Chapter 39

37.4K 771 50
                                    

Zaniel's POV

Hanggang ngayon, ayoko pa rin makasama tong mga manloloko na to.

Tss, pagkatapos nila lokohin sila Steph at paiyakin alangan naman matuwa pa ako at batiin sila.

Nagagalit din ako kay Ziana kasi, alam niya namang masasaktan ang mga kaibigan niya pero ano ang ginawa niya? Di niya man lang sinabi at hinayaan lang silang masaktan.

"Ano ng plano?" Tanong naman ni Clinton.

Kilala ko silang lahat kaya alam ko mga pangalan nila kahit naka mask pa sila.

Kahit na ang awkward mag mask habang magkakasama kayo sa isang bahay, nakamask pa rin kami. Baka kasi makilala nila sila Ziana bilang Mafia Princesses dahil alam nilang kapatid ko si ZH ng Mafia Princesses.

"Aba kayo mag isip. Kayo naman yung dapat nandito di kami dahil kahit papano, marunong pa rin naman kaming pumatay." Jin/Cobra said.

"Hoy Cobra, pinapaalala ko sayo na misyon niyo din to hindi lang namin!" Sigaw naman ni Tyler/Joker.

"Tss." nasagot na lang ni Jin.

"Ganto na lang ang gawin natin. Bukas, diba malapit lang naman dito yung bahay nun? Bukas na lang tayo magplano. Susugod tayo ng gabi." sabi ni Clinton/Bullet sabay hikab.

"Yeah, lets just take a rest first." Sabi naman ni James/Silent Genius sabay tayo at punta sa kwarto niya.

Malaki naman ang bahay na to kaya kasya kami.

10 rooms, share ako at si Brylle, Sean at Paolo, Ivan at Allen, mag isa si Ivan sa isang kwarto, Zaniel at James, Kit at Zach, Tyler at Lucas, Christian at Clinton, Clyde at Charles, Andrei at Kyle.

Since hindi pa naman ako inaantok, pumunta muna ako sa pool dito sa labas para magpahangin at mag isip isip na rin.

Ewan ko pero, nitong mga nakaraang araw, iniiwasan na ako ni Nicole.

Nakaramdam din ako ng pagka miss dahil siguro nasanay ako na lagi niyang kinukulit. Tuwing kausap ko si Steph, nakikita ko siyang nakatingin samin pero agad din aalis.

Gusto ko si Steph pero ano tong nararamdaman ko kay Nicole. Mabilis ang tibok ang puso ko pag andyan siya.

Aish ewan! Basta si Steph lang ang gusto ko, di ko pa siya mahal pero alam kong dun din ang punta nitong nararamdaman ko.

"Oh, dinadrama mo dyan?" Napatingin ako kay Brylle. Tinabihan niya ako.

"Pakyu ka! Di ako nag dadrama." singhal ko sa kanya.

Sa lahat sa ka gang ko siya lang ang pinaka nakakalilala sakin.

"Psh sabihin mo, nahiya ka pa. Di ka nga nahiya nung kinwento mo sakin noon na nakaihi ka sa shorts nung grade 1 ka yan pa kaya!" Sabi niya.

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso.

"Hoy, mas matanda pa rin ako sayo. Igalang mo ako bilang hyung mo!" Sabi ko sakaniya.

"Psh. Dami mong satsat. Kwento mo na lang yan." sabi niya.

"Pano mo masasabi pag inlove ka sa isang tao?" Bigla na lamang lumabas sa bibig ko.

Bigla siyang humagalpak ng tawa sa tanong ko. Baliw na to! -__-

"Hahahaha, wait. Hahahahahhahahahahaha. Okay, seryoso na, Pfft." bigla siyang tumigil sa pagtawa ng makitang seryoso ako. Tsk.

"Tss, ano tapos ka na?" Naiinis na tanong sakanya.

"Oo na tsk. Ganito yun, si Mom lang din nag kwento sakin nito." huminto siya saglit at parang may inaalala. "Sabi niya, kapag inlove ka daw, yung person daw na yun ay laging nasa isip mo. Tumitibok ang puso mo pag nandyan siya. Ngumingiti ka ng siya ang dahilan. Buo na ang araw mo makita mo lang siya. Malungkot ka kahit saglit pa lang kayo di nagkikita. At higit sa lahat, kaya mong protektahan at mag alay ng buhay para sa kanya. Kaya mong gawin lahat mapasaya lang siya. At pangalan niya ang isinisigaw ng puso mo. Ito ang tandaan mo, minsan ang isip kalaban ng puso. Iniisip mong gusto o mahal mo yung isang taong mahalaga lang pala sayo pero di mo namamalayan may iba ang isinisigaw ng puso mo." sabi niya.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now