Pangatlo

211 2 2
                                    

Natakot ako sa aking nakita. Mukha siyang alanganing bruha at aswang. Bigla akong napatingin sa kanyang paa, naka apak naman ito sa lupa. Ibig sabihin tao siya. Nahimasmasan ako ng unti sa aking nadiskubre.

Alam kong galit siya, pero di ko alam kong bakit. Nag-uusap lang naman kami ng lalaking ito. Lumapit ako sa kanya para sabihan siya na mali ang kanyang akala.

"Ate, kung anuman ang galit na iyong naramdaman sa nakita mo ngayon wag akng magalala di ko po aagawin sa inyo si Kuya. Ako ay napadaan lamang upang mag usisa sa sigaw na narinig ko kanina" mahinahong sambit ko sa kanya.

Awtomatikong tumingin siya sa akin, bigla niyang hinawakan ang aking buhok at kanyang hinila.

"Wala akong pakialam kung may namamagitan sa inyo o wala. Masyado ka ng maraming nalalaman tungkol sa bahay na ito. Hindi ko papayagan na ikaw pa ang magpahamak sa aming dalawa." sigaw niya sa akin.

Naguguluhan ako dahil wala naman akong alam. Wala akong alam kung sino at ano sila. Eto na nga ba eh matitigok na ako sa pagiging mausisa ko.

"Te-teka lang po.. wa-wala po a-akong a-alam sa mga sinasabi niyo. Wala pong nabanggit sakin si Kuya kung ano kayo o kung saan kayo galing." nauutal at naiiyak na pagrarason ko sa kanya. ( ang sakit kaya ng paghila niya sa buhok ko!! )

Hindi ko mawari ang aking pakiramdam, gusto kong magalit kasi nakatayo lang si Kuya ni isang letra walang lumabas sa kanyang bibig. Napipi yata bigla ang lalaking ito. Nanginginig ang aking kalamnan sa takot dahil ang ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking buhok, pakiramdam ko matatanggal ang anit ko.

Pinilit kong kumawala sa kanyang pagkakahawak at nagtagumapy naman ako sa aking pakay. Tumakbo ako palabas sa bahay para iwasan yung bruhilda na babaeng yun ng biglang may sumigaw..

"Iha, teka lang..antayin mo ako!!" sigaw ng taong nasa likod ko. Bigla akong lumingon at nakit a ko si Kuya na hinahabol ako. Sa bilis niyang tumakbo, naabutan niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinatak ako sa isang kanto.

Si Kuya at Ako (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon