Chapter 38

33.4K 821 33
                                    

Shanelle's POV

Agad kaming pumunta sa lugar ni Maknae nang mawalan siya ng malay.

Dahil sa inis ni Steph, sinugod niya ito pero sinipa lang siya kaya tumalsik siya. Sinugod rin siya ng iba, pero ganun din ang nangyari.

Biglang pumunta si Alex sa likod ni Ziana at hinampas ang batok nito hanggang sa mawalan ito ng malay.

Tinulungan ni Nicole si Alex na buhatin si Ziana at ilagay sa kwarto samantalang, tinulungan naman ako ni Celle na buhatin si Maknae.

"Anong nangyari? Bat biglang naging ganun si Ziana?" Tanong ni Jashiel.

"Kami tinatanong mo, nandun ba kami?" Sarcastic na sabi ko sa kanya. Bigla siyang napairap.

"Tss, shut up." sabi niya.

Tinarayan ko na lang siya. Pero wag kayo mag alala, asaran lang talaga yan, walang away.

"Tanungin na lang natin si Maknae paggising kung bakit naging ganun si Ziana." sabi naman ni Charlene.

"Ano ng lagay ni Ziana, Alex?" Tanong ni Jashiel.

"She's sleeping, and she's also fine." cold na sabi ni Alex sabay upo sa couch na nandito sa kwarto.

"Ahh--" napatingin kami kay Chrystal, dahan dahan niya minulat ang mata niya.

"Maknae/Chrystal!!" Sabay sabay naming tawag ng magising siya.

"Unnies, anong nangyari?" Tanong niya.

"Teka, kami dapat ang nagtatanong niyan sayo, anong nangyari? Bat naging ganun si Ziana?" Abby.

Napatigil siya at napaisip.

"Ah, yun ba? Naalala ko lang, gusto kong mawala siya sa focus para matalo ko siya pero iba ang nangyari." sabi niya.

"Ano bang sinabi mo?" Tanong ko

"About dun sa pagkamatay ni Rence." natahimik kami dun. Naalala ko ang araw kung kelan namatay si Rence.

FLASHBACK

Naglalaro kami nila Ziana sa isang park ngayon.

Kasama namin si Rence dahil sabi ng Mommy niya, sumama raw siya samin para di siya ma bored.

Nag hahabulan kami at nang mapagod kami, nagpahinga muna kami. Mabait si Rence kaya nakasundo namin siya, siya rin ang first crush ni Chrystal.

Sinabi niya lang iyon samin.

"Uwi na tayo, baka pagalitan pa tayo." sabi ni Rence.

Tatayo na sana kami, nang may mga nakaitim na lalaki ang pumunta sa harap namin.

Di namin iyon pinansin at uuwi na sana pero, hinarang nila ang dadaanan namin.

"Hey Old Hog, get out of our way." cold na sabi ni Alex.

"Sumama ka samin." sabi nito at hinawakan ang braso ni Ziana.

Nagpumiglas naman si Ziana.

"Don't touch my cousin, Jerk!" Sabi ni Rence at sinuntok suntok yung braso nung nakahawak kay Ziana pero waepek!

"Bata, kung ayaw mo madamay wag ka makialam." sabi nito.

Nagtinginan kami at nagngisihan. Pumunta kami sa isang guy at pinagpapalo iyon. At dahil alam ko kung pano mapapatulog to, may ginalaw ako sa may bandang batok niya kaya siya nawalan ng malay.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now