MAVIEL
PERFECT. GANYAN ko maide-describe ang suot kong cafe uniform. Halos kapareho ito ng style sa suot ni Sigmund: white longsleeved blouse, crimson vest at black ribbon. Sa pang-ibaba lang ang pinagkaiba dahil itim na skirt at stockings ang suot ko habang sa kanila'y black pants.
Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. I wasn't sure kung pinasadya talaga nila ang uniform o nataon na fit ang damit na 'to sa 'kin. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko sa harapan habang naka-ponytail sa likuran.
"Bagay na bagay sa 'yo."
Sigmund, in his seemingly perpetual smile, gazed at me through the large mirror in the girl's washroom. Nakasandal siya sa pintuan habang tinitingnan ang reflection ko. Wala naman siyang maboboso sa akin so I did not mind him taking a peek.
"I got your measurements right, didn't I?" tanong niya. "34-25-36."
Those are my vital statistics! How did he—
"Don't be surprised. I put my observation skills into use. That's how I knew."
Napabuntong-hininga ako. As always, he was second-guessing my thoughts. Minsan ko nang naisip na baka may superpower itong si Sigmund, given the accuracy of his mind reading. At dahil magkatrabaho na kami, I should expect more of it in the coming days.
Lumabas ako ng washroom at nagtungo sa customers' area. Time to get to work! Sigmund followed behind me.
Maagang natatapos ang klase namin araw-araw. Once the clock strikes three, pwede na akong pumunta rito para mag-duty. According to the contract, I only have to work four to five hours a day unless kailangang mag-overtime.
"Wow!" Natigil sa pagpupunas ng mesa si Nikolai at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Parang na-starstruck siya nang makita ako. "It looks perfect on you, Mav. Perfect!"
"Th-Thank you," nahihiya kong sagot. I was not used to compliments and being the center of attention.
Nagawi sa direksyon ko ang tingin ni Landice na nagbabasa ng libro sa corner niya. Sandaling nagkatagpo ang mga mata namin bago siya kumalas ng tingin. He did not say anything. May issue ba siya or what? Malamig na nga rito sa shop, nakadagdag pa ang cold treatment niya sa akin.
"Okay!" Sigmund rubbed his palms together as he went behind the cash register. "Because you have the looks and the charm, you will also be in-charge sa paghahatid ng drinks sa customers. Always remember to smile at huwag na huwag mo silang susungitan, ah?"
No need to remind me. I already know what to do. May ibubuga naman ako pagdating sa customer service. Prepared nga akong magtrabaho sa mga fast food chain eh.
Halos kalahati ng mga mesa ang occupied dito sa shop. Most of the customers were students reading their thick notes or doing their assignments. Unlike other establishments, mas relaxing ang feeling dito sa Moriartea Cafe. I somehow understood kung bakit pipiliin nilang tumambay rito.
BINABASA MO ANG
MORIARTEA
Mystery / ThrillerMeet the detectives of the Moriartea Cafe. Cover artwork by @CryAllen