Valentines is NOT SAD (Single Awareness Day)

65 1 0
                                    

Bawal magbasa ang mga may date sa Valentines. De joke lang hahaha. It is pure criticism about single or NBSB or NGSB. In short, sa mga 'malulungkot' ang Valentines kuno.

February na naman. 

Nagsisiliparan na naman ang mga hugis pusong mga papel sa tabi tabi.

Marami na rin ang nagsikalat na tindera at tindero ng mga mapupulang rosas.

Aakalain mo tuloy na nasa Dangwa ka.

Uso na rin ang mga chocolates sa mga grocery. Karamihan sale pa nga.

At makikita mo sa tabi tabi, na LOVE IS IN THE AIR na nga.

Pero bakit sa pagmamatyag ko, ang daming malungkot sa buwan na ito?

Kapag may nakita kang hinaharana, ang agad na sinasambit mo "sus, ganyan talaga ang mga lalaki. Sa umpisa lang marunong mangharana"

Kapag may nakita kang nagbigay ng tsokolate , agad kang nagpost sa twitter mo "lahat ng makakatanggap ng tsokolate sa 14, magkadiabetes sa kayo"

At kapag may nakita kang couple na Holding Hands While Walking With Sway Sway pa, hindi ka pa nakontento dumaan ka pa sa gitna nila.

Valentines Day nga, araw ng mga puso, tapos pinangalanan mo pa na Single Awareness Day.

Yung totoo? May galit ka ba kay kupido?

Well, let me tell you...

Kung single ka at gustong gusto mo na siyang makilala, isa lang ang solusyon diyan...

Edi huwag mo siyang hanapin.

Kasi iyan, ibibigay sa iyan ni God sa tamang panahon, sa tamang oras. Kapag settled na ang lahat. Ayaw mo yun? walang balakid :)

Ibibigay niya yun kapag tumigil ka ng humabol sa taong hindi ka naman gusto tapos yung 'right one' naman ang lalapit papunta sayo.

Ibibigay niya yun kapag binuksan mo na ang puso mo sa mga taong nasa paligid ligid lang sayo.

At kung iniisip mo na ikaw na lang ang natitira,

pwes, hindi ka nagiisa.

Wag kang magpadala sa peer pressure o sa grupo niyo. Kung ikaw na lang ang wala, so what diba? As if naman na may mawawala sayo.

Kaysa naman sayangin mo ang first love mo sa isang taong hindi mo naman ganoon kakilala. Tandaan, first love never dies so make sure na worth it ang pagbibigyan mo nito.

Minsan kasi, BAKIT NAKAFOCUS KA SA MGA BAGAY NA WALA KA?

Hindi ka ba masaya na may kompleto at masayang pamilya ka na parating kasama mo?

Hindi ka ba masaya na nakakapag aral ka at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw?

Hindi ka ba masaya na biniyayaan ka ng isang masigla at malakas na pangangatawan ng panginoon?

Alam mo ba na yung iba, ipinagdadasal pa kung anong meron ka?

Bakit kailangan mo ng lalaki?

May mga kaibigan ka naman na nagpapasayo sayo ng sobra. Bonus na nga lang ang Love life kung meron ka diba?

Bakit kailangan mo ng kadate?

Pwede namang magbonding nalang kayo ng kapatid mo para mas may closure kayo diba?

Bakit gusto mo pa na may magbigay ng chocolate sayo?

Kung mas higit pa sa chocolate ang kayang ibigay na panlamon ng mga magulang mo sayo.

Darating din naman kasi yan eh, 

Bakit hindi mo muna harapin ang mga tunay na priorities mo?

Anong top ka na ba sa eskwela at ipinipilit mo na kailangan na kailangan mo ng inspirasyon?

Napatunayan mo na ba sa mga magulang mo na karapat dapat na anak ka sa kanila?

GUMISING KA NA! HINDI LALAKI ANG KAILANGAN MO!

Malay mo busy lang sa pagtype si God ng love story mo?

PS: NBSB din ako haha. No offense pero this is the reality :D. Be optimistic

Valentines is NOT SAD (Single Awareness Day)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon