"Saan niyo balak kumain?" Tanong agad ni Kim pagkatapos magtraining.
"Iintayin ko pa si Jeron matapos mag training eh. Sabay daw kami kakain." Sagot naman ni Mika "Ikaw, Ara?" Tanong naman ni Mika at napatingin kay Ara.
"Ha?"
"Jusko! Nag tanong ka pa." Sabi ni Kim at umirap. "Syempre dito lang din yan para makita niya yung bebe niya." Natawa naman si Mika sa sinabi ni Kim.
"Leche ka Kim! Umalis ka na nga" Natawa naman si Kim at nagmadaling umalis. Papaluin na dapat ni Ara si Kim eh. Si Mika naman ay walang tigil sa kakatawa kaya inirapan nalang siya ni Ara.
Habang walang ginagawa, binuksan muna ni Ara yung phone niya at nag omegle. Hanggang ngayon ay niirita pa rin siya sa kausap niya na biglang nag disconnect, pero umaasa pa rin siya na makausap niya ulit ito dahil siya lang ang matinong nakausap ni Ara sa buong paggamit niya ng omegle.
Meet strangers with your interests!
dlsu college
dlsu manila |START A CHAT
You're chatting with a random stranger. Say hi!
You both like dlsu college.Hey
hello
how's your day?
okay naman
medyo pagod lang dahil sa trainingtraining? varsity ka?
yup. volleyball
volleyball??? ooh sana ikaw si Mika Reyes!!!
Pano kung sinabi kong ako si Ara Galang?
Ara Galang?????
yung panget na volleyball player?? HAHAHAHAHAanong panget na volleyball player???
grabe ka naman makapag salitaHAHAHAHAA SORRY
pero have you not seen her??
di bagay sa dlsu yung itsura ninya
she looks so poor compared to the other lady spikerswow sobrang gago mo naman
kala mo kung sinong perpektong nilalang
excuse me ah
oo, di kagandahan si Ara Galang, pero kahit ganun may na cocontribute pa rin siya sa dlsu
at kahit na sa tingin mo hindi bagay si ara sa dlsu kasi "she looks poor", well sorry sayo kasi isa siya sa mga pride ng dlsu
bye
sana madapa kaYou disconnected.
Napabuntong hininga ng malakas si Ara at napapikit. Pinipilit niyang hindi umiyak, lalo na't maraming tao ang makakakita sakanya. Ngunit, hindi na niya talaga kayang pigilan. Nasaktan siya ng sobra sa mga sinabi nung kausap niya.
Napatayo si Ara at inayos yung mga gamit niya.
"Uy! Aalis ka na? Di pa tapos yung training." Sabi naman ni Mika.
"Um.. mauuna na ako. May kailangan pa pala akong tapusin na papers." Sabi ni Ara at ngumiti ng papilit.
"Oh sige, ingat ka ah. Kumain ka na din habang tinatapos mo yung papers." Sabi ni Mika at ngitian din si Ara.