So, eto na first time kong ilagay to dito.. Normally sa mga forums lang ako tumatambay at dun nagpo-post ng mga gawa kong puro kalokohan at kathang isip lamang..
Isang hapon pagkatapos ng klase ako ay nagpunta sa aming poultry house (parte ito ng aming asignatura sa Home Economics, at dahil ang paaralan namin ay agrikultural kaya kasali ito) . Dapit hapon na at ako lamang ang naglalakad papunta doon. napapaligiran ako ng mga malalaking puno ng akasya at narra na akala mo'y wala ako sa isang eskwelahan.
Habang naglalakad ako parang may nararamdaman ako na tao sa aking likod pero nung lingunin ko wala naman (iskerrrri mats). Pinagpatuloy ko ang paglalakad dahil may kalayuan pa naman ito ('yung mga tipong mula sm north hanggang sa mrt-north).
Nakakabingi ang katahimikan sa aking dinadaanan. Pagtapat ko sa isang bakanteng bahay na dating tinitirhan ng mga graduating na mag-aaral sa aming paaralan parang may naririnig ako na sumisigaw. Halos atakihin ako sa puso nung narinig ko iyon dahil akala ko may namatay o may natagpuang patay ( suki ng mga patay na katawan ung likod kasi nun dahil dun tinatapo ng mga NPA).
Ayokong takutin lalo ang sarili ko kaya binilisan ko na lang na maglakad. malapit na dumilim at ayokong maabutan ng dilim sa daan. Hindi pa rin ako mapalagay sa aking narinig na sigaw kanina, parang gusto kong balikan na ayaw.
Nakarating din ako sa poultry house, nagmadali akong tapusin ang lahat ng gawain. Naglagay na ako ng pagkain, tubig at vitamins para sa mga manok. Pagkatapos nun ay inayos ko ang mga lagayan at bag ng mga pagkain doon. Naglinis na din ako ng sarili ko ( at amoy manok na ako) ng makauwi na din.
Naglalakad na ako pabalik, wala namang ibang daanan kundi yung kanina. Kinakabahan ako at baka may sigaw na naman ako na marinig. Sa awa ni Lord, may nakita naman akong tao na naglalakad din papunta sa labasan. Nasa katamtaman ang kanyang pangangatawan, may pagka-maputi at naka uniform siya na parang pang prinsipal.
Laking gulat ko ng makita ko na bigla siyang pumasok sa bahay na kung saan ko unang narinig yung sigaw kanina. Natakot ako para sa sarili ko baka isa siyang mamamatay-tao at baka patayin ako ng di-oras ( wala pa naman akong lovelife). Naisip kong takbuhin ang daan kaso nakapalda ako at mahirap tumakbo ng naka ganun. Wala akong choice kundi ang maglakad na dumadalangin na sana huwag siyang lumabas para hindi ako mapansin.
Ilang hakbang na lang at ito na nasa tapat na ako ng bahay. sinulyapan ko ang bahay, ngunit wala akong nakitang lalaki. "Nasaan na kaya 'yung lalaking yun?" para akong timang na tinatanong ang aking sarili. Nasa dugo ko na siguro ang pagiging mausisa kaya imbes na umuwi na eh dinala ako ng paa ko papasok sa bahay.
Pagkapasok ko pa lang sa gate ng bahay pakiramdam ko na may mabigat sa aking balikat. Wala akong dalang bag sa mga oras na iyon dahil iniwan ko ito sa aming gwardiya. Para akong may pasan na kalahating sako ng palay at unti-unti siyang bumibigat sa bawat hakbang ko papasok.
Pagkatapat ko sa may pintuan, napansin kong gawa pala ito sa kahoy at sadyang napakaluma na ng disenyo neto. Napansin kong wala na yung bigat ng likod ko na naramdaman ko kanina. Signos kaya yun na wag na akong tumuloy o baka dahil sa pagod lang? Itinulak ko ang pinto ng bahay at laking gulat ko ng andun sa loob yung lalaking nakita ko kanina. Naka suot pa rin siya na pang prinsipal. Hindi niya yata napansin na nakapasok ako.