nakarating na si tita Isabel dito sa hospiyal kani kanina lang. Thankful naman ako dahil alam kong may iba pang karamay si Rainica.Ang babaeng magpatinok muli sa puso ko .Ayokong mawala sya kaya kahit anong mangyari nandito lang ako sa kanya at hinding hindi ko na siya pababayaan..
makalipas ng mahigit 5oras lumabas na yung doctor sa kwarto ni Rainica. Nilipat siya sa kwarto dahil naagapan naman daw nila agad. ngunot sa kasamaang palad malungkot na humarap samin ang doctor at kinausap kami ng masinsinan.
"kayo ang pamilya ng pasyente tama ba " ani niya.
"oho doc kami nga .kamusta na ang anak ko ?" sambit ni tita Isabel.
" I'm sorry to say pero wala siya sa maayos na kalagayan . Masyado siyang nadala ng halo halong emotion niya dahil sa pambubully sa kanya . Kinakailangan niyang maging payapa ang kanyang paligid at bigyan siya ng masasayang alaala para siya ay gumaling." pagkasabi ng doctor non nagpaalam na siya at umalis na rin agad .
naiwan kaming tulala dito ni tita Isabel dahil hindi namin matanggap na naging ganun ang kundisyon ni Rainica.Maya maya pa ay tinawag ako ni Tita Isabel dahil may mahalaga daw siyang sasabihin kaya sumunod na lang ako .
sa labas ng kwarto ni Rainica.....
"I'm sorry lawrence .Kinakailangan na ng anak ko na magpunta na ng states bukas para gumaling na siya agad .Dahil doon lang siya matatahimik ." malungkot na sambit nito . at sumagot ako .
"Tita naiintindihan ko po "malungkot kong sabi kahit na hindi ko matanggap basta para sa kanya gagawin ko kahit na masaktan ako .
"salamat lawrence anak . salamat sa pagmamahal mo sa anak ko . sana balang araw magkatuluyan kayo . Alam kong gagaling pa siya anak . " sabay yakap niya sakin.Dahil sa sobrang lungkot ko hindi ko alam na isang oras na pala akong nakatayo .nagpaalam na nga pala si tita Isabel .
ang sakit pala no?lalo na yung malayo sayo yung taong mahal mo . mahl n mahl ko siya eh . sobrang mahal pero kailangan niyang gumaling kaya isasakripisyo ko muna tong nararamdaman ko .
BINABASA MO ANG
Nahulog ako sa sarili kong patibong
Teen FictionNaranasan mo na bang gumawa ng isang bagay na gustong gusto mo kahit na makasakit ka ng kapwa mo?Yung tipong para kang nawalan na ng control dahil sa mga naranasan mo? Tipong kahit na hindi mo naman balak na makasakit ng sobra pero nagawa mo pa rin...