CHAPTER FIVE: TMHPW (Face-to-face time)

433 20 1
                                    


Demond Thrace's POV

"Bossing, tara na. Ngayon ang first pictorial day ng napili mong modelo. Pupunta ba tayo o makikibalita nalang?"- si Arthur.

"Pupunta tayo. Hintayin niyo na ako sa sasakyan. May-aayusin lang ako."- ako at pumunta na sa kwarto.

Naglabas ako ng maisusuot para sa pagpunta sa studio.

Pagbaba ko ay sumalubong si Galvez.

"Hi, yow, bossing. Mukhang masisilayan niyo na si probinsyana girl ng unli. Kaya magpapogi ka para masaya."- si Galvez at ngumuya ng tinapay.

"Do I need to?"- ako na nagtaas-baba ang kilay.

"Di ah. Pogi mo kaya. Labyo."- si Galvez at isinukbit ang mga braso niya sa braso ko.

"This is so gay."- ako na napailing.

Sumakay na kami sa sasakyan at dumaan muna sa isang convenience store para bumili ng makakain during the pictorial.

Pagdating namin sa studio ay sumalubong sa akin si Phoebee.

"It's good you came. Paalis na kasi ako. Mabuti nga at dumating ka dahil walang titingin dito. I have to go. Bye."- siya at humalik na sa akin.

Pagkaalis niya, nakita ko si Winter na nakaupo at nag-iinstruct sa modelo.

"What's her name?"- ako sa isang trabahador.

"Dariana Miles, Sir."- sagot nito.

"Oh, okay. I just forgot. Thanks."- ako at pumunta sa gilid.

Napansin naman agad ako ni Winter kaya't agad siyang lumapit.

"That was.. ugh. Tama si Phoebee, nabadtrip lang siya sa modelong pinili mo. But don't worry, I'm working on it."- siya at nakangiting umiiling.

"Sorry, Winter. Curious lang ako sa babaeng yan kaya------------"

"IKAW?!"- biglang sigaw ni Dariana Miles na nakatingin sa akin.

Napamaang lang ako ng lumapit siya sa akin bigla.

"Ms. Winter, pasensya na po ha. Kasi po nakita ko na po siya at 'di ako nakapagpasalamat sa kanya ng pormal."- si Dariana Miles at humarap sa akin.

"Ah, ako si Dariana Miles Jastillana, ako yung nabunggo mo sa port. Pero okay na yon. Ahh, katrabaho pala kita? Magpapasalamat lang ako. Salamat."- siya at nagbow.

"Ah. Okay na yon."- ang sagot ko.

Bigla namang dumating naman si Galvez.

"Bo--"- putol na sabi ni Galvez dahil inunahan ko siyang magsalita.

"Baka hindi mo pa nakikilala ang boss natin dito. Ang may-ari ng kompanyang pinapasukan natin?"- ako na hinigit si Galvez.

"Ah, hindi pa nga."- si Dariana Miles na ngumiti.

"Mr. Demond Thrace Ferrer, ipinapakilala ko sa iyo si Dariana Miles Jastillana, yung model na napili niyo."- ako na pilit ang ngiti.

Si Winter naman ay nanlaki ang mata at tumitig sa akin.

"Ho?"- si Galvez na papalag pa sana pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.

"Oo, ako si Demond Thrace Ferrer. A-ang pumili sayo."- si Galvez na nakangiti ng pilit.

Si Dariana Miles naman ay nag-bow.

"Mr. Ferrer. Maraming salamat sa pagpili sa akin. Nako, gagalingan ko po at 'di ako magiging mahirap na indibidwal dito sa kompanyang ito."- si Dariana at hinawakan pa ang kamay ni Galvez.

"M-mabuti."- si Galvez at tumikhim.

"Uno, na aking alalay. Ikuha mo ako ng kape, nate-tense ako."- si Galvez na nagpapanggap bilang ako.

