Manhid ka, Manhid ako. Bagay Tayo!

10 0 0
                                    

Ace's POV

Patingin-tingin lang ang ginagawa ko sa mga estudyanteng nakapaligid sa akin habang inaayos ang bago kong bangs. Gano'n din ang ginagawa nila sa'kin, ang tingnan ako pabalik.

Hindi 'ata maayos ang bangs ko?

"Bagong bangs, uh!" sigaw nong lalaking nagwawalis na hindi ko naman kilala. Wagas pa makangiti. Iiling-iling na lang akong ngumiti pabalik sa kanya at kumaripas naman ako ng takbo patungo sa classroom naming nasa second floor kasama na rin 'tong mabigat kong bag.

Hingang malalim Ace! Dapat relax lang. 'Wag mong pansinin ang bangs mo. Relax lang dapat.

Hahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdan ng may magsalita. "Hala, si Ace new look na!" may halong pang-aasar na sabi ni Marvin- kaklasi ko kasama si Norven, the manhid. Hindi man lang ako pinansin. Tsk!

"Che, hindi kayo inaano ng bangs ko eh." napapikit na lang ako ng madiin nang malagpasan na nila ako.

Pinagpatuloy ko na lang iyong paghahakbang habang tinatakpan ng maliliit kong kamay ang bangs ko. Ano ba kasing pumasok sa isip ko?

Well, may rason!

Nandito na rin ako sa harap ng pinto, hawak-hawak pa rin ang bangs ko. Nahihiya akong pumasok dahil sa bangs ko.

"Ms. Vanzuela, ano pa'ng ginagawa mo dito?" bigla-biglang tanong ni Mrs. Sarinas sa likod ko na siyang ikinagulat ko.

"Ayy, butiki ka Ma'am!" napahawak naman ako sa dibdib dahil sa gulat. Pero tinitigan lang ako ni Ma'am hanggang sa masunog ako sa paningin niya. Katakot si Ma'am!

"Pumasok ka na at pagsabihan mo sila'ng 'wag mag-ingay. May babalikan lang ako sa office. And by the way, you're cute with your bangs."

May pahabol pa talagang pambobola, Ma'am? Ganurn?

Hayy, bahala na nga. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa door knob at pinihit ito. Pagkabukas ko ay sari-saring ingay ang naririnig ko. Kaklase kong kumakanta na maya-maya ay puwede ng umulan. Feeling singer kasi. Meron namang nagpapatugtog sa sarili nilang cellphone. Meron ding feeling drummer na kaya ng wasakin ang desk dahil sa sobrang lakas. Ang iba naman ay nagchichismisan, akala mo naman ngayon pa lang ulit nagkita. Ang ingay, grabe!

Nakatunganga pa rin ako dito sa pinto habang nakadungaw. Hindi rin nila pansin ang presensiya ko dahil busy sila sa kanya-kanyang gawain pero once I speak, I'm sure to the earth I'll get their attention.

*Blag*

"Ouch/Aray!" sabay naming salita kung sino man ang bumangga sa akin. 'Yon din ang dahilan kung bakit natahimik ang buong classroom. At gaya nga ng sabi ko, I'll get their attention. I told 'ya.

Pero parang awkward ata 'yong posisyon namin kasi nakadapa ako tapos nakapatong siya sa akin. Awkward nga 'yong posisyon namin. Nakakahiya. Medyo nahihilo din ako ng unti dahil sumubsob ang noo ko sa sahig.

Hindi rin muna ako nakatayo kasi parang mawawalan ako ng malay anytime.

"Bakit ka ba kasi haharang-harang sa pintuan? Sakit no'n, ah!" hindi ko alam kung ano'ng reaksiyon ng mukha niya basta ang alam ko nakatayo na siya sa pagkadagan sa akin.

Manhid ka, Manhid ako. Bagay Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon