CHAPTER FOUR: TMHPW (Audition)

439 13 0
                                    


Dariana Miles's POV

"Tanggap na po ba talaga ako, Ms. Andy?"- ako na naeexcite.

Oo, nasa Manila na ako.

"Depende pa, Dariana. Kasi mag-o-audition ka pa sa harap ng kliyente natin. Titignan nila yung ganda ng mukha, katawan at pagrampa mo. Kaya galingan mo ha."- si Ms. Andy at iniwan na ako.

Nagretouch ako para beauty to the next level ang ate niyo!

"Number 9?"- yung pagtawag ng announcer sa labas.

"Hoy! 9 raw. Ikaw na ang rarampa, ateng!"- yung bakla na nag-aayos sa ibang mag-o-audition.

"Ako po?"- ako.

"Oo, ikaw!"- sabay-sabay nilang sabi.

Bago pa ulitin ng announcer ang number ko ay pumunta na ako sa stage.

"What is your name?"- yung babae na nasa may table sa harap. Siguro sila yung kliyente namin.

"Ako po si Dariana Miles Jastillana, mam."- ako.

"How old are you? No, tell me about yourself."- yung babae ulit.

"Ahm. Galing po ako sa Subic na nagbabakasaling makuha ang oportunidad na ito. Wala pa akong experience pero alam ko sa sarili ko na kaya ko."- ako na ngumiti.

"What's you job before you enter this world?"- yung babae.

"Ahm, nagbebenta po ako ng butche. Hehe."- ako na napatawa.

Nung nakita ko yung babae, parang nagtatanong yung mukha niya.

Ah baka 'di niya alam yung butche.

"Anyway, show us what you've got."- yung babae na napailing.

Demond Thrace's POV

"Late na tayo, bossing."- si Galvez.

"It's better late than never."- ako at dumaretso na sa hall.

Nang may makaagaw ng pansin ko.

"Ahm, nagbebenta po ako ng butche."- yung babae.

Oo, siya nga yon. Di ako magkakamali.

"Boss. Tara?"- si Arthur na pinagbuksan ako ng pinto.

She's taking a ramp right now.

"Baguhan lang siya."- narinig kong komento ni Phoebee. "Gusto ko yung bihasa."

Umupo ako at pumagitna sa kanilang dalawa ni Winter.

"Oh, hi, Uno. You're late. But it's okay. Wala pa naman kaming napipili."- si Winter.

"Good. May napili na ako."- ako.

"What? Pero kakarating mo lang. Then who?"- si Phoebee.

"Siya."

"What? This girl? But she's just a--"- si Phoebee na pinigilan ko ng tapusin ang pagsasalita.

"What? Beginner? Everything takes time. We can learn things. Ikaw rin naman nanggaling sa pagiging beginner, hindi ba?"- ako na inakbayan siya.

Umirap si Phoebee.

"Okay! Hey, girl? Tanggap ka na."- si Winter.

Tumigil sa pagrampa yung babae. At nagtatalon sa tuwa.

"Talaga po? Maraming salamat po!"- yung babae na nagbow at tumalikod na.

Si Phoebee naman ay tumayo na at iniwan kami.

"Hayaan mo na, Uno. Masasanay ka rin sa kanya."- si Winter at tinapik ako sa braso at sumunod na kay Phoebee.

Dariana Miles's POV

Halos magtatalon ako sa tuwa nung mabilis akong tanggapin nung babae.

Biglang may tumikhim sa likod ko.

"Ayy, pwet ng kalabaw na may ano."- ako dahil sa gulat.

"What?"- yung babae.

"Ayy, wala po, Mam. Nagulat lang. Pasensya na po."- ako na nagbow.

"Anyway, I just took a minute to give you this dahil nandito lahat ng detalye ng papasukan mong kompanya. I'm Winter Ferrer, I'm the wife of the brother of D'mitri-Ferrer Company's CEO."- yung babae na nasa table kanina.

"Maraming salamat po."- ako na ngiting-ngiti na kinuha ang kamay ni Ms. Winter at shinake hands ito.

Tumango ito.

"One thing, Miss? Don't to that again if ever you meet the big bosses. Sa akin, okay lang. Pero sa kanila, hindi."- si Ms. Winter at iniwan na ako.

"Ang swerte mo, girl! Marami pa ang nakapila at pinag-aagawan ang pagmomodelo sa kompanyang yon, tapos ikaw? Na isang baguhan lang?"- yung bakla.

"Iba ang kamandag ko!"- ako na nagtatalon ulit.

Demond Thrace's POV

"I know why you choose her."- si Phoebee na padabog na isinara ang pinto ng sasakyan.

"Siya yung babae sa port? Type mo?"- si Phoebee.

"Of course not. May something lang sa kanya na gusto ko pang alamin. Pero I'll make sure na hindi papalpak ang pagpili ko sa kanya."- ako na ngumiti sa kanya.

"Tama na iyan, Phoebee."- si Winter na kakasakay lang ng sasakyan.

"Ako ang dapat pumili ng model, kuya. Not that pathetic woman. Ni hindi nga makalakad ng tuwid yon."- si Phoebee na napailing.

"Don't worry, Phoebee. Baka nakakalimutan mo na isa akong victoria's secret angel noon. We'll train her very good."- si Winter na kumindat sa amin.

"See? Okay lang kay Winter. Ano bang problema mo sa--"

"Dahil alam kong interesado ka sa babaeng yon. Oh come on, kuya. Ako pa ang lolokohin mo? Umayos ka nga."- si Phoebee. "Pero bahala ka."

Kumibit-balikat ako at tumingin nalang sa dinadaanan namin.

"Nate? Ibaba mo ako sa intersection mamaya, naghihintay sa akin ang Sir Lucifer mo."- si Winter.

"Yes, Mam!"

"May lakad kayo?"- ako.

"Wala naman. Nagbilin lang siya sa akin na hihintayin niya ako doon."- she replied then stayed quiet.

Anyway, hindi na ako makapaghintay na malaman ang tungkol sa babaeng yon.

AUTHOR:

Chapter four done!
Time check: 12:46am.
Goooooooood morning :*

The Mafia Heir's Poor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon