When Two Ships Collide

712 22 10
                                    


\\Tots\\

Game day!

We ended the 1st round with that 5 setter upset against the mighty NUWVT. We're currently in the 3rd rank, tying with NU FEU and UST which makes every game we play in the second round more crucial.

But as good coach as he is, after that game against NU coach told us that we should relax. Hinga lang. Marami pang sets and game kaming pagdadaanan and mas importante ang mga yon so kailangan namin paghandaan and ilaban.

Speaking of laban, I think na mas inspired and motivated kami ngayon dahil sa maagang pag-bow ng aming forever cutie na señior na libero na si ate Pia.

Those injuries ugh bat kailangan pa mag-exist?

So anyway I really hope na it could help para ma-pump up ang team.

Okay take two:

Game day!!!!

Yeah that's right mga par, laro nanaman! And maagang Battle of Katipunan ang naghihintay na maganap sa Araneta mamaya. Wish us luck! 😊 Nawa'y walang mainjured on both teams.

And also sana--

*cccckkkkk ccccckkkkkk*

Napatigil naman ako sa pakikipagusap sa utak ko at hinanap kung ano yon.

Tunog barko mga mehn, ano ba yon???

Paglingon ko I saw Isa sa tabi ko na tulog.

Ahhh kaya. Hahahahaha. Kanina lang kinukulit ako neto eh.

We're at the bus at the moment papunta nang arena and yon nga natutulog tong maganda kong par na dapat eh nagcocondition para sa game mamaya or kaya nag-aaral para sa exams niya bukas,but here she is being the usual matigas ang ulo na Isa. Hayyyy.

Sarap ng tulog eh, pagod siguro to with all the trainings and acads happening.

Kinumutan ko siya with my jacket and saka siya tinitigan at hinawi ang ilang mga strands ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

Nangungulit siya kanina and she was asking me na magkwento sakanya but i said no kasi nga para makapag-review siya, aba't ayaw magpatinag at kinuha naman ang earphones ko manonood nalang daw siya k-drama sa phone niya.

Jusko kaloka eh. Syempre diko pinaheram kaya ayan siya ngayon natutulog habang hawak yung reviewer niya hahahahaha.

~~~~~

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Araneta and gigisingin ko na sana si Isa ng biglang--

"AAAHHHHHHHHHH!!!" isang mahaba at masakit sa tenga na sigaw ni Marian.

"Shit!" nagising at napatayo naman sa gulat tong katabi ko.

"Tsk ano ba yon Marian?" sita ni ate Nicole.

"Ah wala naman. Nagpapa-pansin lang hehehe." sagot niya.

"Tss. Siraulo ka!" sigaw ko naman.

Nag-unat at natauhan na si Isa.

"Kanina pa ba tayo par?" tanong niya sakin.

"Oo eh. Tapos na nga yung game." sabi ko ng seryoso.

Napatigil siya sa paguunat at nanlaki ang mga mata.

"HAHAHAHAHAHA! Joke lang eh! You should have seen your face! Hahahahahahaha!"

"Luh Tots ang ingay. Papansin lang?" epal nanaman ni Marian.

"Weh gaya mo pa ako sayo." sagot ko naman.

Inayos ko na gamit ko para makababa na. Nakita ko naman na madaming dala si Isa.

Dianabel One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon