nagmamadali akong bumaba sa kotse ko nung nakita ko na yung bar .Dali dali akong pumasok "para mabuhos ko na tong sakit na to". bigla kong sabi sa sarili ko .
Ng nakaupo nako di ko alam na may komedyante pala dito . nasa stage siya ngayon ." Siguro magsisimula na" sabi ko sa sarili ko . Agad naman akog tumingin sa direksyon ng komedyante. Sabay sabay nv nagpalakpan ang mga tao kaya nakigaya na rin ako .
habang nakaupo ako may isang lalaki ang lumapit sakin.
Una hindi ko pinansin nakatingin lang ako sa komedyante habang nagsasalita ito . hindi ko alam kung napakamalas ko kasi sabi komedyante daw pero iba ang binibigkas ng kanyang bibig hindi ito para sa katatawanan kundi sa pusong nasawi . Habang ibiisip ko yung sinasabi ng komedyante ,bigla namang kinalabit nanamn ako ng lalakeng katabi ko . Sa inis ko nilingon ko siya para sigawan siya pero di ko inaasahan na siya pala ang makikita ko kaya bigla akong namutla ."May problema ka ba ?"sabi niya ng may pagtaas ng boses.Pero hindi ako nakasagot .sa halip Hinalikan ko siya .At bigla siyang napangiti .Ng bigla siyang tumugon unti unti kong nararamdaman na iba yung kasama ko napatayo agad ako dahil sa nangyari na yon . Bigla naman niya kong hinila upang mapaupo ako .
"hinalikan moko tas tatakas ka "? sabi niya
"patawad . hindi ko sinasadya .Kasi ano eh ahmm ano kasi " yan yung tanging nasabi ko dahil hindi ko alam kung pano ko sasabihan na akala ko siya yung boyfriend ko na siya si Troy .pero bigla kong naalala yung ginawa ni troy kanina at nung babae niya kaya napuno ako ng galit . at dahil sa galit na yon di ko namalayang nabasag ko yung baso na nasaharap ko .
"aaahhhhhh"sigaw niya .
"bakit mo yun ginawa ayan tuloy nasugatan ka .Halika at gagamutin kita . " ani niyahindi ako makasagot pero alam ko na lumuluha nako . Hindi dahil sa sakit ng sugat na natamo ko , kung hindi sa sugat na ginawa ng bf kong si troy . sobrang sakit hindi ko alam kng ano ang nagawa ko . Hindi ko namalayan na magisa na pala ako dito . teka nasan na yung kasama ko
? kala ko ba gagamutin niya ko ? hayss paasa. "aaaaaahhhhhhh" sigaw ko ."may dugo may dugo" sigaw pa rin ako ng sigaw hanggang bumukas yung office ng bar at may nakita akong dalawang lalaki ".Yung manager .dahil sa suot nya kaya alam kong manager siya at teka sino tong isa ."sambit ko sa sarili ko .pagkaharap niya hindi ko naiwasang tumili nanaman
" aaaaaahhhhhhhh" tili ko at bigla niya naman akong hinalikan.
Hndi ako makagalaw. Parang gustong gusto ng katawan ko .hindi ko siya maitulak dahil wala nakong lakas .
at maya maya naman siya na din yung kumalas."ang ingay mo kasi eh . dapat sinabi mo na lang na halikan kita . tssss" sabi niya at biglang ngumisi sakin
Hayop ka .Hayop ka. bat mo yon ginawa ha . Balak moko pagsamantalahan no? wala akong pake kung gwapo ka .Baket ha di porket gwapo kayo ,mayaman habulin ng babae kaya niyo ng gawin lahat ? tapos liligawan nyo kami tas pag may nakita kayong iba kung saan saan nyo na lang dadalhin para mahalikan ha . sumosobra na kayo .Hindi pa ba kami sapat ha . mga manloloko" pagkasabi ko non hindi ko alam ang gagawin ko . aaaahhhh nakakainis bat ko ba yon sinabi .iniangat ko yung ulo ko para tingnan siya at bigla siyang nagsalita.
"di porket niloko ka idadamay mo na kami . at hindi kita pinagdamantalahan gumanti lang ako " sabi niya sabay kindat sake n.
Hindi nako umimik . siguro tama siya. Siguro naging siraulo lang ako para sa kanya . para hindi niya ko iwan .siguro .....
hindi ko na natuloy yung iniisip ko dahil bigla siyang nagsalita."alam ko kung ano ang iniisip mo . Hindi pa naman kayo hiwalay tama bako?"tanong niya . pero sa puntong to seryoso na siya .
"ahmmm .. ehhh..oo hi-hindi pa." nauutal kong sagot.
"Bakit hindi mo muna siya tanungin ? malay mo mahal ka niya at hindi niya yon sinasadya"hindi pa siya natatapod pero sumagot naman ako agad.
