BTS as your Boyfriend

62 0 0
                                    

Kim Seokjin | Jin

as your boyfriend.


Y/N's POV


Sa simbahan, kung nasa'n nasilayan ko sya. Mapupula ang mata at handa ng tumulo ang luha nya. Pilit nyang tinatakpan ang ilong dahil sa pagsinghot. Pilit akong ngumiti para pigilan rin ang nagbabadyang luha.


"Iha... I can't believe na ikakasal ka na.. Parang dati lang, ay lagi ka paring nakasandal samin ng Mommy mo." kwento ni Daddy na isa sa mga naghahatid sakin sa altar. Nasa kabilang side ko naman si Mommy na ngumiti nung narinig nya si Daddy.


"I'm still your baby pa naman, Dad." paninigurado ko. Ngumiti sya at hinimas ang braso ko.Hanggang makarating ako sa altar at sinalubong nya ako.


"I just cant...believe that you're already mine.." he whispered to my ear ng ipaubaya na ako ni Mommy at Daddy sa kanya,gaya ng pag-ubaya ng puso at buhay kong kasama sya habangbuhay.


"I, Y/N take Jin as my husband...."


"Y/N...Y/N...Wake up..Babe?"


Sabay tapik sa aking balikat at pisnge.


"Hmm.." sabi ko at dahan dahang minulat ang mata.


"Yah, Good morning.. Suprise!" ngiting sabi nya at inilahad ng mabuti ang kanyang kamay, senyales na gusto nya akong yakapin.


"Gosh! Jin!" dali-dali akong bumangon at inambahan sya ng yakap.


"You missed me that much huh?" he chuckled while carresing my hair. I miss that kind of touch na sya lang ang nakakagawa sakin.


"I miss you so much." bulong ko at kinalas ang yakap.


"I missed you too. At hindi sapat ang isang araw na 'to para makabawi ako sa'yo." malungkot nyang saad.


"Huh? What do you mean?" tanong ko at di na maitago pa ang muling pangungulila.


"Isang araw lang ang binigay samin para umuwi, and we'll be back at night para sa flight namin for World Tour." sabi nya at umakyat na sa aking kama at niyakap ako.


"Hmm.. hanggang kailan?" tanong ko.


"This whole month, parang 3 days sa Japan. 2 days sa Brazil. Pabalik-balik na guestings sa Los Angeles. Concerts at Fanmeet sa Thailand, Taiwan and Australia. Maybe,next month pa ang balik ko." explain nya. Napasinghap ako, ilang linggo na naman akong magmu-mukmok sa kwartong 'to. Laging sasaktuhan ang oras ng pagtawag nya.


"Sorry.." bulong nya.


Tumango ako at hinarap sya.


"Could we just spend this day para mag-date?" tanong nya at agad kong tinanguan.


Every Fangirls Dream || BTS EditionWhere stories live. Discover now