"NUMBER 10, two points!"
Nginangatngat ni Amber ang straw ng inumin niyang binigay pa ni Cade habang pinanonood ang laban ng Heartbreaker. Ang sinabi ng announcer na number ay number ni Grey. Tatlong minuto pa lang ang nakakalipas pero tambak na ng sampung puntos ang mga ito. Hindi niya alam kung laban pang maiituring iyon dahil wala namang kalaban-laban ang kabilang team. Halimaw talaga ang team ng Heartfield.
Ngunit hindi dahil doon kaya siya naiinis. Ang impakto kasing Grey na iyon! Suot pa rin nito ang mga salamin niya, and damn hell he really looked handsome on those. Kahit na nakasalamin ito ay hindi iyon naging sagabal sa paggalaw nito. The grace, strength and discipline were still in him like it was already a part of him since he was born. At mukhang hindi lang siya ang nakakapansin sa karisma nito sa court wearing that stupid spectacles of hers.
"Waaahhh! I love you, Grey!"
"Ang galing mo talaga at super-duper gwapo mo!"
"Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan sa Pilipinas, Grey-munch!"
The fudge?! Grey-munch? Ang ko-corny talaga ng mga babaeng ito.
"Go, go, go, Breakers!"
Kinawayan ni Grey ang mga babaeng iyon na lalong nagtilian.
"Ma-request nga si Ivo na alisin sa start-up ang ungas na iyan. Mabait naman siya sa akin ngayon kaya sasamantalahin ko na."
Grey turned to her. He adjusted his glasses and winked at her with that gorgeous smile of his. After that, he run towards his teammates.
Damn him!
How could he make her heart beat this fast with that stunt? Dati naman ay hindi siya ganoon. Bakit mula nang magkadikit ang katawan nila ay naging ganito na siya?
She cursed under her breath once more. Hindi niya dapat iniisip iyon. Dapat ay focused siya sa agenda niya na paghihiganti rito.
Tama. Hindi siya titigil hangga't hindi ito nagagantihan.
"Excuse me?"
Napatingala siya sa mga babaeng lumipat sa tabi niya at pinagitnaan siya. Hindi niya alam kung paano napaalis ng mga ito ang mga katabi niya. Pati sa likuran niya ay may nakapwesto nang mga babae na kanina lang ay nasa cheering squad ng Heartbreakers.
"Yes?"
"Who are you and why did Grey looked at you?" taas ang isang kilay na tanong ng nasa kanan niya.
"He also winked at you. Ikaw ba ang bagong fling niya?" sabi naman ng nasa kaliwa niya.
Muntik na siyang masuka. Naiinis din siya dahil inaaway na naman siya ng mga babae dahil sa ungas na iyon. Hindi siya nagpaapekto sa mga ito.
"Sino'ng Grey tinutukoy ninyo? Wala akong kakilala na ganoon ang pangalan."
"Liar! Nakita namin kung paano ka niya ngitian!"
"Oh, girls. For sure naman ay laruan lang din ang turing ni Grey sa kanya. Hinding-hindi siya seseryosohin ni Grey."
"Tama. She's just another pastime and playmate."
"Tsk. Nakakaawa ka naman."
Patamad na tiningnan niya ang mga ito. "Kung gusto ninyo ang lalaking iyon, inyong-inyo na. Mas nakakaawa kayo. Naghahabol kayo sa isang lalaki na walang ginawa kundi saktan lang naman kayo. Tell me, ilan ba sa inyo ang naging girlfriend na niya at napagsawaaan? Iniwan matapos makuha ang gusto niya?"
Naningkit ang mga mata ng mga ito. Halatang nainsulto ng husto ang mga ito sa sinabi niya. Wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay mamulat ang mga mata ng mga ito kung ano'ng klaseng tao ang sinasamba ng mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/100340730-288-k659652.jpg)
BINABASA MO ANG
THE HEARTBREAKER TEAM Book 2: MR. HACKER BREAKER
Fiksi RemajaTHE HEARTBREAKER TEAM Series Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Hear...