"Oo, boss."- nang-uuyam kong sabi, bago ako umalis bumulong muna ako sa kanya.

"Lagot ka saking hayop ka."

Fortunato Galvez's POV

Ang saya nito!

Ako? As Bossing Demond Thrace 'UNO' Ferrer?

Makakabawi na rin ako, sa wakas!

"Uno, na aking alalay. Ikuha mo ako ng kape, nate-tense ako."- ako na ngumiti na parang inaasar siya.

"Oo, boss."- nang-uuyam na sabi ni Bossing at OMG, sinunod niya ako. Hehehehe. Exciting!

"Lagot ka saking hayop ka."- pagbulong ni Bossing sa akin bago umalis.

Nakakakilabot, pero susulitin ko na para masaya. Yehoooooo!

Bumalik siya na may dalang kape.

"Salamat, Uno. Aking alalay."- ako at iniwan na sila.

Nakakatawa talaga ito!

"Sir, salamat po!"- narinig kong pahabol ni Dariana na OMG, sa akin siya nagpapasalamat.

Maya-maya ay dumating na si Bossing at sinabing uuwi na kami.

"Anong itinatayo mo dyan, Galvez? Buksan mo ang pinto ng sasakyan at papasok na ako."- si Bossing na high blood.

"Nakakalimutan mo yata, Uno na aking alalay. Ako ang dapat mong pagbuksan ng pinto."- ako na nagtaas-baba ang mga kilay.

"What the--"

"Uuwi na kayo?"- biglang pagsingit ni Dariana.

"Oo, Dariana. I'll see you when I see you."- ako na ngumiti.

"Sige, Dariana. Mauuna na kami."- si Bossing.

"Ang dami mong dada, Uno. Open the car's door, Uno na aking alalay?"- ako na pinipilit 'wag matawa.

"Uno, salamat! Ingat kayo."-pahabs ni Dariana.

Nakita ko lang ang pagtango ni Bossing.

Pagsakay namin ng sasakyan.

"Tangina mong hayop ka. Inutusan mo ako kanina? Tapos ako pa ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para sayo?"- si Bossing na binabatukan ako ng sobrang hard.

"Teka, bossing. Stop it. Sige ka, kapag nabangasan ang kapogian ko, papanget ang gaganap na may-ari ng kompaya."- ako.

"Bossing naman. Alam mo naman na theater actor ako nung elementary ako. Na-carried away lang."- dagdag ko at nag-peace.

"Na-carried away, amputa."- si Bossing na napailing ng hard.

Hilig ko sa hard. Mwehehehe.

"Excuse lang, bossing. 'Di ako makarelate? Anyaree?"- si Arthur.

"Si Bossing ba naman? Magpanggap na isang ordinaryong trabahador ng kompanya. Tek nowt, ako ang ipinakilala niya bilang si Demond Thrace Ferrer. Enjoy ko, nakaganti e."- ako na tumawa ng malakas.

"Ah ganon? So sinadya mong pakuhanin ako ng kape at--"

"Joke lang, bossing my loves. Syempre, alam kong may plano kayo. Kaya ayokong sirain yon."- ako na naging maamo ang mukha at ngumiti ng malawak.

"Pero kahit alam kong may pinaplano ka, hindi ko alam ang plano mo, bossing."- dagdag ko.

"Just go with the flow. Ako na ang bahala. Pero don't you dare command things like what you did earlier, mapapatay kitang hayop ka."- si Bossing na pinalagutok ang mga daliri niya.

HEHEHEHE, ano ka? Susulitin ko ang mga araw na yon, bossing.

Buwahahahaha.

"Naiintindihan mo ba?"- si Bossing.

"Of course, bossing."

HIHIHI.

AUTHOR:

Isang kaabang-abang na tagpo ang dapat nating hintayin.
Ano nga kaya ang dapat nating abangan?

What's on your mind, readers?

Comment and vote now!

@ocrusacirhe

The Mafia Heir's Poor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon