Chapter 4

9.9K 1.2K 1.3K
                                        

Hi guys! This is the last chapter. Kung nakaabot ka dito, for sure matatagpuan mo na ang forever mo sa labas ng bahay niyo. Char!

Dahil alam niyo ng real na real ang Tinder, aminin niyo, nagdownload kayo at sinubukan niyo 'no? So ano, umasa ba kayong makakhanap kayo ng katulad ni Gian? Huehue.

Pero malay niyo talaga, matagpuan niya ang forever niyo sa TINDER. Patience lang. Baka naman kakagamit mo lang, forever agad ang hangad mo. Haha. O baka naman gayahin niyo si Celine? Kunwari broken, ano? 😅

Well, in fact, I have classmates na may mga boyfriend na nakilala nila sa Tinder and they are happy together. Swear! Akalain mo nga namang ang taong nakalaan para sa atin, sa chat mo lang pala mahahanap. Yeee!

O pustahan, mag-iinstall ka na niyan? Go for it. Go for the gold!

Thank you for reading guys! Don't forget to vote and comment!

--

Chapter 4

IT'S ALREADY MARCH. Lumipas na ang unforgettable Valentine’s day ko. Pagkatapos niyon ay mas naging sweet kami ni Gian sa isa’t isa. Naramdaman ko ulit ang kakaibang saya dahil sa kaniya.

Pero ngayon ay hindi ko alam ang iisipin ko. Two weeks na ang nakalipas pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin nagpaparamdam si Gian.

Three weeks ago ay naging busy na siya. We rarely chat sa Tinder. Hindi na rin siya tumatawag sa phone ko. Akala ko busy lang talaga siya dahil bakasyon. Naisip ko nga rin na baka may family vacation sila.

Pero ngayon, iba na. Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil in-unmatch niya ako sa Tinder. I tried to call him with his number pero hindi ko siya ma-kontak. I also checked his Facebook but I can't search him so I assumed that he either deactivated his account or that he blocked me.

I don't know what to think. I don't know how to reach him. Wala akong ideya kung bakit bigla na lang siyang nawala. Wala naman akong kilalang friends niya na pwede kong tanungin and besides, ayoko ng ganoon. Baka kasi may reason lang si Gian, but what could it be?

Hindi kaya nagsisisi siya na nag-confess siya sa akin pero hindi pala talaga niya ako gusto? O kaya ay nagsawa na siya sa akin? Or like my ex-boyfriend, he found another woman?

I feel so crazy thinking about any possible reasons for him to stop talking to me. Para bang inalisan niya ako ng karapatang makausap siya. Parang iniiwasan na niya ako and worse, parang hudyat iyon na umalis na siya sa buhay ko.

I tried to open my Tinder again. But there's no more sign of Gian. He unmatched me, and it feels like he abandoned me.

Why? Gian, why?

Pilit ko siyang iniintindi. Kung tutuusin, ayoko naman talagang mag-isip ng masasama tungkol sa kaniya or sa mga ginagawa niya but during times like this, I can't help it.

I tried calling his number again. Again, it's not available.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para mahanap si Gian or para makausap siya ulit. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip.

Isa ba si Gian sa mga lalaking paasa? Iyong magiging sweet sa iyo at aalagaan ka at kung kailang nahulog ka na, saka siya mawawalang parang bula.

Maghapon na akong nakakulong dito sa kwarto ko. It's weekend at next week ay bakasyon na.

It's funny how I moved on from Raven but here I am, feeling the pain again. But this time, from Gian.

May nagawa kaya akong mali? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? Gosh! I really don't know what to think!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon