*Bell ringings*
Dali dali akong tumakbo papunta sa room namin. Paano kasi anong oras ang inabot namin kagabi sa reception sa kasal ni ate.
“Cheska Julianna Mallari”
“Present maam!”
Hingal na hingal akong umupo sa pwesto ko. Tumingin agad sakin si Janella.
“kamusta yung kasal ni ate Carla?” bulong niya sakin.
“Badtrip”
“bakit naman?” nanunuksong tanong niya sakin.
“Ako yung nakasalo ng bulaklak niya =_=”
Oo, ako yung nakasalo. Sinadya talaga ni ate Carla yun eh. Ang layo ko kaya sa harap! Pilit na nilakasan yung hagis kaya sa mukha ko naitapon. Take Note: Sa mukha!
“Pfftt, hahahahahahahahahaha”
Tinapik ko ng kaunti si Janella. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko sinabi. Tignan mo, siya pa yung unang unang tumatawa.
“Casabueno!” nagtinginan ang lahat kay Janella.
“:P”
*************
“Alam mo medyo totoo yung mga ganyan. Ikaw nakasapo! Meaning ikaw na ang susunod na ikakasal~” excited na sabi niya.
“hindi rin! Ano yun, minor palang ako?”
“OO! EH SINO KAYA YUN?~ SINONG LALAKI ANG IKAKASAL SAYO? “(Pagpag tone)
Tinakpan ko na yung bibig niya. Paano kasi nagtitinginan na naman yung mga tao sa amin.
Tapos, bigla siyang namula. Nanahimik, tsaka naman naghysterical.
Tinignan ko kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya.
“Ah, kaya pala. Kaya pala namumula yung isa diyan”
“hikhikhik~”
Si Dennis Villacorta. Third year student din. Magkasection lang kami kaso I siya tapos II kami. Ewan ko nga ba kung bakit ang tindi ng tama nito, unrequited naman.
Kasama ni Den si Kuya Brix. Fourth year student naman. President ng Student Council. Wala, may itsura eh. Kahit sobrang yabang tsaka antipatiko.
“Araw araw gumagwapo si kuya Brix noh?”
“Ja, akala ko si Den lang. Bakit pati si Kuya Brix?”
“Hindi! Loyalist ako ni Den ey!”
May dala dala silang bola, tapos pasa pasahan sila na parang tanga doon. Hindi ko nga alam kung bakit naging presidente yan pero kung tutuusin siya yung unang unang bumabali ng mga batas niya.
Tumambay muna kami doon tapos kumain. Syempre may chismisan na kasama haha
“pero may mga nakahuli daw kay Kuya Brix na kahalikan yung isang fourth year sa Math building”
“weh? As in laplapan?”
“yep. Mabuti nga hindi sila nahuli nung mga teacher. Mga 5pm daw yun” sinasabi niya ito in as-a-matter-of-fact-tone
“So?”
“Eh diba may nililigawan pa yan sa second year?”
“ano naman ngayon? =_=”
BINABASA MO ANG
If You Ever Come Back
Novela JuvenilPaano kung magkita ulit kayo ng first love mo, kung kailan wala na ang lahat sayo at naipilit mo sa sarili mo na nakamove on ka na pero deep down inside sobrang affected ka pa rin ng past mo?