"Kuya Thom, sure ka bang di ka na sasama?" Tanong ni Ricci.
"Yes. Dito nalang ako manonood sa TV." Sagot ko.
"Okay po. Ako nalang po pupunta kay Ate Ara." Sabi ni Ricci. Napatayo naman ako agad sa aking upuan.
"Manonood si Ara????"
"Opo. Nag dm nga po sya sakin." Sabi ni Ricci.
Nag dm si Ara kay Ricci?!?!?! Bakit sakin hindi :(((
"Sige, dito lang ako. Ingat kayo!" Sabi ko at bumalik sa upuan ko.
"Selos nanaman si Kuya Thomas." Bulong ni Ricci. Kahit narinig ko naman, hindi ko nalang pinansin.
***
Ilang minuto nalang, mag sisimula na ang game. Nag tweet nalang ako para alam nilang nag susupport ako.
Thomas Torres @iamthomastorres: Goodluck Lady Spikers!!! 🏹🏹🏹 #AN1M0
Syempre, naflood nanaman ako. At alam kong ThomAra shippers nanaman ang may pakana. Sobrang talino nga nila kasi lahat ng tweet ko na coconnect nila samin ni Ara.
***
1st set, 15 ang DLSU at 12 naman ang ADMU ng pinakita si Ara. Sobrang ganda nya talaga.
"Tutok na tutok ah." Pangaasar ni Kib.
"Manahimik ka nga!" Sabi ko.
"Bakit kasi di ka sumama kay Rivero? Edi sana makikita mo si Ara." Sabi ni Kib at tumabi sakin.