[12] Art of Stalking

192K 7.7K 6.2K
                                    

MAVIEL

"OH? DETECTIVE trainee!"

Sabay kaming lumingon ni Nikolai sa aming kaliwa. Lumabas sa katabing biology lab ang isang professor na nakasalamin at naka-slick back ang buhok. His face was familiar. Saan ko nga ba siya nakilala?

"Sir Verde?" I recalled.

"Maviel, right? Sigmund's apprentice!" Sir Verde also recognized me. He touched the bridge of his eyeglasses, its lenses shining. "Hindi mo yata siya kasama ngayon?"

"Naka-duty ho siya sa cafe ngayon," sagot ko sabay turo sa lalaking katabi ko. "I'm with one of our workmates."

Mabilis na ibinulsa ni Nikolai ang hawak niyang paper clips. He acted as if he wasn't doing something illegal. "Nikolai from Moriartea Cafe. At your service!"

"Another detective, huh? At talagang naka-uniform pa kayo," nakangiting tugon ni Sir Verde, tiningnan kami mula ulo hanggang paa. "Ano nga pala ang ginagawa n'yo rito? Kakaalis pa lang yata ng mga English faculty member. Is this for a case?"

"Ma-May iko-consult lang ho kami sa English professor namin," I lied. Kung si Sigmund ang kaharap ko, he would have sensed that I was lying. "Kailangan ko kasi siyang kausapin tungkol sa assignment na ibinigay sa amin."

"Sayang, hindi namin siya naabutan dito," nakisakay na rin si Nikolai sa kasinungalingan ko, may kasama pang pagpalatak. "Importante kasi ang itatanong namin."

Napatingin si Sir Verde sa kanyang relo. "Dapat maaga kayong pumunta. Hanggang six o'clock lang sila."

"Ano nga ho pala ang ginagawa n'yo riyan?" I asked, trying to change the topic. Mukhang hindi siya nanghihinala na may balak kaming gawin sa faculty room.

"Tsine-check ko ang mga specimen sa biology lab," Sir Verde answered, jerking his thumb over his shoulder, pointing at the nearby room. "After the break-in incident sa greenhouse, I decided to regularly check the items here. Mahirap na, baka masalisihan ulit. Nagpalit na rin ako ng padlock sa greenhouse."

"May update na ho ba kayo tungkol sa missing wolfsbane case?"

He shook his head slowly. "Unfortunately, wala na talaga kaming mapigang impormasyon kung sino ang posibleng pumasok at bumunot ng halaman. Don't worry, I will tell Sigmund kapag may development sa kaso."

Excusing himself, Sir Verde waved his hand before descending the stairs. Kumaway rin kami ni Nikolai sa kanya at sinabayan pa ng ngiti hanggang sa mawala siya sa paningin namin.

"That was close," I muttered. Nakahinga na ako nang maluwag. "Mabuti na lang, hindi mo pa sinimulan ang paglo-lockpick mo."

Tumango-tango ako kahit hindi ko masyadong naintindihan ang pinagsasabi niya. He inserted what he called "tension wrench" into the bottom of the keyhole and started turning it repeatedly. Sinunod niyang inilabas-pasok ang isa pang paperclip at pinaikot-ikot ito sa loob.

In less than a minute, we heard a clicking sound. He pulled out the paper clips and turned the doorknob. Hindi na ako nasorpresa pa nang tuluyang bumukas ang pinto.

He pressed the door lock before proceeding inside. Pipindutin ko sana ang light switch kaso mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

"H-Hey?"

"If you turn that on, malalaman nilang may tao sa loob," sabi niya sabay labas sa maliit niyang flashlight. "Imagine what kind of rumors they will spread kapag nakita nila tayong dalawa sa room na dapat ay wala nang tao."

I forgot about that. "So-Sorry."

Dahil iilan lang ang desks sa faculty room, hindi kami nahirapang hanapin ang puwesto ni Ma'am Valencia. Naka-print in bold letters ang pangalan niya at may kasama pang photo. We started searching among the folders on the desk and found the one that had Miley's course and section on it.

MORIARTEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon