Check out the trailer above ⬆
.......
Masayang naglalaro ng buhangin ang isang batang babae sa tabi ng dagat. Nagtatalon ang batang babae hawak-hawak ang isang hugis pusong bato.
''Mom, I found something!''
''Come here baby, let me take a look,'' lumapit ang batang babae sa babaeng tinawag niyang 'mom' na nakaupo sa ilalim ng puno ng buko. ''It's adorable darling.''
Pinugpog ng halik ng babae ang mukha ng bata.
''Mommy, nakikiliti po ako tama na po!''
Nagpupumiglas ang bata para makawala sa yakap ng babae.
''I'm not a baby anymore, Mom. I'm already six years old.''
''Even if your a sixty years old woman you are still my baby,'' mas lalo pang hinigpitan ng babae ang pagkakayakap sa bata.
''Food is ready!'' Sambit ng lalake na may hawak na ilang platong may lamang pagkain. Inilapag niya iyon sa isang kahoy na lamesa sa tapat ng isang kubo.
''Yehey!'' Tumakbo ang batang babae sa kinaroroonan ng lalake na kaagad naman siyang binuhat.
Lumapit ang babae sa dalawa at niyakap sila ng mahigpit.
''Hungry my wife?'' Tumango ang babae bilang tugon sa tanong ng lalake.
''Hep-hep, magprepray muna po ako bago tayo kumain,'' pinagdikit ng bata ang kaniyang maliliit na kamay ''Dear Papa God, salamat po sa mga food na nakahain sa harapan namin ngayon. Salamat din po dahil kasama ko si Daddy at Mommy ngayon. Amen''
Inasikaso ng babae ang pagkain ng bata. Sinubuan niya ang bata ng paborito nitong adobo.
''Sarap!'' dinilaan ng bata ang gilid ng kaniyang labi ''ang galing mo po talaga Daddy ko.''
Lumapit ang bata sa lalake at pinuno ng halik sa mukha ang lalake. ''Yuck baby andaming mantika,'' kunwaring pinunasan ng lalake ang mukha na hinalikan ng bata.
Niyakap nalang ng bata ang lalake na tumugon din naman ng yakap sa bata.
''Who is that Daddy?''
Nilingon ng lalake ang itinuturo ng bata kasabay nito ang malakas na putok ng baril. Tumagos ang bala sa dibdib ng lalake dahilan para mapahiga ito sa buhanginan.
''Daddy!'' Sigaw ng bata.
Mabilis na nakalapit ang dalawa sa lalake. Hinawakan ng babae ang kamay ng lalake. ''No, John'' pilit na pinipigilan ng babae ang pag-agos ng dugo mula sa dibdib ng lalake. ''Please don't... don't leave me John.'' Mangiyak-ngiyak na sambit ng babae.
''Listen to me, Klarissa. Take care of our daughter. Wag mo siyang hahayaang mapatulad sa atin.'' Umubo-ubo ng dugo ang lalake.
Pinunasan ng lalake ang luha sa mukha ng kaniyang mag-ina . Niyakap niya ang mga ito at hinalikan sa noo.
''Hey, honey stop crying,'' pilit na nagsalita ang lalake kahit marami ng dugo ang lumalabas sa kaniyang bibig ''take care of mommy ha'' bilin nito.
''Yes, I will Daddy.'' Sagot ng bata sabay halik sa pisngi ng lalake.
''I love you both.'' Tanging huling nasabi ng lalake at nawalan na ito ng hininga.
''No, John...wake up,'' naluluhang wika ng babae.
Isang putok na naman ang bumasag sa katahimikan. Sandaling napalingon ang bata sa isang puno malapit sa kanila kung saan nanggaling ang tunog at naaninaw niya ang isang lalake na nakangiti. Napagawi siya sa kaniyang inang ngayon ay nakahandusay narin sa buhangin.
''Mommy?'' Niyugyog ng bata ang babae na may tama ng bala sa noo. ''Not even you Mom, I...can't-''
Naglabasan ang mga taong nakaitim mula sa mga sanga ng puno. Nagsimula ng humagulhol ang bata. Sunod-sunod na putukan ng baril ang umalingasaw sa buong lugar. Karamihan sa mga nakaitim ay walang buhay ng nakahiga sa buhangin habang ang mga nanatiling nakatayo na lamang ay ang mga taong nakamaskara.
Lumapit ang isang babaeng nakaputi sa bata.
''Hey, Ivory.'' Bati nito.
''Who are you?''
Tinanggal ng babaeng nakaputi ang maskara niya at hinarap ang bata. '' Wag kang matakot sakin I'm your Aunt Elizabeth, your mother's sister.'' Pagpapakilala nito.
''C'mon let's go.'' Inabot niya ang kamay ng bata.
''How 'bout my parents? I don't want to leave them here.'' Binawi ng bata ang kaniyang kamay mula dito.
''Hay! Ang tigas ng ulo mo.'' Binuhat ng babae ang bata.
''Let me go!'' Asik nito at nagpupumiglas.
Mas hinigpitan pa ng babae ang hawak sa bata. ''Don't worry Kuya John at Ate Klarissa ako na ang bahala sa kaniya.''
''Ibalik mo ko sa parents ko!'' Pinagso-suntok ng bata ng dibdib ng babae dahilan para lumuwag ang kapit nito sa kaniya pero hindi siya nakawala mula sa pagkakahawak ng babae. Malakas ang babae kung tutuusin.
''You're strong for a small girl, but that's not enough... you'll need a long training my dear.''
Ipinasok ng babae ang bata sa loob ng itim na kotse. Pagkasara ng babae sa pinto ng back seat ay nagtungo siya sa bintana ng driver.
''Bring her to the mansion, keep her safe. Susunod din kaagad ako, tatapusin ko lang 'toh.''
Ikinasa ng babae ang hawak niyang baril at naglakad na palayo.
''Welcome to hell Ivory.''
BINABASA MO ANG
The Rise of the Mafia Queen
ActionBlythe Luciano is the mafia heiress of the Frogiero's. She's untamed, brutal, vicious and a cold-hearted bitch. She kill violently, she pity no one. She's seeking for revenge for all the people who ruined her life. She's the queen who rise from fall...