Proceed to the lower part. :D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1
"Sagutin mo na kasi ako Veronica Owell Yalun."
Here we go again.
"Kadarating ko lang Stephen, kaya mawalang galang na, lumayas ka sa harapana ko!"
"Mamaya na nga lang sabi ko, bye love of my life. I love you!"
Argh! Storya ko ba talaga 'to? Tsk. Papakilala ko pa ba yung ungas na yon? Oh well, Stephen Buenaventura at mamamatay na siya bukas, BOW!
Ay, ako na muna. Hello mga peeps! Owell Yalun-- (A/N:VERONICA Owell Yalun po siya)
Badtrip naman! Ang pangit ng Veronica! Tanggalin mo nga! (A/N: Watibir. Continue!)
Psssh. Ayun na, sinabi na nya. Wag paulit-ulit. And yep, kadarating ko lang, graduating student sa Limestone Academy. Kilala ako sa school na "Ven/Owell", basta hindi yung pang-babaeng pangalan! Nakakasuka yun eh. Isa sa siga dito sa school, at kung anong mga nasa isip niyo ngayon? TAMA. Tomboy ako. Angal?
Habaging dagat! Nasira na naman ang araw ko nang dahil sa bakulaw na yun. Tsk. Ipinag-walang- bahala ko nalang at ipinagpatuloy na ang paglalakad papuntang impyerno.
"Yow, brad! Aga mo ata ngayon?" sabi sa'kin ng hindi ko kilalang tao. Sino nga ba 'to? Bigla-bigla nalang sumusulpot?
"Usual time." suplado ko ba? Wala kana dun. FC eh. Iba na talaga sikat. Tsk. Tsk. Tsk. (A/N:Butiki lang?) HAHAHA. Tawa tayo guys. =____="
Pagkadating ko sa 3rd floor, which is nandun room namin, ako palang mag-isa. Pinatong ko muna yung cool na cool kong bag sa upuan ko at naglakad-lakad sa room naaaaaang NAKAPIKIT. Bakit ba?! Trip ako ngayon eh.
Habang naglalakad ng dahan-dahan eh sumisipol-sipol pa ako, ewan ko ba dito sa Author na'to! Ginawa akong tanga! Tsk. Ehem! Oh, ayun na nga. Patuloy lang ako sa ginagawa ko pero nang nasa may dulo na akong part ng room, napatigil ako dahil, "Weird girl."
T-teka? Ang alam ko, ako lang mag-isa dito ha?! Dahan-dahan kong minulat yung mata koat laking pagkagulat ko nang may lalaking naka-sukob sa arm ng chair niya. Saan nanggaling to?!
"AAAAAHHHH--" naudlot naman ang lalaking-lalaki kong pagsigaw kahit parang tili na ng babaeng nakita ang Exo, Super Junior at One Direction sa personal nang may biglang nagpakain ng papel sa'kin. WHAT THE?! Nag-almusal naman ako ah! Sa kabilang banda naman eh naririnig ko na na dumarami na ang mga pumapasok pero wla akong pake. HINDI MASARAP ANG LASA NG PAPEL!
Tinanggal ko kaagad ang papel sa bunganga ko at binato ko sa napaka walang-modong lalaking 'to. At saktong-sakto, tumama sa mukha niya. Pwea, di pa ako tapos!
Lumapit ako sakanya at kinwelyuhan ko siya, kaya napatayo siya ng tuwid at napatingin siya ng nakamamatay sa'kin. Peste! Ang gwapo! Kainggit! pero, masisira ko din yang mukhang yan. Tiwala lang. "Hoy! G*go ka! Ang bastos mo ha?" sabi ko or should I say, sigaw ko sa mukha niya. Narinig ko naman ang bulung-bulungan ng mga classmates ko. Nice. Bulong lang yan ha?
"Owell, tama na."awat sa'kin ng mga ka-tropa ko, pero hindi ko sila pinansin, instead, tinignan ko pa nang mas matalim sa mata etong 'paper murderer' na 'to.
"Oh ano? Asan na ang dila mong walang-modo ka? Tss. Wala ka palang binatbat." Ano ba yan?! Boring namang kalaban neto! Pipi ba to? Atsaka ang tanong, sino ba 'to? Transferee?
