Chapter 2

268 24 1
                                    


I hurriedly find my room. Grabe nakakapagod pala ito, umakyat lang naman ako sa 10th floor ng building na ito. Grabe wala man lang ba silang elevator dito oh ano? Sinong matinong tao ang aakyat ng 10th floor.

My legs are weak kaya napaupo na ako sa lapag. Geez, umagang-umaga pawis na ako. Tumayo uli ako at hinanap ang room.

I was standing in front the door of a room. Sa tingin ko ito na ang room ko base na din sa nakalagay sa papel. I knocked twice at pinagbuksan agad ako ng isang babae.

Mukhang ito na nga ang teacher ko. She smiled too me at lumabas.

"You're Jian?" Ngiting wika sa akin ng babae.

"Ah yes po." Sabay tango din.

"I'm Mrs. Alexandra Gomez. You can call me Ma'am Gomez. Tara pasok na tayo." I nodded as she guided me inside the room.

Ang kaninang maingay na mga estudyante ay nanahimik. Woah, in an instant naging maamong tupa sila. Ma'am Gomez smiled to everyone and started to talk.

"Class, you have a new classmate. You may introduce yourself." She looked at me and smiled again.

"A-ah Hi guys! I'm Jian Kenneth Lopez, you can call me Jian. Lumipat kami dito dahil sa trabaho ni papa. I hope I can be your friends too." I smiled to them and bow a little bit. It's my gesture since I'm an otaku.

"Okay hmm, doon ka umupo Jian." Sabay turo ni Ma'am Gomez sa bakanteng upuan katabi ni Aj. Waahh, tadhana na ba talaga to?

I jolly walked towards to my seat ng bigla akong madapa. My classmates started to laugh at me. Tinignan ko ang paang nangpatid sa akin, he's a guy wearing a smirking face.

Napabuntong hininga ako at tumayo agad. I walked towards my seat at siniguradong nakatingin na sa daan. I sit silently habang hindi pa din natigil ang pagtawa ng mga tao sa paligid.

"Class, that's enough. Leo, say sorry to Jian." May pagbabantang wika ni Ma'am Gomez.

"Sorry." May panunuyang sabi ng lalaking nagngangalang Leo.

Napabuntong hininga naman si Ma'am Gomez at wala ng nagawa. Nagsimula na siyang magklase at humupa na ang tawanan sa loob ng classroom.

"Class Dismissed" Ma'am Gomez said as the ring bells.

Agad namang nagsitayuan ang iba kong mga kaklase at nagsilabasan. Inayos ko na lang gamit ko nang biglang may umakbay sa akin.

"Oyy Jian, lampa ka pala. HAHAHA." Sabay palo sa balikat ko. Napasimangot naman ako sa ginawa niya.

"Hindi kaya." Grabe naman ito, makalampa, tinisod ako, hindi lang nadapa ng basta- basta no.

"Sus, nagbibiro lang eh. Tara sama ka na sa amin sa Cafeteria." Tumango at dinala na ang bag ko.

"Nasaan pala si AJ? Bakit biglang nawala?" Tanong ko sa kanya ng mapansin na hindi niya kasama si AJ.

"Yiee, bakit mo hinahanap? May crush ka sa kanya no? Yiee iba talaga ang charms ng bestfriend ko HAHAHA." Sabay hampas uli sa braso ko. Ansakit nun ahh.

"H-hindi ahh. Syempre kayo pa lang kilala ko, natural na kayo hahanapin ko." Sabay kamot sa batok para hindi mapahiya.

"Sus, sige ideny mo pa halata naman. Tara na, nasa cafeteria siya. Nagreserve na yun ng mauupuan natin." Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

"Ano palang trabaho ng papa mo at bakit napalipat ka dito?" Panimulang tanong niya habang naglalakad.

"Lawyer, may hawak kasi siyang kaso dito kaya lumipat kami." Some students are looking towards us, sa akin ba sila nakatingin o sa kasama ko?

"Ahh I see, kaya pala. Ingat-ingat ka pala dito, madami kasing bullies at gansters dito kaya medyo delikado."

"Ehh?? Seryoso? Bakit hindi ipinapaalam sa principal?"

"Syempre alam naman ni papa, kaso pera kasi ang kalaban mo dito." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Teka? Papa mo nga talaga si Principal Diaz!?" Gulat kong tanong sa kanya. She just boredly looked at me.

"Hindi ba halata? Tanga naman nito." Huminto siya at may pinindot na button. Teka!? May elevator nga dito.

"Waahh may elevator dito!?" Sigaw ko sa kanya. Napatingin sa akin ang ibang estudyante at napatawa. Shems, nagpakahirap lang pala akong umakyat meron naman palang ganito.

"Ay wala. Wag mong sabihin na umakyat ka dito gamit ang hagdan?" She smirked at me.

"Ahh-ehh aba malay ko bang mayroong elevator dito." Doon na siyang tuluyang humagalpak sa tao. Geez, nakakahiya naman itong kasama.

Sumakay na kami at pinindot ang first floor.

Destiny PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon