I woke up early dahil first day of school ko sa bagong paaralan and I'm really excited. Kaakibat ng kaba ang pagkamangha at pagkaexcited na makapasok sa eskwelahan.I'm just a studious type of person kaya ganado akong pumasok sa school lalo na at marami akong magiging bagong kakilala at kaibigan.
Bumaba na ako galing sa kwarto at pumunta sa hapagkainan.
"O anak, ang aga natin ahh" sabi ni mama sabay gawad ng ngiti sa akin, sinuklian ko rin naman ito ng ngiti.
Umupo na ako at sinimulan ng kumain. kasabay ko din sila mama at papa na mag-almusal. Umiinom ng kape si papa habanh nagbabasa ng dyaryo. Binaba ni papa ang dyaryo at tinignan ako
"Ako ang maghahatid sayo sa school mo at maggogrocery pa ang mama mo"
"Opo" tugon ko at isinubo ang isang buong pancake sabay inom ng gatas na nakahanda rin sa lamesa.
Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko, kinuha ko na ang gamit at tinignan kung may naiwan ba ako. Nang masiguradong wala ng nakalimutan ay bumaba na ako . Nakita ko si mama na naghuhugas sa kusina, napatingin siya sa akin.
"Anak, naghihintay na sa labas ang papa mo, mag-ingat ka ah" lumapit ako dito at hinalikan sa pisngi niya.
"Sige po, bye po." Masigla akong lumabas ng bahay at pumasok sa shotgun seat.
Napabaling ang tingin ni papa sa akin. Agad niyang itinago ang mga dokumento na hawak niya. Sinimulan na ni papa tahakin ang daan parungong eskwelahan.
Isang tanyag na lawyer si papa at kilalang kilala siya bilang isa sa pinakamagaling na abogado. Lahat ng kaso na nahahawakan niya ay nananalo.
At dahil doon ay nakapagpundar sila papa at mama ng isang boutique shop na inaasikaso naman ni mama. I'm an only child and I'm happy naman.
Kinuha ko ang earphone ko sa bag at pinasak sa magkabilang tenga ko ito, binuksan ko ang cellphone ko at pinundot ang favorite song ko.
DEMONS
BY: IMAGINE DRAGONSNapabalikwas ako sa inuupuan nang alugin ako ni papa. Nakaidlip pala ako habang nakikinig ng music, napuyat kasi ako sa sobrang excited. Nandito na pala kami sa school ng hindi napapansin.
Bumaba na ako at nagpaalam, umalis na si papa at tumungo naman sa trabaho niya. Nakatayo ako ngayon sa harap ng gate ng eskwelahan, ito na talaga. Makakapasok na rin akoo!
Nakapasak pa rin sa magkabila kong tenga ang earphone. Ito talaga ang hindi mawawala sa akin earphone at cellphone, I like music at walang makakapigil sa akin WAHAHA--
Napatigil ako sa paghalakhak sa isipan ng may mabangga akong babae, matapang ang itsura pero cute, may manipis ding labi at bilugan na mata, inshort tomb- este maganda. Mukha kasi siyang tomboy eh. Napahawak ako sa batok at naiilang na ngumiti.
"Hala! Sorry po."
"Nah it's fine." Tinignan niya lang ako at tumango. Napatingin naman ako sa katabi niya. May kasama din siyang babaeng cute kaso ang liit. Pfft, pandak naman ang isang ito.
"Hi! Tansferee?" Energetic na sabi niya.
"Ahh oo eh hehe." sabay hawak sa batok.
"Saan ka pupunta? Sa principal's office ba? Tara hatid ka na namin" sabay kalabit niya sa kaibigan niyang babae. Napatango na lang siya at ngumiwi. Ang cute niya talaga...
Waahh na attract at first sight ata ako sa kanya. Debale crush ko lang naman siya, wala namang masama doon diba? Sinundan ko lang sila samantalang daldal ng daldal yung maliit na babae .
"By the way, anong pangalan mo? Hehe sorry ah hindi pa pala ako nakapagpakilala sayo. I'm Mayumi Akko Diaz, nice to meet you" sabay lahad ng kamay. Nakipagkamay naman ako.
"Jian Kenneth Lopez, nice meeting you too and you?" Sabay tingin ko naman sa babaeng crush ko, HOHOHO grabe talaga ako. Crush agad, first day ko pa lang dito. Nakakatawa lang dahil isa siya sa pinakaswerteng babae dahil bihira lang talaga ako magkacrush.
Siniko lang siya ni Akko sabay ngiti niya dito, ngumiwi lang siya sabay tingin sa akin.
"Alyana Jian Cruz, Aj for short." sabay pat niya sa balikat ko. Woah, may parehas kami ng pangalan. Meant ro be na ba kami nito? Acck, namula ako sa ginawa niya.
Shems, bakit sa simpleng pagtapik niya lang sa balikat ko, kinikilig na ako. Napahawak ako sa balikat kung saan tinapik niya ako.
Nabalik lang ako sa katawang lupa ko este sa ulirat ng biglang inakbayan ako ni Mayumi. Napatingin naman ako sa kanya. Nakangisi siya sa akin at nakataas ang kilay.
"Aba, aba I smell something fishy." sabay sulyap niya sa akin sabay tingin din kay Aj.
"Ah- eh? B-bakit ka ganyan makatingin sa akin?" Pinanliitan niya ang mata niya na tila inoobserbahan ako. Waah, bakit ang weird ng babaeng ito. Kinabahan ako sa ginawa niya. Hindi kaya nahalata niya na may crush ako kay Aj?
Waaaah!!, end of the world na. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. Literal na malakas talaga dahil almost lahat ng estudyante na naglalakad ay biglang napatingin sa kanya.
Natigil siya sa pagtawa ng mapansin niya na nakatingin sa kanya ang mga schoolmates namin. Nanlaki ang mata niya at dali daling kinuha ang kamay ko sabay hila sa akin para tumakbo.
-Principal's Office-
"So I was saying Mr. Lopez, this is your room and section, go to A building at hanapin mo na lang." Seryosong sabi ni Principal Diaz.
Wait, Diaz? Kamag-anak ba ito ni Mayumi? Hmm, baka nagkataon lang siguro. Geez, ang sungit naman ng principal na to, di katulad sa dati kong school ang bait bait.
"Thank you po." Tumayo na ako at lalabas na sana sa pinto nang biglang siyang magsalita.
"Goodluck Mr. Lopez." Ngisi niyang sabi. Waahh nakakatakot naman.
Dali-dali akong lumabas at tumakbo papalayo sa office na yun.
BINABASA MO ANG
Destiny Path
Teen Fiction"We will meet whoever we are destined to meet. That's why destiny, fate and bond are scary and I may be young and stupid, but I'm still capable of falling in love." Destiny Path @Teenfiction/Romance By: peacejeon