Not An Update

446 16 20
                                    

(A's N: Please read this update cos it is indeed an update 😂 Yan lang po talaga yung title ng ud na to 😂 And also paki-play po yung song pero maya-maya na po. Thank you! xx )

\\Tots\\

Kainis. Ako nanaman na-sabon ni coach!

Buti nalang di plus 10 rounds ang papagawa sakin, ligpitin and linisin ko nalang daw ang gym after namin mag-training.

Late lang ng 5 minutes eh! 😭

"Okay sige dismissed na. Diretso dorm ha? Walang tutulong kay caloy!" Sigaw pa ni coach.

Ay. Balak ko pa naman magpatulong kay ate Ayel, tsk.

Nang maka-bihis na ang lahat, umalis na rin sila kasi maghahabol ng mga school works.

"Bilisan mo naman, may kekwento pa ako sayo eh."

Akala ko minumulto na ako pero paglingon ko si Isa pala.

"Oh par andyan ka pa pala. Baka makita ka ni coach lagot ka." Sabi ko habang nagaayos pa rin.

"Bakit naman? Inaantay lang naman kita eh." Sagot niya.

Ay ako lang ba, pero bat parang may laman or double meaning yung pagkakasabi niya niyan?

"Eh wala ka bang dapat habulin?" Tanong ko pa.

"Meron. Ika--I mean wala pala hehe."

Ako lang ba uli pero bakit ang wierd niya ngayon?

Binilisan ko na nga lang at naglalakad na kami pabalik ng dorm ngayon.

"Oh, Ano na kwento?" Sabi ko ng medyo naeexcite.

"Wait. Sintas mo oh." Sabi niya.

Sabay kaming yumuko at akmang aayusin yung sintas ng sapatos ko, dahilan para magkatitigan kami.

Shems naman oh! Heaven talaga pag may ganitong moment kami ni Isa! Kasi alam niyo yon wala na kami dapat sabihin kasi our eyes says it all.

Harot pakinggan hahahaha nakakakilig kasi.

"Ako na. Wag ka na maarte hahahaha." Sabi niya at tumawa ng light.

Yiee sweet and maalagain na Isa's the best talaga!!!

------

Di na niya tinuloy yung kwento niya kasi wala naman daw kwenta pero inamin niya din naman na gusto niya lang daw talaga ako makasabay umuwi kaya ako inantay.

Galawan diba? Pogi ko lang talaga 😏

Ilang minutes pa pag-dating namin ng room namin nag-aya na din siyang matulog.

Nakatulog naman agad sila ni Jus pero ako hindi kaya bumangon ako at pumunta sa study table ko.

Tinignan ko muna uli yung dalawa bago ko kunin yung pinakatatago kong diary.

Shh! Alam ko iniisp niyo! Corny ba? Pero araw araw na akong nagsusulat dito and it contains ng mga ganaps namin ni Isa o kaya ng mga gusto kong sabihin sakanya.

Medyo corny nga pero bat ba? Hahaha. Para naman may babalikan ako diba? Saka kapag dumating yung tamang panahon, kung meron nga non, papabasa ko nalang kay Isa. Tutal mas magaling naman ako sa written kesa verbal hahahaha!

Isa,

Eto yung araw na sobrang sweet and clingy mo nung morning training palang. Tapos naging deep at malaman yung mga sinasabi mo nung hapon na. Parang may gusto kang sabihin pero dinadaan mo nalang sa hugot or joke. Hmmm.

Dianabel One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon