Pangalawa

264 2 0
                                    

"Ehem…sir, pasensiya na po kung pumasok ako sa bahay na ito. Na-curious kasi ako dahil may narinig akong sumigaw dito kanina."

Lumingon siya sa akin, at ngumiti siya ng ubod ng tamis. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at humila ng isang upuan para sakin.

"Upo ka muna. Ok ka lang ba? Namumutla ka yata. Teka ikukuha kita ng tubig."

Pagkasabi niyang iyon tumayo siya at nagpunta siya sa kusina. Tiningnan ko ang paligid at kinurot ko yung sarili ko. “Anak ng ****, sakit!” bulong ko. Totoo nga nasa loob ako ng lumang bahay. Hindi ko inakalang may titira sa ganitong klase. Yung itsura ng bahay eh daig pa ang nakatira sa iskwater sa Maynila.

Nasa pagmumuni-muni ako ng bigla siyang sumulpot at nagulat na naman ako sa kanya. Tinawanan lang niya ako sa naging reaksyon ko.

"Sorry ah kung nagulat kita. Ano iniisip mo? Masyado naman yatang malalim yan, share mo naman." pagtatanong niya sakin na naka-ngiti sabay abot ng tubig.

Inabot ko yung tubig at nainom ko ito lahat dala na din siguro ng pagod at takot. Umupo ako katapat ng inuupuan ni Kuya Prinicipal (yan na muna tawag ko sa kanya).

"Iniisip ko lang po, Kuya kung bakit ka nakatira dito? Masyadong nakakatakot." derechahan kong tanong sa kanya.

"Ah yun ba?. Naku hindi mo maiintindihan, masyadong komplikado. Ikaw, bakit ka pumasok sa bahay na ito?"

"Nung dumaan kasi ako dito kanina papunta sa poultry, may narinig akong sumigaw dito. Kaya sinilip ko baka kasi may nasaktan o kung ano pa man. Hindi ba ikaw yung sumigaw?"

"Wala namang ibang tao dito kundi ako. Baka guni-guni mo lang ‘yun." nakangiti niyang turan sakin (ayan na naman yung ngiti niya).

"Eh eto lang yung bahay dito diba? sigurado ako may sumigaw talaga dito. Tsaka bakit di ka pa nagbibihis, di ba tapos na ang klase?" mausisa kong tanong.

Hindi pa man din nakasagot si Kuya sa mga tanong ko biglang may malakas na ihip ng hangin na dumaan sa bahay. Nabuksan bigla yung pinto na siyang ikinagulat naming dalawa dahil may isang taong pumasok. Pagtingin ko sa may pintuan isang pigura ng babae na mahaba ang buhok. Nanlilisik ang kanyang mata at galit na galit.

Si Kuya at Ako (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon