Chapter 17The Missing Necklace
Ella's POV
Ilang oras na akong nasa loob ng hospital room at hindi pa rin nagigising si Krystal. Pinauwi ko muna si Kim para makapagpahinga sya at ako muna magbabantay.
Gusto ko man tawagan ang magulang ni Krystal, iniisip ko ay in bad terms siya dito kaya baka lalong lumala yung problema nila ng parents niya.
"E-Ella?" Napabalikwas ako at napatingin ako sa tumawag. Gising na si Krystal! Lumapit ako sakanya.
"Krystal! Gising ka na!"
"Gising? Akala ko pa naman pag gising ko.. nasa langit ako. Bakit ako nandito?"
"Krystal! Wag ka ngang magsalita ng ganyan. We're trying to help you."
"Sorry. I just think my life is a waste. Ayoko na kasi."
"Pero paano ang nasa paligid mo? Ang mga kaibigan mo? Family mo? Mga nagmamahal sayo?"
"Pwede ba.. mamaya mo na ako lecturan. Pagod ako." Reklamo niya.
"I'm sorry.." Gusto ko takpan bibig ko sa kadaldalan ko. Nakalimutan ko ata yung nangyari at nadala ng emosyon. Dapat ay tinutulungan ko pa si Krystal na maging okay.
"Did you attempt to call my parents? Because I hope it's not.."
"Syempre hindi. Alam ko sitwasyon mo kaya naiintindihan kita."
Nakita ko na nag-iba ang ekspresyon ni Krystal at sumimangot. Parang naiiyak na siya na ewan. Kaya iniba ko yung usapan. "Gusto mo kumain? May binili kami para sayo, in case na magising ka na."
"Ah.. I'm fine. Siguro mamaya na lang.. Pasensya na Ella. Nagkalat pa ako sa bahay mo.. Up until now, I'm so messed up. Ngayon nasa hospital ako. Akala ko kasi paggising ko, wala na tapos na lahat." Hindi ko maiwasan na hindi maawa kay Krystal. Malayong-malayo siya sa Krystal noong highschool na binubully ko. Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Shhh.. Nandito kami para sayo, Krystal. Kahit na, haha alam mo na. Hindi maganda pagsasama natin noon. It's okay. I have already move on."
"Mygod.. Sobrang guilty af ako sayo. You even let me stay in your condo then your taking care of me ngayon. I feel like so bad during high school." Tumawa ako kasi umiiyak iyak siya pero randam kong nanghihina siya dahil maraming nakakabit sakanya.
"Kaya please, Krystal.. Don't attempt to do it again. If you ever need help, you can talk to us. O sya, tatawag muna ako doctor, sasabihin ko gising ka na."
"Okay." Tumayo ako at lumabas ng room. Mabuti na lang may nakita akong nurse na naglilibot kaya nasabihan ko agad.
Pagbalik ko ng room, nakatulala lang si Krystal habang kinakalikot yung cellphone niya. She looked so pale dahil marami rin dugo ang nawala sakanya. Nagpapasalamat ako at naagapan agad ito.
"Daniella.. my parents actually found out that i'm back here in the Philippines. Alam mo naman na I was diagnosed with depression diba? They called me and pinagmumura nila ako." Tapos ay bigla siyang umiyak. "Hindi ko na kaya noong oras na yon.. gusto ko na lang magpakamatay. Nakakapagod na. Lahat na lang ng taong pinapahalagahan ako tinataboy ako."
"May tao pa rin nagpapahalaga sayo, Krystal at kami yon. Alam kong wala ako sa posisyon mo para magsalita ng kung ano. Pero lagi mong tatandaan na nandito ako para sayo. Paulit-ulit lang ako but always keep that in mind."
"You're making me cry again." Tas parang bata siya na umiiyak. Pinupunasan niya ang luha niya at kita mo sa mga mata niya na pagod na siya. "Puro negative kasi naririnig ko tas ngayon lang ako nakarinig ng ganyan, sino hindi maiiyak?"
BINABASA MO ANG
MCG 3 : The Battle to Eternity [KathNiel]
RomanceHow would you fight for your love if he already forgot you?