"Owell, tara na. Parating na si Ma'am." rinig kong sabi ni Neil, tropa ko. Tinignan ko ulit 'tong paper murderer na to ng isa pang beses at binitawan ko na. Mamaya madami pang germs to eh. Wala, weak eh. Pero nung tinignan ko siya sa mata? One word. Katakot! -,- Sus. Hanggang tingin lang naman 'to eh!
"Sige, tara." sang-ayon ko at pumunta na'ko dun sa pwesto ko. ALL EYES ON ME.
"Tinitingin-tingin niyo?!" sigaw ko sakanilang lahat, at kanya-kanya na silang pag-iwas nang tingin sa'kin. Mga tsismackers. "Atupagin niyo sarili nyo ha?!--" "Ms. Yalun! To the POD, now!" Peste. Ang gandang pambungad ng umaga.
"Ah, Ma'am. Correction." sabi ko sabay taas ng kamay ko. Napatingin siya sa'kin nang nagtataka, pati mga classmates ko eh, hinihintay ang sasabihin ko.
"Yes? What's the matter?" sabi nya sa'kin nang mataray. Tss. Burahin ko kilay ne'to eh.
"Everything that occupies space and have mass is matter. Uhm,btw it's Mr. Yalun. Now, if you'll excuse me. Bye." pagkasabi ko nun ay maraming nagtawanan at nakipag-apir sa'kin in a cool way. Pero bago yun, kinindatan ko muna yung mga girls and si Mrs. Sanchez, syempre pang-inis lang. Mwahaha. Pero hindi ko naman sinasadyang mapatingin-- (A/N: Hindi daaaaaaw.) Manahimik ka Author! Asikasuhin mo nalang si Niall jan! (A/N: Sus. Deny pa eh. :3) Ou na! Sadya na. manahimik kana jan. Panira ka eh.
Ehem, ehem. Ayun nga. Tinignan ko sya at halos matawa ako sa expression nang mukha nya. Confusion. Shocked. And everything! Hahaha! Pero, galit ako sakanaya diba? Right. Bakit ba ako tumatawa? Tsk.
"Ma'am don't worry, hindi ako magtatagal sa POD, baka ma-miss niyo 'ko eh." sabi ko sa harapan ni Ma'am. Bigla naman siyang namula. Hindi blush ha? At alam kong--
"MS.YALUUUUUN!" galit na yan! Yari! Kumaripas ako ng takbo, as in! Run for your life! At baka, kung anu pang mangyari!
"Wheew." sabi ko sabay punas ng pawis sa mukha ko. Nagtuloy-tuloy na ako papuntang POD pero natandaan kong kailangan pa palang dalhin yung bag. -____- Ano bang alam ng school na'to?!
At ang reulta? Patakbo akong bumalik papunta ulit ng room, pipihitin ko na sana ang door knob pero may nakakuha ng atensyon ko. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip sa konting siwang ng pinto at nakinig. . . Ou na. Chismackers nadin ako.
"I'm Gabriel Ian Riley Limestone--" hindi ko alam pero bigla nalang akong natawa sa pangalan niya. At malakas. As in, malakas na tawa.
"HAHAHA!G-GIRL! BWAHAAHA!" at tuluyan ko nang nabuksan ang pinto ng hindi sinasadya. Eh bakit ba? Laughtrip eh! Akalain mo? Idol ko pa naman yung mukha niya, pero 'OWELL' (A/N: Oh, well.) Name lang naman eh. Pe-pero. HAHAHA!
"Ms. Yalun! I said go to the POD! And by the way, why are you laughing? Pwede bang i-share mo ang tinatawanan mo sa'min ng anak ng may-ari ng school na siyang pinapasukan mo ngayon?!" O.o
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Guys, sorry kung pangit and kung nadisappoint ko kayo. So sorry. :< Anyways, baka bukas na po yung next chapter. Basta, give me some time. Mag-iimprove din 'to! :)
BINABASA MO ANG
She's The Man
HumorHindi ba kayo na-lurkey sa title? oh well, hindi ako na-typo or anything. Dahil ganyan na talaga yan. Lito pa din kayo? Basahin niyo muna kaya? Atsaka na kayo magreklamo. Haha! ...