[15] W

206K 8.4K 10.7K
                                    


A/N: Here's the final chapter of Moriartea! I'd like to thank everyone for their continuous support! I hope you enjoyed the story as much as I enjoyed writing it.

MAVIEL

LIES AFTER lies after lies. Nabiktima na naman ako ng isang taong mapagpanggap. Someone whom I trusted. Someone whom I thought could help me solve the puzzle.

Nagising akong nakagapos ang mga kamay at paa ko. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nahimbing sa malamig na lupa rito sa greenhouse. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakatali sa akin. But the more I tried to resist, lalo pang humihigpit ang kapit ng tali.

Humming a familiar nursery rhyme, Vivien dug some dirt from a large pot. She wiped the beads of sweat on her forehead before she continued digging.

Bakit ba ang mga detective na pinagkakatiwalaan ko, mga psycho? Coincidence din bang maituturing na may student-mentor connection ang dalawang detectives na nanloko sa akin?

"Gising ka na pala, Mav!" Tumigil muna si Vivien sa kanyang ginagawa at humarap sa akin. Mukhang napagod siya sa katatanggal ng lupa sa malaking paso. I could sense something sinister from how she smiled at me. "Sorry kung kinailangan kitang gamitan ng taser kanina."

Lumingon-lingon ako sa paligid, naghahanap ng mga taong pwedeng tumulong sa akin. It was already pitch black outside kaya nahirapan akong humagilap ng mga dumaraan dito. Only the stars and the moon gave light to the forsaken greenhouse.

"You can cry for help if you want," sabi niya bago ipinagpatuloy ang kanyang paghuhukay. The malicious grin remained across her lips. "But this greenhouse is soundproof. Kahit anong sigaw mo, hindi ka maririnig ng mga tao sa labas. And should I mention na iilan lang ang dumaraan dito?"

"Bakit? Bakit mo ginagawa ito?!" I yelled at her. Kahit sinabi niyang soundproof ang lugar na 'to, umaasa akong may makakarinig pa rin sa akin sa labas. "Ganito rin ba ang ginawa mo kay Aria? I thought she was your friend!"

Vivien smirked, shooting a sideward glance at me. "And you fell for that lie? Sinabi ko 'yon upang makuha ang tiwala mo. You were so gullible that a simple fabricated story managed to deceive you."

Napakuyom ang mga kamao ko, halos bumaon ang mga kuko sa aking balat. How dare she trick me! Apprentice nga talaga siya ng manlolokong si Sigmund. "Dahil ba nalaman ko ang katotohanan kaya kailangan mong gawin sa akin 'to?"

"I have nothing personal against you, Mav. Sana'y maintindihan mo. But I can't allow anyone to get closer to Sigmund. You and Aria tried to erase me from his memory, didn't you? Kaya ba tinanggap mo ang pagiging part-timer sa cafe?"

Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? Paano ko siya mabubura sa consciousness ni Sigmund kung kahapon ko lang nalaman na nag-e-exist siya? "Wala akong gano'ng intensyon! Ni hindi ko nga alam ang tungkol sa 'yo kung hindi ka nabanggit ni Manager Jameson!"

"Exactly!" she shouted back at me. "Aria almost got rid of me from Sigmund's memory! Oh, speaking of the devil."

Yumuko siya't kinuha ang isang nahukay na bagay mula sa malaking paso. It was a round object covered with dirt.

"Maviel, meet Aria. Aria, meet Maviel."

I averted my gaze and controlled myself from vomiting. How could she hold someone's skull with such disrespect?

Ipinagulong niya ang bungo patungo sa kinahihigaan ko. I saw a glimpse of its empty eye sockets and decaying teeth.

"I hope you enjoyed your limited time with my sweet Sigmund. Nasarapan ka ba roon sa ice cream parlor na pinuntahan n'yo? Unfortunately, that's the last ice cream that you will ever taste."

MORIARTEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon