Madaling araw nang lunes, maaga akong bumangon at gumising upang pumunta sa bahay ng isang kakilala. Naligo kahit na sobrang lamig, nagbihis ng uniporme, kinuha ang bag at dahan dahan lumabas ng bahay para hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos na maaaring makagising sa mahimbing na pagtulog ng aking itay at kapatid.
Nag padyak ako gamit ang aking bisikleta, binaybay ang madilim na lansangan ng arlegui. Ramdam ko ang pag tagos ng malamig na hangin sa manipis kong polo na nagpapanginig sa kalamnan ko. "Tsong Maning?" Sambit ko habang marahan na kinakatok ang pintuan ng isang lumang bahay na matatagpuan sa dulo ng isang eskinita. "Ohh eto, dalhin mo dun kay ronnie. Tapos bumalik ka dito para mabigay ko sayo yung baon mo" bulong sa akin ni tsong habang iniaabot ang isang maliit na pouch. "Osige po tsong, alis na po ako" pag papaalam ko sa matanda. Dali akong sumakay sa aking bisikleta at maingat na pumadyak papunta sa aking paghahatiran ng pouch.
"Ohh, anong oras na toto ahh" bungad sa akin ni kuya ronnie. "Pasensya na kuya" nakayuko kong sagot sa kanya. "Sa susunod agahan mo ahh, para di tayo abutin ng liwanag" sambit nito at iniabot sa akin ang pera na nakabalot sa plastic yelo. "Opo kuya pasensya na ulit" yun na lang ang nasabi ko at umalis na ulit. Dumiretso na ko sa una kong pinuntahan at iniabot ang pera sa matanda. 120 ang ibinigay sa akin ni tsong maning. Sapat na para sa pangangailangan namin nila itay ngayong araw na to. Pagkakuha ko ng pera ay dali dali akong umuwi sa bahay, dahan dahan na pumasok at inilapag ang halagang 100 sa may ulunan ni itay at marahan ulit na lumabas. Kahit na malamig pa ang simoy ng hangin ay ramdam ko na ang pagtulo ng pawis ko habang nagbibisikleta.
"Magandang umaga toto" bati sa akin ng sekyu ng paaralan na pinapasukan ko. Binati ko na lang din siya at tumuloy na ko sa loob. Panay ang punas at pahid ko ng pawis ko habang naglalakad sa pasilyo ng may biglang tumapik sa balikat ko.
"Ron!!"
Tulad ng dati, wala naman akong ibang kaklase na trip manapik ng malakas sa balikat at tawagin ako sa palayaw ko. "Ohh annie bakit?", tanong ko sa kanya. " May assignment na ko sa math, kopyahin mo na to dali!!" wika nito habang ginugulo yung kwelyo ng polo ko. Siya si Annie, ang kababata ko. Mula nang lumipat kami sa Quiapo nung limang taon ako ay siya na ang lagi konh kausap. At tadhana nga naman, mula grade one hanggang ngayon na 4th year na kami ay lagi ko siyang kaklase. Medyo umay na ko sa mukha niya, pero no choice dahil siya ang tagapag ligtas ko. Bobo kasi ako ehh, siya naman laging nasa top 5 ng klase. Siya lagi yung sumasalo sakin pag ginigisa ako ng mga guro namin aa recitation. Pag may pagsusulit, gumagawa talaga siya ng paraan para makarating sakin yung mga sagot niya. Dahil dun pumapasa ako, sa limampung tanong, nasa kalahati ng tamang sagot binibigay niya sakin. Ako na daw bahala sa kalahati. Magulang din ehh noh ?? Magbibigay na lang ng biyaya kalahati pa.
"Dalian mo na kopyahin mo na to", " osige, saan ba isusulat yan?" tanong ko kay annie. Binuksan niya yu
ng bag niya at kumuha ng 1 whole at binigay sakin. "Ohh, anong gagawin ko jan?", " Ang engot mo talaga noh !! Jan mo isusulat dalian mo kopyahin mo na bago tayo mag flagraising !!" Pasigaw niyang sagot sakin kasi malamang nainis na naman yun. Pero sa totoo lang natutuwa ako kapag naiinis siya sakin, yung itsura niya na nakakunot yung noo tapos nakanguso. Ewan ko ba pero nakakatuwa siya tignan pag ganun.Lumipas yung isang buong araw, syempre tulad ng dati. Yung mga guro ko ako na naman ang puntirya. Puta kung hindi lang sila mas matanda sakin sasapakin ko na sila ehh, lalo na yung bakla kong teacher sa english. Ang arte pa magsalita lalo na pag pinaghahalo niya yung tagalog at ingles, parang sinapian ng kaluluwa ni kris aquino. Ang tining pa ng boses at may pagpilantik pa ng kamay. Sarap isako at itapon sa manila bay ehh.
