Chapter 18
No Feelings
Ella's POV
Bigla na lang ako nagising dahil may naririnig ako na nagsasalita. Napatingin ako sa kama ni Krystal, kinakausap pala siya ng doctor.
Nakatulog na pala ako kagabi.
Napaupo ako ng mapansin ako ni Krystal. "Oh doc, she's awake na pala."
"Ah yes, Good Morning Miss Velasco."
"Good morning po, so ano pong meron?" Tanong ko. Grabe ang sakit ng likod ko. Nalowbat pa phone ko dahil naiwan kong nakabukas kagabi.
"Miss Krystal is ready for discharge. Inaantay ka lang namin for confirmation." Sagot ng doctor.
"Talaga doc? Akala ko ilang araw pa?"
"Well, she's recovering faster than we thought. Kaya kinausap na namin na pwede siyang idischarge. Pero it depends on your decision kung gusto niyo pang mag-stay sa hospital."
"Mas mainam na lang siguro doc, if she will stay longer para makasigurado." Sagot ko sa doctor.
"Thank you. Mamaya may papasok na nurse para icheck si Miss Krystal."
"Sige doc, salamat po." Paalam ko.
Lumabas na yung doctor at nilapitan ko si Krystal. "Ano ka ba Ella, sana dinischarge mo na lang ako. Okay na ako oh!" Sabay pakita niya na okay siya. Sa katunayan, gusto ko lang siya pag istayin ng matagal para makasigurado na hindi na niya ulit gagawin yun.
"Kahit na Krystal, mas maganda na dito ka muna. Para makasigurado tayo na safe ka diba?"
"Natatakot ka ba na baka magawa ko ulit na magpakamatay?" Tanong nito na tila nabasa niya ang iniisip ko. Tumingin ako sakanya at tumango.
"Kaya ginagawa ko lang ito para umokay ka, sana maintindihan mo yun." Hindi na nagsalita si Krystal at humiga na ulit.
Nakakapagod pero kailangan mong intindihin. Kakagising mo pa lang pero nag aalaga ka na ng ibang tao. Lowbat pa phone ko kailangan ko icharge. Balak kong pumunta ng kumpanya mamaya, pero walang magbabantay kay Krystal.
Hindi naman papayag si Kim na bantayan kasi ayaw niya. Galit sakanya pamilya na. Di ko naman pwedeng iwan to mag-isa. So ano na?
"Daniella, idischarge mo na kasi ako... Sobrang guilty kasi ako na ilang araw ka nang nagbabantay sakin."
"Kryst—"
"Sige na. Tara na, emotionally stable na ako. Mas gusto ko na lang umuwi kesa nandito sa apat na sulok na kwarto na tanging ingay lang ng aircon naririnig ko. Sobrang quiet and very boring."
"Pero—"
"Sige na Daniella. I literally heard na kelangan kang pumunta sa company mo or whatsoever. Kita ko frustrations mo. Ayaw mo akong iwan mag isa dahil mag suicide attempt na naman ako. Kaya mabuting idischarge mo na lang ako."
"Are you sure?" I sighed.
"Yes. Trust me on this." Pagbibigay assurance ni Krystal.
Katulad nga ng sinabi niya, dinischarge ko na siya. Pabalik na kami sa condo. Sorry ng sorry sakin si Krystal na wala pa rin siyang matuluyan na iba. I am okay with it. Ayoko lang siya makitang ganon ulit ang gagawin. Suicide is not good. Having depression sucks, pakiramdam mo wala ka nang kwenta sa mundo na ito at gusto mo na lang matapos to.
BINABASA MO ANG
MCG 3 : The Battle to Eternity [KathNiel]
RomanceHow would you fight for your love if he already forgot you?