Chapter 1

34.5K 2.2K 1.4K
                                    


Chapter 1

TUTOK na tutok ang mga mata ko sa white board ngunit ang isip ko ay lumilipad. Gustuhin ko mang intindihin ang itinuturo ng professor ko ay hindi ko magawa.

Kasalanan iyon ng ex-boyfriend ko! Kung hindi niya ako niloko at sinaktan, hindi sana ako magkakaganito. Minahal ko naman siya, e. Pinaramdam ko sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa akin pero iyon lamang ang iginanti niya sa akin? Sinayang niya ang halos isang taong relasyon namin. How dare him!

“Okay, that’s all for today. Class dismissed.”

Huminga ako nang malalim. Natapos na ang klase pero wala man lang pumasok sa utak ko. Papasa pa kaya ako nito? Wala na akong maisasagot sa exams kapag nagkataon.

“Celine, ayos ka lang ba?”

Tumingin ako sa best friend kong si Nicole. May pag-aalala sa mukha niya. Alam ko namang saksi siya sa mga pangyayari sa buhay ko at alam ko din na sa lahat ng tao, siya lamang ang nariyan para damayan at intindihin ako.

Nagkibit-balikat ako saka pinilit na ngumiti. “Ayos lang ako.”

“Ayos ka lang? Huwag ako, Celine. Ang iba maloloko mo, pero ako? No. I know you’re not okay. Pinipilit mo na namang ngumiti e, pero deep inside, nasasaktan ka.”

She’s right. She’s my best friend, walang duda na kabisado na niya ako.

Sumandal ako sa arm chair ko. Mamaya pa ang next class namin dahil may isang oras kaming bakante.

“Ewan ko ba, Nicole. Gusto ko na siyang alisin sa isip ko pati na dito sa puso ko pero hindi ko alam kung paano. Galit ako sa kaniya dahil niloko niya ako! Pero bakit ganoon? Bakit siya pa rin ang laman ng puso ko?”

“Alam mo kasi, Celine. Ganyan talaga ang love. Iyong tipong kahit sinasaktan nila tayo, naroon pa rin ang katotohanang mahal natin sila. You don't deserve this. All you can do is move on. Lilipas din iyan. Mawawala din siya sa puso at isipan mo,” aniya.

Bahagya kong sinabunutan ang sarili ko. I am frustrated. “Hindi nga siya mawala e. Kung pwede ko lang siyang burahin agad-agad sa puso at isip ko, nagawa ko na! Pero hindi. Hindi. Kahit ilang beses kong ipagduldulan sa isip ko na niloko niya lang ako, walang epekto! Hindi ko siya makalimutan.”

Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Sa gabi-gabing paghiga ko sa kama ko, lagi ko siyang iniiyakan. Kung bakit naman kasi kailangan ko pang masaktan ng ganito? Ang unfair talaga ng mundo. Bakit kailangang masaktan ang mga taong totoong nagmamahal? Tapos kung sino pa iyong nanloko at nanakit, sila pa ang nagagawang sumaya.

“Mahirap naman kasi talagang makalimot ng mabilisan, e. Pero alam mo Celine, huwag mong paikutin ang mundo mo sa ex mo na iyon! You deserve someone better! Marami pang lalaki diyan sa paligid ‘no!”

“Marami ngang lalaki sa paligid pero siya pa rin ang laman ng puso ko,” malungkot na sabi ko.

“Malala ka na. Huwag mo kasi siyang isipin nang isipin. I bet, ini-stalk mo pa ang mga social media accounts niya ano?” Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka tumango. “Hindi ko kasi mapigilan e. Alam mo bang ang saya-saya nila noong babaeng ipinalit niya sa akin? Nakita ko iyong mga posts nilang pictures together.”

“Ayan! ‘Yan ang problema sa iyo. Paano ka nga naman makaka-move on kung puro pang-ii-stalk sa kaniya ang ginagawa mo? Sabi nga nila ‘di ba, kung gusto mo talagang maka-move on kailangang burahin mo lahat ng pwedeng magpaalala sa kaniya sa iyo. Start by unfollowing him sa mga social media accounts mo para hindi mo na siya ma-stalk. Pagkatapos, lahat ng bagay na ibinigay niya sa iyo, itago mo sa isang box. Ganoon! Hindi ka makaka-move on kung hindi ka gagawa ng paraan. Ikaw lang naman ang makakatulong sa sarili mo, besty.”

One Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon