Maya maya pa ay sinundo ako ng isang lalaking nakasuot ng itim na Americano. Mayroong siyang pulang necktie at nakasalamin. Tinanggal na ang benda sa ulo ko at pinasuot ako ng kulay Black na Long sleeve vest na mayroong gintong mga outline. Sa loob naman ay kulay puting polong pambabae. Iniabot narin sa'kin ang necktie ko kasama ang isang card. Kulay ginto ito at naka engrave ang pangalan ko sa likuran, sa harap naman ay may logo ng Peril High.
"Are we there yet?" tanong ko sa lalaki na parang robot. Hindi kasi siya kumikibo, naglalakad lang talaga siya sa kung saan saang hallway. Sobrang engrande ng school na 'to. Para talaga siyang palasyo at mga maharlika ang mga nag-aaral. Wala kang makikitang alikabok. Mga kumikinang na chandeliers at red carpet. Pati ang mga human size na Statue ng mga taong 'tila naging malaking parte ng school na 'to. Sa tabi ng mga statue ay mga pintuan kung saan naka engrave in cursive form ang salitang Alpha.
Napabuntong hininga na lamang akong muli dahil hindi na naman siya sumagot. Inilibot ko na lamang ang tingin ko at tinignan ang mga statue. Ang iba ay kumikinang pa sa sobrang kintab.
"What the?" bulalas ko ng makita sa hindi kalayuan ang isang napakapamilyar na statue. Agad akong tumakbo papunta dito at tinignan itong mabuti.
"Dad?!" sambit ko ng masiguradong kamukhang kamukha nga ng statue na nasa harapan ko ang Daddy ko. Mula sa pananamit at sa mukha ay gayang gaya, ang pinagkaiba nga lang ay medyo mukha siyang binata sa statue pero sobrang kapareho talaga. It's the exact replica of my Dad. And honestly, they look like twins.
"Here's your room." biglang kumunot ang noo ko ng nagsalita ang lalaki. Tinignan ko siya at nakita kong nakalahad ang kanyang palad at nakaturo sa pintuang katabi ng statue ni Dad.
"T–Thank You." nasambit ko na lang dahil medyo naguguluhan ako. Nag bow muna siya sa'kin bago tuluyang umalis. Ibig sabihin, siya rin ay hindi alam kung nasaan ang kwarto ko? Kung sino lang ang kilala ko sa mga statue, ang katabing kwarto nito ang magiging kwarto ko?
Pinagmasdan ko lamang siya habang papaalis. Halatang halata mo ang pagiging desente niya. Ni hindi ko pa nga nakitang kumuba siya dahil sobrang diretso siyang maglakad.
Nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin, muli kong hinarap ang pintuan. Malaking pintuan ito at halata na gawa sa kahoy, pero mukha siyang authentic na kahoy at hindi basta basta. Humakbang na ako papunta sa pinto at akma na sana itong bubuksan ng mapansin ko ang isang bagay.
"Hell," bulalas ko ng mapansin na wala itong doorknob. Wow! Just wow! Now, how can I fvcking get in? Sinuri ko na lamang muli ang buong pintuan. Naghahanap ako ng kahit isang maliit na botton o pwedeng ipang scan pero wala.
Sa sobrang sosyal ng eskwelahang ito, nagmumukha akong tagabundok na hindi alam kung paano makakapunta sa kwarto ko. Nice one, Xyndria. Nice one.
Muli akong napatingin sa Statue ni Dad. Napakalinis nito. Nahagip ng aking pansin ang isang pahabang butas sa statue ni Dad. Hugis necktie din ito at parang pinapasukan ng mga card. Agad kong naalala ang card na ibinigay sa'kin kaya agad ko itong ipinasok at bigla na lamang tumunog ang pintuan. Parang tunog ng elevator kapag nakarating kana sa floor na dapat mong puntahan. Bumukas ito ng mabilis ng patagilid.
"Wow." tangi kong nasambit pagkatapos kong kunin ang card ko at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko ay agad ding sumara ang pintuan. Ngunit ngayon ay mayroon na itong lagayan ng card sa bandang gitna.
Muli kong inilibot ang paningin ko at sobrang namangha. Para itong kwarto ng mayaman. Though mayaman naman kami pero hindi kasing bongga ng kwarto ko ang kwartong ito. There is this king size bed na ginto ang head board. Malinis itong kulay puti na mayroong design na mga bulaklak na kulay black and white.
BINABASA MO ANG
Peril High: School of Legendary Gangsters
Novela JuvenilXyndria is Gangster and needed to join the Alp Tournament. Will she win? [Credits sa gumawa ng Book Cover]