Nagpumiglas ako mula sa kanyang pagkakahawak.
" Bakit mo ako hinabol pa? Tiyak na nakasunod satin yung babae?" hingal na tanong ko sa kanya.
" Wag kang matakot iha, po-protektahan kita sa abot ng aking makakaya." sambit niya sakin habang nakahawak pa din sa kamay ko.
Iginiya niya ako sa may maliit na butas, doon daw kami magtago.
"Sigurado ka ba, Kuya na hindi tayo matutunton dito?"
"Oo kasi eto ang paraiso ko." sabay hawi niya sa makapal na baging.
Namangha ako sa ganda ng paligid. Hindi ko akalain na si Kuya Prinsipal ay nakatira dito. Pinaupo niya ako sa isang kahoy na nabuwal sa bandang gitna ng paraiso.
"Kuya, anong lahi po ba kayo?"
"Wala akong lahi." sabay tayo at tingin sa malayo.
"May ipagtatapat ako sa’yo, pero ipangako mo na hindi ka matatakot o masisindak sa sasabihin ko."
"O sige po.."
"Iha, isa akong engkanto.. at.. ang pinasukan mong bahay ay ang lagusan ko para makapunta sa inyong mundo."
"Te..teka lang..kung bahay mo ito, sino yung babae doon sa may lumang bahay? Bakit siya galit na galit sayo? Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka kasi halatang engkanto eh, sorry ha.
Hindi siya umimik at bigla na lang siyang umiyak.
"Hala kuya, bakit ka naman umiyak? O sige wag mo ng sagutin tanong ko tumahan ka na diyan."
Umiyak lang siya ng umiyak ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya, hinayaan ko na muna siya.
+ Kuya's POV+
Huhuhu.. (di ako marunong mag type ng sound effect ng umiiyak)
"Hala kuya, bakit ka naman umiyak? O sige wag mo ng sagutin tanong ko tumahan ka na diyan." narinig kong sabi niya sakin.
Paano ko nga ba ipapaliwanag sa taong to ang aking pagkatao. Asar naman bakit may ganito pa eh?!
(a/n: wag ka ng magreklamo Kuya, kahit ako di ko alam kung bakit)
Uhmmmm....ok na ako tapos na akong umiyak.. Ano nga tinatanong mo sa akin?
+ POV ko+
"Hala kuya, bakit ka naman umiyak? O sige wag mo ng sagutin tanong ko tumahan ka na diyan."
Umiyak lang siya ng umiyak ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya, hinayaan ko na muna siya. Ngayon lang ako nakakita ng engkantong may sapi!! Grrrr, bakit nga ba ako nandito in the first, second and third place???
Naramdaman ko na bigla siyang lumapit sa akin,.. Wala na atang sapi to.
Uhmmmm....ok na ako tapos na akong umiyak.. Ano nga tinatanong mo sa akin? tanong niya sakin habang nakatingin ako sa lagusan na pinasukan namin kanina.