PROLOGUE: TMHPW (The Bump)

1.4K 34 4
                                    

Dariana Miles's POV

"Ayyy, putang ina ka!"- gulantang na sabi ni Tiyang na nakaupo sa sofa naming kahoy na isang pirma nalang ng anay habang naglalagay ng pulang-pulang kyutiks sa kanyang paa.

Ako naman ay napatakbo sa sala.

"Ano ba yan, Tiyang? Umagang-umaga naman ang napakalutong mong *tooooooot*."- ako na napakamot sa ulo.

"Aba'y huwag mo akong pakialaman, puki ng ina ka at bilisan mo. Magbebenta ka pa sa pier. Lumayas ka na ngang babae ka, ng ika'y makarami."- si Tiyang na pokus na pokus sa pagkukyutiks.

Napailing ako at lumabas na.

Dala-dala ang isang malaki kong bilao na may lamang singkwentang butche, palitaw at kutsinta.

"O, Dariana! Ako na ang bu-buena mano sayo. Pagbilhan mo ako ng bente pesos na butche at sampung pisong palitaw."- si Aling Lala na naglabas agad ng pera.

"Nako, maraming salamat! Mukhang makakarami na agad ako ngayon."- ako at pinagbentahan agad siya.

"Saan ba ilalako ang mga yan?"

"Sa pier, aling Lala. Para iba naman. Para matikman nila ang masarap kong butche."- ako.

"Sabagay, osya. Salamat, ingat!"

Naglakad na ako at naghintay ng masasakyang jeep papunta sa pier.

Dahil kinse minutos ang byahe papunta roon.

Sana nga ay makarami ako, para naman makapag-enroll ako, gusto ko na mag-aral, pera nalang ang kulang.

Ulila na kasi ako, at Tiyang ko nalang ang kasama ko.

Halos makuba na nga ako sa pang-aalipin ng hinayupak na yon sakin, pero keri lang!

Maganda pa rin naman ako e. Hahaha.

Ayan, nakasakay na ako ng jeep.

"Kuya! Bayad! Isang pier lang yan! ESTUDYANTE!"- ako at napahagikhik.

E syempre may 20% discount pag estudyante. Edi isigaw!

"Miss, sukli mo."- yung katabi ko.

"Salamat po, kuya!"- ako at ngumiti.

Umidlip muna ako kahit saglit para atleast, buo ang energy sa pagsigaw mamaya sa pier!

Demond Thrace's POV

"Hello, Phoebee?"- ako na kausap si Phoebee sa kabilang linya.

"Kuya? Are you at the pier now? Kanina pa kita hindi macontact. But anyway? Do I have to come over there? I can come."- siya.

"No, it's okay. Huwag ka mag-alala, marami naman akong kasamang body guards if ever the transaction will be failed."

"You think babaliktad sila sa usapan?"- siya at narinig kong nagbukas ang makina ng sasakyan niya on the other line.

"I said 'if ever'."- ako. "Saan ka pala pupunta? I heard the machine of your car."

"Pupunta ako dyan. I have to make sure that everything will be fine. I have to hang up now."

"Ang kulit mo talaga."- ako at ibinaba na ang telepono.

Biglang may lumapit na tauhan ko sa akin.

"Sir, negative."- anito.

Ibig niya sabihin ay negative na may masamang balak ang ka-transaksyon namin.

"Pero sir, kahina-hinala na late sila ng trenta minutos. Ngayon lang ito nangyari."- dagdag nito.

"Did you check the machines of this yacht?"- ako na inayos ang kwelyo ng damit.

The Mafia Heir's Poor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon