Jill's Diary3

75 2 2
                                    

Kasama ko si Tito sa pamamasyal ngayong araw, nag-umpisa kami sa Mall nang maisipan ni Uncle na bumili ng pasalubong para kay Ate Jillian, kamusta na nga pala si Ate. Sana di sya sinasaktan ni Auntie, speaking of Auntie? Ayos na kaya sila ni Uncle.

" Uh-- Uncle, may itatanong po sana ako, " napatingin sakin si Uncle. " Ano yun, Jill? " ngiting tanong nya sakin. Sana wag nyong masamain 'tong itatanong ko. Aish.

" Uh-- Uncle, Magka-ayos na po ba kayo ni Auntie Jelly? " tanong ko, agad naman nung napawi ang ngiti ni Uncle at niyaya akong umupo sa bench dito sa Mall. Napasinghap syang malalim at pilit ngumiti.

" Ako na ang humingi ng pasensya sa nagawa sa iyo ni Jelly, tumawag sakin si Jillian kahapon para ipaalam na ikaw na muna ang darating dito dahil marami pa daw syang tatapusin. Ng marinig ko ang sigaw at bawat mura ni Jelly sa kabilang linya at pinagsasabihan si Jillian " napatakip nalang ako ng bibig, di ko alam na sasaktan pa uli ni Auntie si Ate Jillian sana nandun ako para tulungan sya.

" Naga-alala ako sa anak ko dun at laking galit ko rin kay Jelly kung bakit ganun ang pagdi-disiplina nya sa inyo. Nakarating rin sakin na lahat ng padala ko sa kanya na pagpapatuloy mo ng kolehiyo at para sa ikakaganda ng kinabukasan ni Jillian pero pinupunta ito ni Jelly sa sugal. " napa-kamot ng batok si Uncle.

"Pasensya na sa pagiging abala at pabigat Uncle. " sabi ko. " Naku, di ka naging pabigat samin Jill dahil naging masaya si Jillian na may nakasundo sya. Salamat sayo ah. Kaya't babawi ako sa kanya ngayon. Sa susunod na ikatlong araw darating na si Jillian rito. " ngiting sabi ni Uncle. Sobrang saya ko rin na darating dito si Ate Jillian.

" Paano po si Auntie? " tanong ko. Baka kasi pag uwi ko nang Pilipinas ay wala na akong titirahan, nandito na sila Uncle at Ate Jillian.

" Jill, may mga bagay na dapat na talagang tapusin para wala nang masaktan pa. Hayaan nyo, pag nakatira na kayo rito sasamahan ko pa kayo sa mga Concert na yan " saad ni Uncle na ikinagulat ko.

" Seryoso yan Uncle?! Dito na kami titira?! " gulat kong tanong na ikina-tango ni Uncle. Jusko! Ano po bang nagawa ko at naging maswerte akong ganito.

***

Pagkatapos naming bumili ni Uncle ay nauna na syang umuwi at naka-upo lang ako dito sa bench ng park habang nagpi-picture. Hindi ko lang mapigilang matuwa ngayong sinabi ni Uncle na dito na kami titira.

Nagse-save ako ng picture sa gallery ko nang may umupo sa tabi ko. May malaki parin namang espasyo sa gitna namin pero feeling ko ay hinihila ako nito papalapit sa tabi nung katabi ko.

Napatingin ako sa kanya at halos ikamatay ko yata ang nakikita ko.

" OMG! " napalakas yata ang pagkaka-sabi ko dahil napatingin yun sakin.

" Shh. " sabi nya at ibinaba ang hood ng jacket nya at ang mask nya.

" Totoo ba 'to?! Oh sh*t! " saad ko sa sarili ko.

" Hey. Don't cuss " sabi ni...



Kim Namjoon! WAAH!

" Mianhe "(Sorry) saad ko.

Pero di parin ako makapakali at sinundot ang braso nya.

" Wae? "(What?) tanong nya sakin. Huminga akong malalim. Chance na 'to!

Tinaas ko ang index finger ko. " Can you touch my index finger using your index finger too? " jusko, wala na akong pake sa grammar-grammar basta makumpirma ko lang na totoo nga 'tong kaharap ko ang isa sa mga Bangtan!

Napangiti sya at ginawa nya rin ang sinabi ko.

" Kamsahamnida "(Thank You) super pasasalamat ko sa kanya. Ngumiti lang sya at nagpaalam saking aalis na. Hay. Sayang! Sana kinausap ko pa sya! OMG talaga!

Pero pa naman diba? Sumakay along bus para makapunta kahit sa building ng BigHit. Aasa akong bigla nalang lalabas si Taehyung at Jungkook sa pinto at sasalubungin ako ng mga halik at yakap. Asa pa Jill!

Pinicturan ko ang building ng BigHit at in-upload sa lahat ng social media accounts ko. Mamahalin ko nga talaga ang lugar na 'to! Salamat kay Ate Jillian!

" Jill? " nagulat ako ng may lumapit saking babae. Sya yung babaeng tinulungan ko nung nakaraang araw.

" Ay pasensya na, Jilaine " pagpapakilala nya sakin. "Anyeonghaseyo" bati ko at niyaya nya akong mag-lunch muna sa isang resto malapit lang rin sa BigHit Building.

" Ano pong ginagawa nyo dun? " tanong ko. Paano sya nakakapasok sa BigHit?

" Wag kang maingay ah. " tumango ako at ngumiti sya bago nilabas ang ID nya. Kung may iniinom lang ako baka naibuga ko na. Jusko! Ang swerte naman nya.

" Stylist Noona ka po ng BTS?! " di ko mapigilang tanungin buti nalang Korean ang mga nandito. Ang naintindihan lang nila ay yung salitang Stylist Noona at BTS. Phew, buti lang.

" Jilaine? Jill? " napadako dun ang tingin ko at nakita si Uncle Jan 'yun?

" Uncle? Kilaga mo po sya? " tanong ko nang makabalik sya dahil nagpaalam syang huminto muna.

Tumango si Uncle at tumabi kay Tita Jilaine. " Mama sya ni Jillian " ngiting sabi ni Uncle.


OMG! May mas sasaya pa ba sa araw na 'to?!

Every Fangirls Dream || BTS EditionWhere stories live. Discover now