Napaatras ako at sa huling pagkakataon ay nadurog ang puso ko.
Si Justin Drake Buenavista, ang lalaking napakamahal ko, hindi na ako kilala?
"Uhmmm.." Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa tanong niya dahil sa pagkagulat ko.
Napakasama ng tingin niya saakin na parang lalapain ako ng buhay. "Paano mo nalaman pangalan ko? Ay. You must be one of my fangirls in highschool? Okay. I see." Hindi pa rin nawawala sakanya ang kayabangan na taglay niya. Nakangisi ito habang tinititigan ako.
Lalapitan ko na siya para yakapin pero bigla siyang napapikit at napahawak sa ulo niya. "A-Arayyy.." Mahina ngunit rinig ko.
Bigla akong napalapit dahil matutumba na siya. Bago pa man siya matumba ay nasalo ko siya. "A-Aray.. W-What a-are you doing?! Can't you see?! I'm suffering! Call the nurse!" Singhal nito saakin. Ipinasawalang bahala ko na lang ang trato niya saakin.
"NURSE! PLEASE!" Sumigaw ako ng napakalakas. Hindi pa rin mawala ang luha sa mata ko dahil sa takot at sakit. Patuloy pa rin itong umaagos sa kabila ng lahat.
May isang babae ang sa tingin ko ay nurse dahil may nametag ito habang dala-dala niya ang first aid kit.
"Ano pong problema maam?" Tanong nito habang chinicheck ang kondisyon ni Drake.
Halos mawala ako sa sarili dahil nakikita ko na naman na nasasaktan si Drake. "Hindi ko alam.. Bigla na lang siyang napasigaw sa sakit.. I don't know..." Kabadong sagot ko.
"Okay maam. Kalma lang po kayo. Sir? Ano pong nararamdaman nyo?" Tanong ng nurse kay Drake. Bigla na lang napabitaw si Drake sa ulo niya tsaka nawalan ng malay. Bigla naman akong napasigaw nun na umagaw sa atensyon ng ibang tao.
"Okay maam. Calm down, pinatawag ko na ang mga bouncers at dadalhin namin siya sa clinic para makapagpahinga." Sabi ng nurse habang nagdatingan naman ang mga bouncers dala-dala ang stretcher. Natigil ang lahat sa pagsayaw at nagbulungan habang tinitignan ang walang malay na Drake.
Napasabunot ako sa sarili ko sa kaba. Mukha na akong baliw dito at halos sumabog na ang utak ko dahil sa mga tanong na naglalaro sa utak ko. Bakit ganun? Hindi na niya ako maalala? Kinalimutan na ba niya ako? O sadyang ginawa niya yun para gantihan ako? Bakit hindi niya ako kinontak?
"Sofia Daniella Velasco!" Nabalik ako sa ulirat ng makita ko si Kim na nakangiti saakin. Muntik ko pang makalimutan ang lasinggerang to!
Tinawagan ko si Kuya Ronnie na sunduin kami na gamit ang normal na kotse at hindi ang limousine. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ako o pupuntahan ko si Drake sa clinic?
Nasa parking lot na kami ng school ng makita ko ang pulang mercedes benz at kumakaway si Kuya Ronnie.
Paglapit niyang dalawa saamin ay nagulat siya sa nangyari kay Kim. Inalalayan niya ito at nilagay sa backseat.
"Kuya Ronnie, pakihatid na lang siya sa mansion."
"Bakit maam, hindi po ba kayo sasama?" Tanong nito.
Napakamot ako ng ulo. "Hindi po eh. May aasikasuhin pa po ako. Tawagan ko na lang kayo. Saglit lang naman to." Sabi ko.
Napatango ito. "Sige maam. Tumawag na lang kayo pag magpapasundo."
BINABASA MO ANG
MCG 3 : The Battle to Eternity [KathNiel]
RomanceHow would you fight for your love if he already forgot you?