C H A P T E R O N E

31 2 5
                                    

CHAPTER ONE: HARTHART SESE

"Panay tingin mo sa paligid pare, may problema ba?"

Binaling ko ang aking tingin kay Sehun na nakatitig sa akin ngayon ng may halong pagtataka sa pagmumukha niya.

"Wala naman pare, okay lang ako," pagsisigurado ko kay Sehun at pinat ang likod niya.

Kinuha naman niya ang sagot ko at hindi na ulit nagtanong pa.

Sa totoo lang talaga hindi ako okay, kanina pa kasi ako hindi mapakali. May kakaiba akong nararamdaman.

Napalingon ako ulit sa likod.

Siguradong sigurado ako sa hinala ko.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Nilibot ko ulit ang aking paningin sa paligid sa ika-apat na pagkakataon.

And this time hindi ako nabigo, I saw someone standing behind the post meters away from us. isang babae ngunit may bandana ang mukha.

Napangiti na lang ako sa sarili ko. Kanina pa ba siya sumusunod sa amin? Bakit naman niya kami susundan? May gusto yata ang isang 'yun sa amin? Sino ba siya?

Sunod sunod na bumubuo na katanungan sa loob ng utak ko.

"Bro, okay ka lang ba talaga? nakakatakot ka na ha, lalong lalo't na 'yung mga ngiti mo,"

Napatingin ako sa direksiyon ni Chen, tinignan ko siya ng masama. Nakangiti na ito ngayon sa akin at naka peace sign pa, mabatukan kitang camel ka eh. Tsk.

Liningon ko ulit ang babae na nagtatago sa likod ng poste.

Nandun pa rin siya.

Kami ba talaga ang sinusundan ng babaeng 'yun?

Nakaisip naman ako ng paraan para masagot ang mga katanungan ko sa isip ko.

Alam ko na ang gagawin ko.

Niyaya ko ang barkada ko na magpunta sa Enchanted Kingdom, pumayag naman sila dahil gusto din nilang magsaya at malapit lang naman iyon dito.

"Lalakarin natin papunta dun?," tanong sa amin ni Sehun.

Sasagutin ko na sana si Sehun ng pumutak naman ang bibig ni Chen sa tabi ko.

"Bobo kang bata ka, tatanungin mo kung lalakarin natin?!? Alam kong sinabi niya na malapit lang 'yung Enchanted Kingdom dito..." tinuro turo pa ako ni Chen.

Okay naman palang si Chen nalang ang magpaliwanag, atleast hindi ako nagsayang ng energy sa pagpapaliwanag.

"Kaya, hindi ba obvious??... Siyempre lalakarin natin! Malapit nga lang 'di ba?!?"

Nasamid naman ako sa iniinom kong softdrinks sa dugtong na paliwanag ni Chen, akala ko ayos na 'yung paliwanag niya, 'yun pala malala pa siya kay Sehun.

"Tangina kang camel ka! sinabi ko ngang malapit lang 'yun dito pero kailangan pa rin nating sumakay. Kaya sasakay tayo papunta 'dun!," singhal ko kay Chen.

"At ano pa ang silbi ng dala kong kotse kung lalakarin natin 'di ba?," singit naman ni Suho.

"Tss... tara na nga! kayo talaga! Di na mabiro!," ani Chen at nauna na papunta sa kotse ni Suho. Palusot pa ang camel, mali naman talaga siya.

Nakarating na rin kami ng Enchanted Kingdom ng maayos. Sumakay kami ng ilang rides at naglaro rin sa iba't-ibang pwedeng paglaruan dito.

Palagi ko ring tinitignan ang paligid para mai-check kung sumusunod pa siya sa amin. Hindi nga ako nagkamali , nakabuntot pa rin siya sa amin.

I'm Your StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon