A series of Flashbacks and A bit of Reality

550 18 4
                                    



\\Tots\\

//flashback//

"Mehn ano ng balita?" tanong ni Marian.

"Balita saan?" tanong ko pabalik while I am clearly sure what or whom she's taking about.

"Edi sakanya, sainyo. Ano na balita?" pagpatuloy niya habang nagttie ng shoes niya.

We're here ni Marian sa CHK Gym and as usual kami palang, kami palagi nauuna dito so no choice din kami kundi magayos ng court na gagamitin namin mamaya para sa evening training.

Pero napangiti ako sa tanong niya.

"Tumigil ka nga. Walang kami." matipid ko nalang na sagot.

"Asus. Eh ansabe naman nung pag-ngiti mo dyan?" pangungulit pa niya.

//end of flashback//

Those days. Sobrang chismosa kasi non ni Marian talaga eh, hanggang ngayon naman hahaha.

Pero I am being honest to her that time. Nothing was going on between me and her.

That same day...

//flashback//

"Hoy Caloy! Tama na yan! Lika na dito sumbong kita kay coach eh." pananaway sakin ni Capt. Kathy.

Nako patay mamaya ko na nga siya rereplyan, gagalit na si Capt. eh.

"Yan kasi puro text inaatupag." sabi ni ate Pia.

"Asus. Si Chloe nanaman yon ano?" tanong ni Rem na may pagtaas-baba pa ng kilay.

And doon na nga nagsimula ang pangaasar ng mga epal na to. Haysss.

--------

Break time muna sa training. Onting pahinga muna and pagbalik mag-game na kami.

"Par san si Isa?" tanong ko kay Jus.

"Di ko alam." maikli at masungit na sabi ni Jus. Hala anyare?

"Par, si Isa?" tanong ko kay Mae.

"Umm nag-CR ata eh." sagot niya.

Hmm sige na nga mamaya sa dorm ko nalang kwentuhan. Kinuha ko na yung phone ko at saglit na nireplyan si Chloe, kinamusta at tinanong kung may gagawin ba siya bukas.

Maya-maya pa balik na kami sa training. Diko alam pero bakit parang ang sungit sakin ni Jus? May nagawa or nasabi ba akong masama?

Tapos si Isa naman parang tamlay na tamlay at walang gana maglaro kaya naman pina-upo muna siya ni coach.

Ano nangyayare sa mga par ko? kausapin ko nalang sila mamaya after ng training.

------

At natapos na nga ang isa nanamang madugong training namin, pinag-ligpit ni coach si Isa bilang parusa sa panget na laro na pinakita niya kanina sa training.

Hihintayin ko siya.

Hinintay ko muna silang magsi-alisan bago lumapit kay Isa.

"Par, tara tulungan na kita." sabi ko at tila nagulat siya na nandito pa ako sa gym.

"Ah eh sige." matipid niyang sagot.

Tahimik lang kami habang nagliligpit at surprisingly tahimik lang din at walang nagsasalita habang naglalakad na kami papuntang dorm.

Dianabel One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon