Chapter 7 - Red Box

27 4 0
                                    

Patapos na ang break time at patungo ako ngayon sa locker para kumuha ng libro para sa next subject namin.

Nasa  malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang dalawang estudyanteng naglalandian or should I say 'naghahalikan' sa tapat mismo ng locker ko. Tsk. Sa lahat ba naman ng lugar sa locker ko pa. Badtrip naman.

"Hey," sita ko sa dalawa naglalandian pero parang wala manlang silang narinig. Patuloy parin sila sa ginagawa nila. Hay! Kainis! "Hey, you're blocking my locker."

Mas nilakasan ko na ang boses ko kaysa sa kanina pero parang wala parin silang naririnig.

Pinasadahan ko ng tingin ang wall clock sa hallway at muka atang late na ko sa sunod kong klase. Terror pa naman yung prof namin dun.

"Hey, you two you're blocking my locker!" Sigaw ko.

Sa wakas napansin na rin nila ko.

"Hey nerd, what are you looking at?!" Singhal nitong babaeng mukang  clown.

Yeah, naka manang get up parin ako kahit na alam na ni Lawrence ang totoo. Hindi ko pa kasi nasasabi sa mga kaibigan ko ang tungkol dun. Balak kong sabihin sa kanila mamaya sa dorm.

"You're too cute for a nerd." Nabaling ang buong atensyon ko sa lalakeng kahalikan ni clown. "I don't mind if you join us. Ang boring kasi pag kami lang dalaw----"

That's it. I've reached my limit.

I punched him in the face and he fell on the floor.

Kaagad naman siyang tinulungang tumayo ni clown at naglakad na sila paalis. Tch. Weak.

Pagbukas ko ng locker ko ay nakita ko ang isang maliit na red box.

"Aaaaahhhh!!! May red box siya!" Sigaw ng isang estudyante.

Nagsimula ng magbulong-bulungan ang mga estudyante sa paligid.

"She'll be dead anytime now."

"Tara na baka masali pa tayo sa gulo."

"Poor girl."

"Kawawa naman siya."

Seriously? What's the big deal about this box?

Walang pag aalinlangang binuksan ko ito at duon ko nakita ang isang maliit na red card. Na may nakasulat na 'you'll be dead' at sa likod nito nakita ko ang simbolong bungo.

Isang tao lang ang pwedeng gumawa nito. Si Lawrence Bellomo.

=

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa red box sa buong campus.

Nalaman agad ito ng mga kaibigan ko kaya naman napilitan akong sabihin na sa kanila ang totoo.

"Paano na yan? Alam na ni Lawrence ang plano natin?" Wika ni Dinah.

"Ivory," nag-aalalang tumingin sa akin si Maris.

"So this is his kind of fun?" Nag flashback sa utak ko ang mga sinabi ni Lawrence kaninang umaga.

"I think it's too early for that. Maybe I can make a little fun with you before I kill you. What do you think?"

"Who?" Nagtatakang tanong ni Armin.

"We need a new plan." Suhestisyon ni Techna.

"Are you ready to play?" Tinignan nila ako ng may halong pagtataka.

"What do you mean?" Tanong ni Maris.

"Gusto nilang makipaglaro edi makikipaglaro tayo." Sabi ko at ngumiti.

=

Napagdesisyunan kong hindi nalang muna pumasok sa klase at tumambay nalang sa canteen.

Lunch break na at nagsisimula ng dumami ang mga estudyante dito.

Lahat ng napapadaan sa gawi ko ay umiiwas at nag-iiba ng dereksiyon. Tss. The hell I care!

Nasa gitna ako ng pagkain ng makaramdam ako ng malagkit na  likidong tumutulo mula sa ulo ko.

Tumunghay ako para makita kung sino ang nagtapon ng juice sa buhok ko. And guess what? It's blonde.

"That's what you get when you mess with my man." Sambit niya.

Wala akong oras para makipag away sa kanya. Kaya tumayo na ko at nilampasan siya. Ngunit hinarangan ako ng mga alipores niya.

"Running away?" Mataray na sabi niya saka sumenyas sa iba pang estudyante. Agad namang nag silapitan ang mga babaeng may hawak na gunting.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong mas dumadami na ang mga estudyanteng nakikiusisa samin.

Ugh! I really hate attentions.

"Give me a good show." Rinig kong sambit ni Emma.

What show?

Bago pa man ako makalingon sa gawi ni Emma ay nakaramdam na ko ng matigas na bagay na tumama sa ulo ko kaya natumba ako sa sahig.

Nalasahan ko ang dugo na umaagos mula sa ilong ko. Naramdaman ko na din na sinisimulan na nilang gupitin ang buhok at damit ko.

Hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko dulot na rin ng pagkahilo. Gustuhin ko mang lumaban subalit wala akong sapat na lakas para gawin 'yon.

Bumalik ako sa wisyo ng makarinig ako ng ilang pagbagsak. Nagawa kong imulat ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko si Dinah.

"Blythe, can you hear me?" Nag-aalalang tanong niya kaya tumango ako bilang sagot. Tinulungan akong tumayo ni Dinah.

Sira-sira na ang t-shirt ko at ang paldang suot ko ay nakakalat na sa sahig. Tanging panloob nalang ang suot ko.

Tinanggal ko na ang suot kong wig para matakloban ng mahaba at itim kong buhok ang aking katawan.

Inabutan ako ng jacket ni Maris na kaagad ko namang sinuot.

Nakahandusay na sa sahig si Emma at ang mga alipores niya dahil sa suntok nila Armin at Techna.

Inakay na ko nila Dinah at Maris palabas ng canteen. And there I saw Lawrence with his friends.

Natigilan kami sa paglalakad nang magsalita siya.

"I have a great idea in mind on how to make fun of you but it looks like Emma already started it. Was it fun?" Nang-aasar na tanong niya.

Matalim ko siyang tinignan sa mata pero tinawanan niya lang ako.

Sa sobrang inis ko dumura ako ng dugo sa mukha niya na halatang ikinagulat niya.

Marahas niyang pinahid ang dugo mula mukha niya saka ako direktang tinignan sa mata. "I guess that's a yes. Just be more careful next time......because I'll make it even more fun."

Ngumisi siya saka kami nilampasan.

Natawa naman ako sa isip ko. Because this is the first time na  nagkatotoo ang mga threat nila sakin. Siguro hindi siya ang taong puro lang salita. He will do just what he said.



The Rise of the Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon