chapter 14

24 2 0
                                    

"Dave"sunod sunod ang pagpatak ng luha ko lalo na't yinakap niya ko dahil nga tinatakpan niya ko ng suit.

"Ano nanaman bang katangahan to lhia?"bulong niya sakin

"mamaya mo nako sermonan pls *sniff*"nagnod lang siya lalakad na sana kami palayo pero pinigilan ko siya

"wait lang *sniff* dave"pigil ko sa kanya nagtataka niya naman akong tiningnan

"ano nanaman lhia?halika na"sabay higit niya sakin

"wait lang kasi,may gagawin lang ako"mukhang namang nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya naman binitiwan niya ko,inayos ko yung suit na suot ko at bumaba ng stage wala pa ring tigil sa pagtawa sila rhian.

"Masaya ka na ba rhian?"galit na tanong ko sabay pahid ng luha

"no dear scratch the word masaya kasi Masayang masaya ko hahaha"tapos nagapiran pa silang apat

"kala ko pa naman nagbago kana,mukhang tama nga si anne ang mga demonyitang tulad niyo ay wala ng pagasa pang mabago,mga PATAPON"diniin ko sa kanya ang huling salita pinamewangan niya naman ako

"tapos kana?pwede lumayas ka na!and ohh one more thing,wag ka na magsusuot ulit ng ganyan kaumay eh hahaha"umay pala huh,lumapit ako sa isang mini table kung san may nakalagay na sponge yung wine na nakalagay sa malaki,babasagin at mamahaling bowl binuhat ko yun sakto at nakatalikod silang apat mukhang paalis na..

"Rhiann!!"sigaw ko saktong pagharap nilang apat ay ibinuhos ko sa mukha nila yung laman ng bowl my lemons pa pasalamat sila at hindi ko sinama sa paghagis ang bowl,nilapag ko na yung lalagyan at lumapit ako kay rhian.

*PAAAAKKKK*

"Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo sakin,kung ikaw sanay kang ipinangangalandakan ang katawan mo sa lahat ng tao pwes ibahin mo ko,panget ako oo pero may respeto ako sa sarili ko di katulad mo!alam mo ang ibig kong sabihin rhian!"sigaw ko sa kanya,lahat ng attensyon ng tao sa hall ay nasa amin para kaming gumagawa ng eksena sa gitna mukha namang biglang natauhan si rhian at susugudin ako.

"walangya kaaaa!!"sigaw niya habang papalapit sakin

"sige subukan mong ituloy yang balak mo at sisiguraduhin kong mababasag tong bowl sa mukha mo!"akmang dadamputin ko na yung bowl pero may humawak sa kamay ko si dave tss lagi nalang siyang ganyan pati kay linney pinigilan niya rin ako

"lhia nakaganti ka na tama na"sabi pa ni dave

"hindi dave hayaan mo kong mabasag ang mukha niya kapalit man lang ng pamamahiyang dinanas ko"angal ko pa umiling si dave

"hayaan mo ng si casimir ang gumawa non"nakita ko nga si casimir na kinakausap si rhian"umuwe na tayo,walang magandang maidudulot ang pagganti lhia"paalala niya pa natawa naman ako

"wow at nangaling pa talaga sayo ang salitang yan dave?a gang leader?"medyo naiinis na sagot ko

"lhia ano ba?iba ka at iba ko"sagot niya

"lalaki ka at babae ako,yun lang ang ipinagkaiba natin dave!"di ko na mapigilan pang sigaw,nagulat nalang ako ng bigla niya akong hatakin palabas ng venue at ng hotel,huminto kami sa lugar na walang tao.

"bitiwan mo ako!ano ba dave!!bitaw!"binitawan niya na ako nakakainis ang sakit ng braso ko

"lhia makinig ka nga!hindi kana bata,may utak ka gamitin mo!sa tingin mo anong mangyayare kung itinuloy mo pa ang pagwawala mo kanina?sige nga!"di mapigilang sigaw ni dave

HEAVEN or HELL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon