Chapter 2- Angel in Disguise

64 4 6
                                    

Blythe.

Oakleaf College. Basa ko sa logo'ng nasa front gate. Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng university agad sumalubong sa akin ang mga bulong bulungan.

What a warm welcome! *insert sarcasm*

"OMG! Who's that nerd?"

"Siguradong may bago na namang mapaglalaruan sila Emma."

"Well, good luck sa kaniya!"

"Oh my! Look at that skirt!"

"Gosh! it's old-fashioned!"

"Ang manang naman!"

Yeah! nerd, manang. Ano pa ba'ng pwedeng i-label sa akin. Kung bakit ako naka-ganitong get-out kagagawan lahat ni Dinah.

Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ng pasukan sa Oakleaf. Dumeretso na ako sa banyo at naligo. Pagkalabas ko ay kaagad akong tumungo sa aking walk-in closet. Namili na ako ng isusuot ko at inilapag iyon sa kama.

"W-wait, seriously Ivory?" Nakakunot noong tanong ni Dinah na kakapasok lang sa kwarto ko. And what the f! Is she wearing trash? Bakit ko nasabi? Nakasuot kasi siya ng mahabang palda at maluwag na damit with matching knee sock at rubber shoes. Knowing Dinah, na sobrang fashionable hindi niya kayang magsuot ng 'ganon.

"Bakit ito ang isusuot mo?" Kinuha niya ang mga damit na nakalapag sa kama at ibinalik ito sa closet.

"Anong problema mo? Sadya namang ganito ang mga damit ko." Nilapitan ko siya sabay hablot sa kaniya ng damit. "Atsaka, ba't ganyan suot mo? May sakit ka ba?" Hinawakan ko ang noo at leeg niya "hindi ka naman mainit"

"Ikaw ata ang may sakit Ivy, hindi na ba gumagana ang utak mo." sabay katok sa ulo ko.

"Sapakin kaya kita." akmang sasapakin ko siya ng makailag siya.

"Easy! Okay," humugot siya ng malalim na hininga "labag man sa fashion spirit ko kailangan kong mag get-out ng ganito, lalo na ikaw. Kailangan nating mag-diguise dahil baka makahalata ni Lawrence na sinusundan natin siya. Diba nakita ka niya sa drag race for sure mamumukaan ka niya at baka masira lahat ng plinano natin. Kaya kailangan nating mag-ingat at mag suot ng ganito habang ginagawa natin ang misyon."

Tama siya, kaya naman no choice ako kundi isantabi muna ang stunning outfits ko at isuot ang get-out na ito. Kumbaga sabihin na nating angel in disguise.

I just ignored their gossips and continued walking.

Nasa corridor na ko. Hindi parin sila tumitigil sa pagbubulungan. Nakakairita na.

"Aray!" Bakit ba laging puntirya ang ulo ko?

Natahimik ang lahat, nakatingin sila sa akin--at sa tatlong babae na nasa harap ko ngayon.

Base sa impormasyong binigay sa akin ni Techna. Itong blonde na mukhang stripper sa bar, si Emma Morricone. Phil-Am, 18 years old at isa sa mga laruan ni Lawrence. Yung nasa likod naman ni Emma, si Georgina at Glaiza. Kambal sila at parehong 18 years olds. Malamang.

"I'm really sorry honey. My hand slipped and the ball 'accidentally' hit your head but...you should be thankful that it doesn't land on your ugly face." Mataray niyang wika.

If only you know.

I hate mean girls especially if they don't have respect. But I don't have time for this shitty thing.

Tinignan ko lang siya ng walang gana. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Matuto kang gumalang sa mas nakagaganda sayo." Inis niyang wika.

The Rise of the Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon