Habang naglalakad ako sa hallway may biglang tumawag sa akin ng..
Maam Elaiza!
Pag lingun ko...Wala namang kahit isang tao...pero ito ang hindi ko inaasahan
"Salamat po"
Isang malamig at mahinang boses kanino galing iyon?
S -sari?
Ikaw ba iyan?
Hindi ko nalang iniisip yon at tumingin nalang sa Aking nilalakaran..pagbungad ko!! Si Sarii Nakatayo At nakatingin sa akin,Kinakabahan ako dahil hindi ako makaatras para tumakbo
Bumibilis ang tibok ng puso ko
Patakbo na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Sari sa kamay ko ..pinilit kong italikod ang mukha ko
ikaw ba naman kasi ang hawakan ng bangkayy!!
Ang lamig niyaa!! Unti Unti niya akong Nilalapit sa kanya ,halos mabali na ang buto ko kakaiwas
Puro dugo siya.... kawawa naman ang sinapit niya
Magkaharap na kami...pumikit nalang ako pero Binubuksan niya ang talukap ng aking mga mata...
hindi ko na kayaa!!Sarii!!
Tama na to Please!Nagmamakaawa kong pagsambit sa kanya
Hindi niya ako pinakinggan mas lalo niyang hinigpitan at diniin ang Kamay niya sa braso ko..
"Maam Elaiza, wag kang matakot sa akin"
"Di ko mapipigilan ang takot ko Sari,Please sabihin mo nalang kung ano ang gusto mo sa akin"Dugtong ko
"Wala po akong ibang gugustuhin kundi ang Magkaroon ng isang Ina"
"Ano eh Baki---"naputol ang sasabihin ko ng bigla niyanakong hilahin,ang lakas talaga ng Multo -__-
"Bata pa lang po ako ay inaabuso na ako ng mga magulang ko,dahilan para mapariwara ang buhay ko,kaya po ako namatay ay dahil sa Magulang ko
Pinagbili po nila ako ng parang isang aso,ng hindi ko nalalaman...
Pinagsamantalahan ako at sinunog ang bangkay ko,sana man lang bago ako namatay ay naranasan ko ang pagmamahal ng isang Ina..
Hindi po ako nagtatanim ng galit sa aking ina pero....nagbigti ang aking ina dahil sa isang di matukoy na dahilan.....
"Gusto ko pa sanang mabuhay pero hindi na pwede"
Matapos kong marinig ang Sinabi ni Sari di ko namamalayang Umaagos na pala ang luha ko..Imbis na matakot Niyakap ko siya at ipinadama ang pagiging isang Ina..
"Gusto mo ba na ako nalang ang maging nanay mo"?
"H-huwag na po sapat na saakin ang isang beses na pag yakap"
"Paalam at salamat"
Biglang nag laho sa paningin ko si Sari...
Ngayon na alam ko na ang punot dulo ng lahat,Gusto kong manatili pa dito sa Eskwelahang Literal na may kademonyohan
Paaralang sayo nakasalalay ang pag-asa
BINABASA MO ANG
Diploma ng Katatakutan#Wattys 2017
Terror[Highest rank #20 in Horror] Paano ka nga ba makakalabas sa isang paaralang literal na may kademonyohan? Kakayanin mo kaya,O mag papadala ka nalang sa takot mo? Are you Ready?