Chapter 19

29 3 0
                                    

Jacob
Hays.. I feel bad and guilty dahil brineak-upan ko si Sophia nang ganon ganon lang..

Ang totoong rason kung bakit nakipag-hiwalay ako sa kanya ay dahil.. Pinag-arrange marriage ako sa isang Americanang babae

Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang magulang ko dahil sila ang nag-babayad nang college fund ko pati na rin ang rent ko sa apartment..

Ayaw ko saktan si Sophia nang ganun ganun lang dahil mahal na mahal ko siya.. Naiinis ako sa sarili ko dahil pumayag ako sa marriage na iyon.. Kaya dito muna ako sa America hanggang matapos graduation at lilipat kami nang bago kong 'asawa' pabalik nang Pilipinas in a year

Sana naman, mayayakap ko si Sophia ngayon, mahahalikan at mag-papatwad dahil ginawa ko iyon sa kanya

-
Sophia
Nagising ako sa couch nang marinig ko na may nag-luluto sa kusina

Si Jen ata yan

Tumayo ako at nag-lakad papunta sa kusina, nang biglang.. Maalala ko ang mga nangyari kagabi..

Totoo ba 'yon? Nakipag-hiwalay ba talaga si Jacob sakin? Or panag-hinip lang??

"Gising ka na pala" Sabi ni Jen sa akin, napatalon ako sa gulat

"Yup" Sabi ko nang-nag-grin ako

"Okay ka na?" Tanong niya sakin

Yup! Definitely NOT a dream..

"Hays.." Sagot ko, tumango lang siya

"You're definitely NOT okay" Sabi niya "Gusto mo samahan muna kita dito? I can skip classes" Sabi niya

Wow! Haha supportive ni Bes

"Hindi okay lang" Sabi ko

"Sure ka?" Tanong niya

"Yeah papasok rin naman ako ngayon eh" Sagot ko

"Okay then" Sabi niya nang pumunta siya sa living room "Alis nako" Sabi niya

Ngayon ko lang na-realize na naka pang-alis na pala siya at papasok na rin siya

"Okay bye ingat" Sabi ko sa kanya

"Thanks bye see u at school" Sabi niya nang marinig kong sumarado ang front door

Bumuntong hininga ako at kumain na lang

**
Wala na akong effort nang piliin ang susuotin ko, I decided to wear ang aking gray sweatshirt at leggings, sinuot ko ang aking black and white nike at kinuha ang backpack ko

Lumabas ako nang kwarto at kinuha ang susi nang bahay, lumabas ako nang unit at linock
ko ang pintuan, nag-lakad na ako papunta nang elevator at priness ang down button, sumakay ako sa loob at priness ang 1st floor

Lumabas ako nang elevator at nang building at nag-lakad na ako papunta sa school

Mabuti na lang malapit ang campus

**
"Okay Class" Sabi nang professor namin "Let's see who's absent" Dagdag niyang sabi nang buksan niya ang attendance book niya

"April" Sabi niya nang tawagin niya ito at tumingin tingin

"Here" Sabi niya nang itaas niya ang kamay niya

Ayun lang ang narinig ko nang biglang mag-daydream na ako ulit, ang daming tanong na pumapasok sa isip ko

Bakit ako hiniwalayan ni Jacob?

Ayaw ba sakin nang magulang niya?

Bakit niya ko pinag-palit?

May nagawa ba ko?

Pangit ba ko?

Ano ba meron sa babaeng yun na wala ako?

"Ms. Castillo" Sabi nang prof namin

I snapped out of my thoughts at tinignan ko siya "Yes po?" Tanong ko sa kanya

"Are you daydreaming again?" Tanong niya, nag-sitawanan ang mga kaklase ko

MyGash! Pati teacher savage na ngayon?

"I'm sorry sir" Sabi ko sa kanya "What was the question?" Tanong ko

"Wala naman siyang question na tinanong eh" Sabi nang kaklase ko na si Jane nang tumawa siya

Pasikat! Pano teacher's pet kasi..

"Then, bakit po?" Tanong ko

"Pumunta ka muna sa class ni Ms. Padilla at ibigay mo ito" Sabi niya nang tumayo ako at nag-lakad papunta sa kanya

Kinuha ko ang mga form at lumabas nang class room, nag-lakad ako sa room 408 at kumatok ako sa pinto

Ang mga estudyante dito sa classroom na ito ay mas matanda sa akin nang 1 year kaya para akong langgam na gumagala doon

Binuksan ni Brandon ang pinto "Hi ganda" Sabi niya

I rolled my eyes "Si Ms. Padilla?" Tanong ko

"Wala nasa faculty may kinuha lang, bakit?" Tanong niya

"Bibigay ko lang 'tong mga form" Sagot ko

"Ah eh kung gusto mo sakin mo na lang ibigay tapos ibibigay ko na lang kay Ms. Padilla pag-balik niya?" Tanong niya sa akin

Kahit badboy itong si Brandon ay mabait parin siya.. Kaya hangang hanga ako sa kanya kasi kahit ganyan ang ugali niya ay may respeto pa rin siya sa mga babae

"Sige pabigay nalang ASAP" Sabi ko nang ibigay ko ito sa kanya

"Haluh Brandon my babae ka nanaman!" Sigaw nang kaibigan niya na si Edward

"Para kang ewan" Sabi ni Brandon nang tignan niya ito

"Sige thanks" Sabi ko sa kanya nang ngitian niya ako, nginitian ko din siya at palakad na ako sa classroom nang biglang..

"Teka lang!" Tawag niya

"Yes?" Tanong ko nang itaas ko ang isa kong kilay

"I'm Brandon" Sabi niya sa akin nang ngitian niya ako

"I know" Sabi ko

Kumunot ang noo niya and he gave me a face that says 'What??'

"I mean.. I've heard about you" Sabi ko

"All good things I hope" Sabi niya

Ngumiti ako "Yeah"

"So.. Do you have a name or?" Tanong niya

He reminds me of Jacob talaga..

"Sophia" Naka-ngiti kong sabi

"Nice name" Sabi niya

"Thanks" Sagot ko nang tumalikod ako pabalik sa class room nang biglang tawagin niya ulit ako

"Sophia?" Tanong niya

Tumalikod ako "Yes?" Tanong ko

"Mas maganda ka kapag naka-ngiti" Sabi niya tapos sinarado na niya ang pinto

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at bumalik na ako sa classroom

Umupo na ulit ako sa upuan ko at nakinig na sa lecture nang guro ko..

Wala manlang nakapansin na wala ako..

------

Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon