Janella’s POV
Maaga akong pumasok kinabukasan. Paano kasi itong si Cheska siguradong maraming baong balita hahaha
At oo, hindi halatang masaya ako huehuehue.
/Flashback/
Naglakad na ko papuntang last room ng Math Building nang may kumalbit sakin.
“Ineng, pakibigay naman to kay Mrs. Ronquillo oh. Salamat”
=_=
Nautusan pa ako. Huhu, spying time ko kay Den my loves eh.
Since nasa second floor ako. Nakita ko ang overview ng school at nakita ko si Den na nakaupo doon sa bench.
Ang gwapo ng back view oh. Ang hot ng dating haha
Tapos biglang ng front view... AT TUMINGIN DITO? Oh my god, nasabi ko na ang pinakamagandang view. Ang I LoVIEW. Ew, ang cheezy haha.
Teka, may sumisigaw eh. Oo, tama! Si Cheska yun. Iniwan ko nga pala siya sa SC Room.
Wait, ok naman si Cheska dun haha. Bumaba ako papunta kay Den na halatang nakatingin sa SC Room.
Narinig ko ulit na sumigaw si Cheska ng rape. Bigla tuloy akong natawa hahaha. Ang adik ni Cheska, sigawan ba ng rape si Kuya Brix? Lol.
“Hmm, Den” tumingin naman siya sakin with his heartily eyes.
“Ibigay daw natin ito kay Maam Ronquillo”
Tumingin muna siya sa may Math Building. “Sige tara” tapos ayun, sabay kami naglalakad huehuehue.
“Bakit hindi ka pa umuuwi eh 6 pm na?” tanong ko sa kanya. Chos, umiiscore ang lola niyo. Wala first move eh.
“May hinihintay ako”
Minsan talaga nagtataka ako kay Den. Siguro di naman to bakla ano? Ganun ba talaga kapag mga lalaki? Sabay sabay umuuwi? Lol.
Oh no, masyadong pogi si Den at si Kuya Brix para magpakabakla. Trolololol
“Malapit lang ba bahay nila Kuya Brix sa inyo?” curious na tanong ko sa kanya.
“Nah”
Huh? Ang lame lang haha. May pagkaweird din pala si Den babes ko haha. Malay mo malayo talaga ang walking distance para sa kanya. Distance nga daw eh, oh ha magaling sa Physics si Den Babes ko.
Nung maibigay na namin, ayun 6:30 na baka siguro umuwi na si Cheska kaya umuwi nalang din ako. May multo pa sa math building =_=
/End/
So ayun haha. Kasalukuyan kong hinihintay si Cheska. Nandito pa rin sa upuan ko haha. Bakit ba araw araw muntikang nalalate yun eh kung tutuusin mas malapit pa ang bahay nila samin.
Parami na ng parami yung mga tao sa room. Lumabas na ko ng room namin at nagistambay sa may corridor. Nakita ko na sa may gate si Cheska! Teka, may kasama siyang lalaki eh.
Tumangkad ako para makita ko kung sino.
Bakit.. Magkasama sila ni Den?
Cheska POV
Late na naman ako sa first period ko. Obvious naman eh. Kaya tuloy dahil sa late ako, ipinasabay na ko kay Den.
“May quiz ba kayo sa Chem mamaya?” tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
If You Ever Come Back
Novela JuvenilPaano kung magkita ulit kayo ng first love mo, kung kailan wala na ang lahat sayo at naipilit mo sa sarili mo na nakamove on ka na pero deep down inside sobrang affected ka pa rin ng past mo?