Summer Love 8

294 5 1
                                    

SUMMER LOVE 8 {THE ENDING}

Author: PUTING GATAS

Isang araw bago ang nakatakdang libing ni Nestor ay saka lang nalaman ni Allen ang sinapit ng ama.Ayaw pa sanang sabihin ito kay Allen dahil shocked pa rin sa pangyayari. 

"Anak..ang itay mo..."umiiyak si Aling Lucing. 

"B-bakit 'nay? A-ano hong nangyari kay itay?" ang nagsisimula ng mamasang mata ni Allen sa luha.Parang nahuhulaan niya na ang sinapit ng ama pero ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ng utak niya.Ngunit sa iyak at hagulhol ng ina,tama nga ang hinala niya. 

"Hindi maaari! Gusto kong lumabas dito! Hindi maaari,hihingi pa ako ng kapatawaran sa kanya!" ang parang nagwawalang pakiusap ni Allen.Tinulungan ng mga nurses na pakalmahin si Allen.Binigyan nila ito ng pampakalma.Pinagmasdan ni Aling Lucing ang natutulog na anak.Naaawa siya rito.Umiyak siya. 

Inilibing si Nestor na hindi man lang kinakitaan ng luha si Allen.Para itong manhid at walang alam sa nangyayari sa paligid.Inalalayan na laman ni Lucing ang anak.Nagkausap na rin ang kapitan at si Lucing sa eskandalong nangyari.Humingi ng dispensa ang kapitan at pakikiramay sa pamilyang nasawian. 

Isang linggo na ang lumipas matapos ang buong pangyayari ay ganun pa rin si Allen laging tulala at umiiyak."patawad itay ko...sana ako na lang ang namatay."ang laging bukambibig ni Allen.Laging iniisip nito na dahil sa kanya namatay ang kanyang ama. 

Isang araw nagpaalam si Aling Lucing na mamamalengke at babalik ito agad.Tumango lang sa kanya si Allen.Isinagawa ng huli ang kanyang plano nang makaakis na si Lucing.Nahihiya si Allen sa eskandalong kinasasangkutan niya..ang sakit ng pagkamatay ng kanyang ama...galit na galit siya kay Benjie...niloko siya nito at pinaglaruan..ang hayup! Ang mga naglalaro sa kanyang isipan..... 

"Anak,salamat naman at gumising ka na...Anak,mag-isa na lang ako.'wag mo naman akong iiwanan."umiiyak na pakiusap ni Lucing sa anak. 

Naalala ni Allen na nagbigti pala siya.Bumalik pala si Lucing ng maiwan ang piataka.Ilang saglit na rin siyang nakaalis nang sa pagbalik niya nakita niyang nakabigti si Allen pero mabuti na lamang at naabutan nila ang buhay nito.Humingi ng tawad si Allen.Ipinangako niya sa ina na hindi niya na ulit gagawin ang pagpapakatiwakal.Nangako rin siya sa sarili na muli siyang babangon sa pagkakadapa.Nagpasya silang mag-ina na lisanan ang lugar na nagdulot ng matinding pasakit at pangyayari sa buhay nila. 

Alam niya na hindi na kailanman mawawala sa isip ng mga tao ang eskandalong nagpabago sa mga buhay nila.Mananatili ito kahit siya ay mamatay na.Pero ganun pa man handa siyang harapin ang bukas na puno ng pag-asa. 

Habang siya ay nagliligpit na ng kanilang gamit natigilan siya ng marinig ang kantang pinapatugtog sa radyo... 

I CAN'T SEEM TO UNDERSTAND,HOW CAN LOVE IS SO UNKIND STILL YOU BROKE MY HEART DESPITE WHAT I'VE DONE STILL MY LOVE WAS NOT ENOUGH THOUGH I'VE GIVEN YOU MY ALL...I CAN'T TAKE IT ANYMORE... 

HOW,HOW COULD YOU SAY YOU LOVE ME? WHEN YOU WOULD GO AND LEAVE ME..HOW COULD YOU MAKE ME HURT SO BAD... WHEN I HAVE LOVE YOU MORE THAN ANYONE CAN DO... CAN'T BELIEVE THE PAIN THAT I'M FEELING OW BECAUSE OF LOVING YOU... 

Tumawa si Allen ng mapait...pinagkatiwalaan niya ng husto si Benjie..pero pinaglaruan lang pala siya.Sa simula pala'y may plano na ito sa kanya.Bigla itong nawala at iniwanan siya ng isang pinakamasaklap na pangyayari sa kanyang buhay.Nagkamali siya pero hindi pa huli ang lahat para itama ang kanyang pagkakamali. 

Maraming buhay ang nabago dahil sa pagkakamaling nagawa niya.Mahirap man tanggapin pero dapat siyang magmove on kasama ang kanyang inay...nagmahal siya pero sa maling tao.Hindi niya na maibabalik pa ang panahon.Masakit isipin na hindi naging maganda ang ending ng kanyang lovestory...pero nagpapasalamat siya dahil may natutunan siya sa pagkakamaling iyon..."It's not yet the end..coz for all we know endings are just a start of a new beginnings..." ang puno ng pag-asang sabi niya. 

"Good bye, my summer love......." 

(Abangan ang Book II : If Ever You're In My Arms Again)

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon