C H A P T E R T W O

22 1 1
                                    

CHAPTER TWO: INFORMATION GATHERING

"Baby~~~ Kain na~~~ Kain na~~~"

Nilayo ko ang ulo ko sa kutsarang isusubo niya sana sa akin.

Ano ako bata? Tss.

Makapagbaby naman nito sa akin. Ano ko siya nanay?

"Kain ka na, dali~~"

"SAY AH~~"

"Open mouth na baby,"

"Baby~~ yumyum~~"

"Kakain na 'yan~~ Uy!!"

"Ayaw ko ngang kumain," walang emosyon kong sabi sakanya.

Sana na man tigilan niya na ako.

"Sige na... please~~~" pagpipilit sa akin ni Sandara sa pagkain.

"Ayaw ko pa rin," sabi ko sakanya at umiling pa.

Napabuntong hininga naman siya sa ginawa ko. Sa tingin ko, susuko na siya! Sumuko ka na!!!

Napatingin naman ulit ito sa akin ng masama.

Hala! Ano na naman ang nagawa ko?!? Lintek!

"Tsk. Tsk. Tsk." Napapailing-iling naman ito at nakapamewang pa. Naglalakad siya sa harapan ko. Pabalik balik lang naman.

Hindi ko alam... pero shittt! Kinikabahan ako! Sigurado akong may binabalak na naman na masama  'tong babaeng 'toh!

Napalunok naman ako at pakiramdam ko ay pinapawisan na ako.

O diyos ko, pinapasainyo ko na po ang kaluluwa ko. Kayo na po ang bahala sa akin.

"Wala na akong choice, kailangan ko nang gamitin ang huling alas ko."

Dahil sa sinabi niyang 'yun, mas kinabahan pa ako. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dito.

Ano kaya ang huling alas na sinasabi niya?

Namalayan kong napalaki naman ang mata ko sa kinuha niya.

"Waaahhh!!!! F**k! Kakain na ako!!!" Sumigaw na ako.

Suko na talaga ako. Sukong suko na!

Wala kasi akong laban sakanya, paano naman kasi eh may dala na naman siyang frying pan!

Sa tingin ko magkakatrauma na ako sa ginagawa niya.

Napangiti naman siya ng makita niyang tumalab sa akin ang huling alas niya.

Walanghiya kang demonyita ka!

"Say ahh~~~"

Tinanggap ko naman ang unang subo niya sa akin. Natuwa naman siya dahil dun. Tss.

Ang sarap! Siya ang nagluto nito?

"Looks like nagugustuhan mo ang pagkain. Kaya feel ko worth it ang effort ko," ngumiti naman ulit siya sa akin at sinubuan pa ako.

Nageffort daw siya. So, siya talaga ang nagluto nito.

Ang sarap talaga ng luto niya! Daig niya pang magluto si D.O.

"Ang sarap noh?" Nakangiti pa rin na tanong niya sa akin.

Tangina.

"Masarap nga ang luto, KIDNAPPER naman," in-emphasize ko talaga ang kidnapper.

Nawala naman ang ngiti sa mukha niya.

Tangkang hahambalusin niya sana ako ng frying pan niya kaya pumikit naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Your StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon