“WHAT THE HECK!” Nagpapanic kong sabi.
“Anong ginagawa mo dito?”
Guess who? Syempre ang magaling na si Brix Suarez ang tao dito.
“WOW HA. Salamat PO sa pananakot niyo. Hindi naman ako halos maatake sa puso rito ano? Hindi naman ako muntik himatayin, maghysterical at hi-”
“Tresspassing” singit niya sakin.
“So what if nagtresspass ako? May batas na ba na nagbabawal na pumunta sa SC Room?” rude na sabi ko. Punyemas talaga naging laughing stock ako.
“Oo. Bakit? May gagawin ka ba rito?”
“Uhh” isip! Dali isip ka ng reason! “Oo! Hmm, itatanong ko kung kailan yung Survival Camp”
“Survival Camp ba kamo?” Papalapit siya ng papalapit sa akin kaya ako naman itong umuurong.
“Hoy Brix Suarez. Kahit mas matanda ka pa ng isang taon sakin at kahit presidente pa kita, wag na wag kang lalapit sakin” Hinugot ko yung pangamot ng likod tsaka ko hinarap sa mukha niya.
“Sinong nasa katinuan ang isip ang pupunta dito magisa, sa oras na 6pm sa pinaka kinakatakutang building ng school at magtatanong tungkol sa Survival Camp na gaganapin pa next next month?” sabi niya ng may ngiti sa labi.
Next next month pa ba yung Survival Camp?
“FINE. Nandidito ako kasi nagiispy kami dahil nasabi ni Jaja na may kahalikan ka daw na fourth year student kahapon sa may Math Building at nagaalala siya dahil baka Bad Influence ka at baka nahawa mo na si Den na mahal na mahal niya! Happy?” sarkastikong sabi ko.
Wait, sinabi ko ba na may crush si Jaja kay Den?
Tell me hindi ko nasabi! Huhuhuhu :’(
Lumapit na naman siya. Inilapit ko rin yung pangamot sa mukha niya.
“Sige lumapit ka at igagalos ko ito sa mukha mo. Sisigaw ako ng rape. RAPEEEEE”
Ngumiti lang siya. Yung makalaglag panty habang nakatingin sa mata ko.
“Affected ka ba na may kahalikan ako?” pacool na tanong niya.
“HOY ang kapal talaga ng mukha mo! Kahit may itsura ka at feeling mo mahuhumaling ang lahat sayo, pwes nagkakamali ka. Feeling mo cool ka na niyan kapag may hawak kang bola? Sorry mas mukha kang stick na itinusok sa fish ball”
“Mukhang stick na itinusok sa fish ball ba?”
Oh holy god. Nakakatakot yung evil smile niya.
*INSERT GRIN HERE*
“heto ang sayo!” Kinuha niya yung permanent marker tapos sinulatan niya yung left cheeks ko =_=
Shit. Tumayo ako tapos kinuha ko yung mga tumb tacks.
“Hoy masakit na yan! Tama na” natatakot na sabi niya.
Kinuha ko yung bag ko tapos tumalikod na ko. Naramdaman kong sumusunod siya. Humarap ako bigla tapos itinusok yung isang tumbtacks sa braso niya.
:PP
Sumigaw muna siya tapos ayun, binelatan ko. Umalis na ko ng SC room tsaka dali daling lumabas ng school.
BINABASA MO ANG
If You Ever Come Back
Teen FictionPaano kung magkita ulit kayo ng first love mo, kung kailan wala na ang lahat sayo at naipilit mo sa sarili mo na nakamove on ka na pero deep down inside sobrang affected ka pa rin ng past mo?