"Hindi sinasadya? ano yun laro? playtime lang ganon landi-landian ? tapos kapag may nangyari wala lang ganun ba ? Tanga ka ba ha .tanga ka ba." pasigaw kong sambit sa kanya
"hep hep hep . Chill lang . "ehh gago pala to eh ako na niloko tas chill lang ako .oo mabait ako pero sawa nako . bigla na lang may tumulong luha sa mata ko . Hindi ko na mapigilan .
" easy lang .pwede naman kitang tulungan .pwede kang umiyak sakin . "pagkarinig ko non,bigla ko na syang niyakap. "ang sakit lawrence,sobrang sakit.Sabi nya mahal niya ko pero bat nya ko niloko. bakit lawrence .ang sakit eh sobrang sakit"pagkasabi ko nun humagulgol nako hindi ko na mapigilan.
"shhh tama na rainica sheen hindi bagay sayo . maganda ka. Magayos ka lang .tutulungan kita . sa ngayon ihahatid na kita dahil gabi na ."sambit niya pero naalala ko yung kotse ko dala ko nga pala .akmang masasalita nako pero naunahan niya nanaman ako.
"huwag mo ng problemahin yung kotse mo ipapahatid ko na lang sa inyo ." pagkasabi niya nona hinila niya nako sa parking lot. maya maya pa nagsalita na siya .
"sakay na ".sabi niya habang nakatayo sa may pintuan ng kotse niya .
"ano sasakay ka ba o hindi"sigaw niya . kaya nagulat naman ako .
"e-eto na nga sasakay na ". at dali dali akong pumasok sa kotse niya at ganun din siya.
tahimik lang kami sa buong biyahe .pero maya maya bigla siyang nagsalita.
"san nga pala bahay niyo"? tanong niya."nagmamadali ka kasi eh tapos di mo pala alam." pangaasar ko sa kanya . pero nagulat naman ako nung bigla siyang sumigaw
"Rainica Sheen Sanchez ano ba " galit nyang sambit.
"ahhh ehhh eto na nga . tapos sinabi ko na yung address at sa wakas tahimik na . hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako .
Lawrence POV
Habang nagmamaneho ako nakita ko sa salamin si rainica . tulog na tulog siya at mukhang mahimbing na natutulog na. Hindi ko namalayan na hininto ko na pala ang kotse at pinagmamasdan siya. "ang ganda mo rainica". bigla kong sambit .Nagulat ako dahil bigla siyang gumalaw. buti na lang hindi pa siya gising . "hayyy magising na nga lang siya"sabi ko ng mahina .
"rainica nasa inyo na tayo"sambit ko . pero di pa rin siya gumigising . paulit ulit ko siyang ginigising pero hindi siya magising . kaya naisipan ko na lang na buhatin siya at ihatid sa kanila .
Maya maya pa bumukas na ang pintuan nila . pagbukas non may babaeng maganda ang lumabas galing don. siguro kapatid niya to ahhh basta ihahatid ko lang naman eh .
" ba-bakit mo buhat si rainica" tanong niya ng may halong kaba at takot sa mukha niya . akala niya ata king napano na tong babaeng buhat ko .
" naglasing po siya . kaibigan niya po ako . hindi na niya kasi kayang maglakad kaya po hinatid ko na po siya dito . " pagsabi ko ng mahinahon .
"pasensiya na iho". sambit nito ng nakangiti na . "anak ko siya" pagkarinig ko non bigla akong nagulat . pe-pero bakit mukha siyang kapatid ni rainica . hala baka magalit siya sakin ."aiiisshhht" sambit ko
"nagulat ka ba ? pasensiya ka na alam kong maganda talaga ako at hindi napagkakamalang may anak na . " nagulat naman ako sa nanay niya" ang cool" sabi ko sa utak ko .
"Pumasok ka muna iho ." sabi niya at sumunod na lang ako .mayamaya ng nailagay ko na sa kwarto niya si rainica bigla naman pumasok yung mama niya sa kwarto at inalok niya kog kumain muna kaya sumagot na ko .
"ahhh ehhhh. kailangan ko na rin po kasing umalis .pasensiya na po mam gabi na kasi" pagpapalusot ko ."ganun ba anak .ah sige magingat ka . salamat sa paghatid sa anak ko " sabi nya sabay ngumiti.
"hay nako kung di ka lang nanay ni rainica papatulan na kita eh " sabi ko sa isip ko . haist nahihibang nako ."mauna na po ako " yan na lang tangi kong nasabi.
nung pasakay nako sa kotse ko napangiti ako bigla .
SANA AKO NA LANG SIYA . bigla kong nasambit iyon . hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko na love at first sight siguro ako sa kanya . dhil una ko pa lang siyang nakita iba na yung naramdaman ko . haisstt pagod lang to . nagmaneho nako pauwi sa bahay.
.kinabukasan....
BINABASA MO ANG
Nahulog ako sa sarili kong patibong
Genç KurguNaranasan mo na bang gumawa ng isang bagay na gustong gusto mo kahit na makasakit ka ng kapwa mo?Yung tipong para kang nawalan na ng control dahil sa mga naranasan mo? Tipong kahit na hindi mo naman balak na makasakit ng sobra pero nagawa mo pa rin...