Jill's Dream Come True

89 0 0
                                    

" OMG?! Ang layo mo sakin Jill! " nasa  harap ko si Ate Jillian nung papasok na kami ng Hall, di ko alam kung saang panig ng Seoul 'to.

" Eh ate, number 50 ka tapos na sa huling number ako " sambit ko at pinaupo kami base sa number namin. Minimum of 150 lang ang Hi Touch dahil nagmamadali rin ang management may Fan meeting pa daw kasi sila sa Myeondong eh. Super busy na talaga sila. Hay , sana kumakain parin ang Taehyung at Jungkook ko.

Nagkagulo sa halos kalahati samin kasama na 'dun si Ate Jillian ng isa isang umupo sa harapan namin ang BTS habang ngumingiu at kumakaway. Day 2 kasi 'to nang M&G nila pagkatapos ng Concert. OMG! Mahahawakan ko na nang bonggang bongga sina Taehyung at Jungkook.

Isa isa ng tinawag ang mga number at nanlalamig ang kamay ko. Jusko! Pasmado ako baka iwasan ako ni Taehyung at Jungkook nito. Kadiri ka Jill! Punas punas rin kasi!

Tinignan ko ang ginawa nung fan at halatang kalmado at parang sanay na sya rito. Tigwa-one minute pala ang Hi  Touch bawat isang idol. OMG! Palihim akong nagpi-picture baka kasi i-confiscate 'to. Pero ayos lang kung ibibigay naman nila kay Taehyung o kay Jungkook at isi-save nila ang number nila dito eh. Handa akong isuko ang phone at sim card.

Nakalahati narin kami ng umabot na ng 50! Si Ate Jillian 'yun! OMG! Ngiting ngiti syang nakipag-kamay sa iba at may binabanggit pa. Medyo malayo kasi kami pero sobrang natuwa ako nung dalawang kamay nya na ang ginamit nya nung nasa harapan na sya nila Jimin at Yoongi. Parang naiiyak na si Ate Jillian at gusto kong tumili nung hinawakan ni Suga ang ulo ni Ate at kino-comfort. Samantalang nag-offer naman ng water si Jimin at naka-ngiting nakatitig kay Ate Jillian.

Di na ako magtataka kung bakit ganito magmahal ang BTS ang su-supportive naman kasi ng mga Fans nila at natural na sa kanila ang maging mabait,maalaga at mapagkumbaba. Wala akong pinagsisihang kasama ako sa mga Fans nila at nakakaranas ng ganitong saya at tuwa na babaunin ko hanggang sa huling hininga ko.

Labag sa loob ni Ate Jillian na umalis na dahil may susunod pa. May yakap yakap syang mineral bottle dahil inabot sakanya ni Jimin yun. Natutuwa ako sa kanya dahil naiyak na talaga sya. Pakaway kaway pa sya nung paalis sya. Kinakawayan din sya pabalik ng BTS. Mas kinabahan tuloy ako,nai-starstruck ako. WTF! Ang puputi,tatangkad,ang kikinis at ang ga-gwapo nila tas mahahawakan ko ang mga soft and precious hands nila. Geez. Mahihimatay na talaga ako dito.

Hanggang umabot kami ng isang daang bilang pero di ako mabo-bored kung ganito kaganda ang view sa harap mo. Magkatabi kasi sina Taehyung at Jungkook ko at nagkukulitan sila pagkatapos nilang makipag-bonding sa mga Fans.

Magkatabi kasi sa una si Namjoon, Seokjin, J-Hope, Jungkook, Taehyung, Jimin at Yoongi na nasa huli. Da heck! Nasa una pa si Namjoon, naalala ko na naman yung Park moments namin at yung Index finger to Index finger! Ghad! Di ako nakatulog nun. Swerte ko nun eh.

Hanggang sa ako na number 150 ,last at end. Pumasok ako at winelcome ako ng ngiti ni Namjoon! The heck! The Heck! The heck!

" Anyeong~" sabi ko nalang at nakipag Hi Touch na. Pero since ako na ang last at susulitin ko na 'to.

Naki-apir ako sa kanila pero ini-intertwined ko ang mga daliri ko sa kanila. Natuwa naman yata sila.

" Saranghamnida~" saad ni Namjoon. Nag-bow na lang ako at nag heart shape gamit ang index finger ko at dinikit yun sa ibabaw ng thumb ko. At nakabuo ako heart shape gaya ng ginagawa nila.

" You're the girl in the Park right? " OMG! Nabuntis ako ng English Accent ni Namjoon. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Speechless pa rin ako sa mga nangyayari. Pina-alala nya sakin yung index finger to index finger namin kaya't inulit namin yun.

Every Fangirls Dream || BTS EditionWhere stories live. Discover now