"Para saan po ba 'to?" tanong ko kay Dad bago binuksan ang box at kinuha ang necktie. Sabi ni Dad sakin, sakanya daw ang necktie na ito at ito rin daw ang gagamitin ko.
BINABASA MO ANG
Peril High: School of Legendary Gangsters
Teen FictionXyndria is Gangster and needed to join the Alp Tournament. Will she win? [Credits sa gumawa ng Book Cover]