Maingat kong pinapadyak ang aling bisikleta, patungo sa isang tagong bahay sa gitna ng pasikot sikot na eskinita sa may likod ng TIP. Nang marating ko ang lugar ay pinatuloy ako ng isang lalaki sa bahay na wari ay isang maliit na bodega lamang. "Toto!!, kumusta ang eskwela mo?" Bungad sakin ni sir mike. "Ayos lang po ninong" sagot ko dito habang nagmamano sa kanya. "Maupo ka muna jan, bornok!! Ikuha mo nga ng softdrinks at biskwit etong si toto", utos nito sa isa sa mga kasama namin sa bahay pawid. " Sigarilyo mo toto?" Tanong sakin ni kuya bornok. "Pula kuya, marlborong pula".
Habang nakaupo ako sa may silya sa gilid ay pinagmamasdan ko ang mga kasama ni sir mike. Nakaagaw sa atensyon ko ay yung dalawang dalaga na kung susuriin mo ay halatang wala nang malay dahil bukod sa lupaypay na pagkakahiga nung dalawa ay halatang bata pa at hindi pa kaya ang suminghot ng isang gramo. Naisip ko na baka sila ang bagong alaga ni sir mike. Maya maya pa ay may iniabot sa akin si sir mike, isang sling bag na nike na itim. Sa kaliwang kamay ko naman ay may isiniksik siyang pera, "ayan toto, allowance mo. Ang itay mo kumusta na?" Tanong nito sakin, "medyo ok naman po ninong, basta tuloy tuloy lang ang inom niya ng gamot" mahinahon na sagot ko sa unipormadong pulis. "Basta toto, ako nang bahala sayo. Sargo kita" paninigurado ng kausap ko sa akin. Maya maya pa ay dumating na si kuya bornok dala ang meryenda ko. Pagkatapos kong ubusin yung dalawang pakete ng biskwit ay nanigarilyo muna ko. Pagkatapos ay nagpaalam na ko kay sir mike at umalis na. Mga alas singko na din ng hapon ako nakarating sa bahay ni tsong maning, kumatok ako sa pinto at pinapasok ako ng matanda. Kinuha ko sa bag ko ang sling bag na ibinigay sa akin kanina ni sir mike at ibinigay ito kay tsong. Sinilip ito saglit ng matanda, sinalat ang isang may di kalakihan na pakete at maya maya ay idinutdot ang daliri sa loob nito at ipinahid sa kanyang gilagid. Pagkatapos nito ay tinignan ako ni tsong at nginitian. Sabay lumapit sa akin at bumulong "alas kwatro to, punta ka na. Para makarami ka naman". Pagkatapos ay ngumiti ito at tumalikod na sa akin. Naiwan akong tulala, tulala dahil hindi ko maipaliwanag sa yung saya ko dahil mas madami akong kikitain kinabukasan. Pag labas ko ng bahay ni tsong maning ay luminga muna ako sa aking paligid. Sinipat ang makipot na eskinita kung may tao bang nakakita sa aking pag labas mula sa pintuan ng bahay. Nang makasiguro ako na wala ay lumakad na ko patungo sa tindahan na pinag iwanan ko ng aking biskleta, sinakyan ito at nagpadyak na pauwi.
Pag uwi ko sa amin ay naabutan ko ang aking ama na hinahaplos ang kanyang dibdib. Habang ang aking kapatid naman ay nakasubsob sa sahig habang nagsusulat. "Mano po itay" sambit ko habang inaabot ang kamay ni itay. "Kumain ka na ba anak? May sardinas pa diyan. Magbihis ka na at nang makapagpahinga ka na" hirap na sa pagsasalita ni itay. Tanginang TB kasi yan eh, mula nang mamatay si inay mga limang taon na ang nakakaraan ay naging balisa na ang itay. Madalas pagkagaling sa trabaho ay lasing, panay pa ang hithit ng sigarilyo. Naninigarilyo din ako pero limang piraso lang sa isang araw hindi tulad ni itay na kulang ang dalawang kaha sa isang araw lang. Ayun inabot ang mokong. Ilang buwan pa lang walang trabaho si itay, pero ramdam ko na ang hirap namin sa buhay. Bukod sa nag aaral pa kaming dalawa ni raquel ay mahal pa ang gamot ni itay.
Pagkatapos kumain ay iniabot ko ang perang nakuha kay sir mike kay itay. "Itay, pambili niyo daw ng gamot sabi ni ninong" kinuha niya ito at patuloy na naglaro ng solitaryo. Ako naman ay humiga na sa aking maliit na silid. Habang nakapikit at naghihintay na dalawin ng antok ay iniisip ko kung magkano ang kikitain ko kinabukasan. At nakatulog ako ng may ngiti sa labi.
YOU ARE READING
runner
Short Storyhindi hadlang ang kahirapan para maabot ang pangarap sa buhay, ngunit paano kapag ang buhay na pinasok upang makaahon sa kahirapan ang magiging hadlang sa pangarap?