Chapter 2

12.7K 396 19
                                    


"Lalabas po muna ako Mang Deles." paalam ko.

"Nakapagpaalam ka na ba kay Lita?"

"Opo."

"Sige. Mag-iingat ka."

Lumabas na ako sa karinderya.

Tulad ng ginagawa ko ay namasyal ako sa market para kumuha ng impormasyon. Kahit mahirap kumuha ng impormasyon dito ay hindi parin ako
tumigil sa paghahanap.

"Bumili kayo sa paninda ko. Lahat ng ito ay gawa sa mahika."

Napatingin ako sa mga tao na nagkakagulo sa isang tindahan. Mukhang may dumating na naman na mga bagay na gawa sa mahika.

Sa panahong ito ay halo ang mga ordinaries at ang mga taong may mahika. Lahat ay pantay dito. Hindi pinagbabasehan dito ang kakayahan ng tao kaya ito din ang pinakagusto ko dito. Hindi ko inasahan na ito ang mangyayari sa sunod kong buhay. Hindi ko tuloy mapigilan na isipin kung ano ang meron sa ikatlong buhay ko. Marami din kaya ang pagbabago don? Kasi sa panahong ito ay malaki ang pagkakaiba nito sa unang buhay ko. Hindi nage-exist dito ang lugar ng Jaysies at Slimmers at iilan lang ang Kaharian na meron dito.

Kunti palang ang nalalaman ko sa mundong ito dahil hindi ko pa ako nakakapunta sa ibang lugar. Wala din akong mahanap na history books sa mga library dito kaya pahirapan sa pagkuha ng impormasyon.

Sa tuwing tinatanong ko sina Aling Lita at Mang Deles ay hindi nila ako sinasagot dahil wala din silang alam kahit sa totoo ay may nalalaman talaga sila. Masyadong tago ang mga tao dito at hindi ko alam kung bakit. Para bang natatakot silang ilabas ang nalalaman nila kahit maliit na bagay ay tinatago nila.

"Binibini.."

Binigyan ko ng salapi ang lalakeng lumapit sa akin. Binilang niya muna ang salapi bago niya ako hinarap.

"Tulungan mo akong makapasok sa Kasino." seryosong sabi ko sa kanya at tumango siya.

Inayos ko ang suot kong hood at sumunod sa kanya.

Pumunta kami sa likuran ng gusali ng Kasino kung saan ay dito nagtitipon ang mga tao para magsugal. Bawal pumunta dito ang mga minor. Kailangan ay nasa edad na labing walo at kailangan ay may identidad. Pero maraming nakakalusot dito. Sa pamamagitan ng pera ay pwedeng pumasok dito kahit walang identity at hindi tama ang edad.

Madali lang kaming nakapasok ng lalakeng binayaran ko. Ngayon lamang ako pumunta dito dahil wala akong sapat na pera noon. Pinag-iponan ko ang pagpunta dito dahil malaking salapi ang magagamit ko dito.

"Akin na yan. Ako ang nanalo."

"Ilabas niyo na ang pusta niyo. Magsisimula na tayo."

"Uulitin ko. Bawal gumamit ng mahika dito. Kapag gumagamit kayo ay malalaman namin ito kaagad."

Bumungad sa amin ang ingay ng mga tao sa loob. Lahat sila ay abala sa paglalaro ng kung ano-ano.

"Saan ako makakakuha ng impormasyon dito?" tanong ko sa lalake.

Tiningnan niya ako ng diretso at nilahad niya ang kamay niya sa akin.

Napakagat ako sa labi at binigyan siya ng salapi. Buti nalang ay malaki ang naipon ko pero mauubos din ito ngayong araw dahil sa pagpunta ko dito.

"Sa kanya ka makakakuha." tinuro niya sa akin ang lalakeng nakaupo sa dulo.

"Salamat."

Umalis na ang lalake kaya naglakad na din ako palapit sa tinuro niyang lalake.

Hindi lang pagsusugal ang pinupunta dito ng mga tao. Dito din sila kumukuha ng impormasyon pero tulad ng sabi ko ay pahirapan pa. Kung wala kang pera ay mahihirapan ka pero hindi lahat ng impormasyon ay nabibili ng pera. May mga bagay na bawal sabihin sa iba. Kahit ilang pera pa ang gamitin ay kapag bawal ay bawal.

Pagkalapit ko sa lalake ay umupo ako sa tapat niyang silya.

"Anong kailangan mo binibini?" tanong niya sa akin habang nakabaling ang tingin niya sa mga tao.

"Alam mo na kung ano ang kailangan ko."

Nilabas ko ang natirang salapi ko at binigay sa kanya. Sa pagkakataong ito ay iniwas niya ang tingin niya sa mga naglalaro at tiningnan niya ang salaping binigay ko.

"Ano ang gusto mong malaman?"

"Alam mo ba kung saan matatagpuan ang puting mahika?" tanong ko at nakita kong nag-iba ang emosyon ng kanyang mga mata.

"Hindi ko pwedeng sagutin yan."

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Dalawa ang ibig sabihin ng sagot niya. Walang siyang alam tungkol dito o di kaya'y pinagbabawal itong ipagsabi sa iba.

Kabisado ko ang mga reaksyon na mga taong pinagkukunan dito ng impormasyon kaya sa reaksyon na pinakita niya ay agad kong nakuha na wala siyang alam tungkol sa puting mahika.

"Anong lugar ang may pinakamalakas na kapangyarihan dito?" pag-iiba ko.

Hindi ko alam kung may nakakaalam ba sa puting mahika. Kung walang makakapagsabi nito sa akin ay sa makapangyarihan na lugar ko ito hahanapin dahil sigurado akong don nakatago ang mahika ko.

"Kaharian ng Kanluran." sagot niya.

"Saan ko ito matatagpuan?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng ilahad niya sa akin ang palad niya.

"Sige. Salamat."

Tumayo na ako at naglakad palabas sa Kasino. Ubos na ang dala kong pera kaya wala akong maiibigay sa kanya. May natira pa sa ipon ko pero hindi ko ito pwedeng gamitin dahil gagamitin ko ito sa paglalakbay.

Ngayong alam ko na ang pupuntahan kong lugar ay kailangan kong mag-ipon pa lalo. Malayo ang lalakbayin ko dahil isa itong Kaharian. Hindi ko alam kung saan ko ito hahanapin pero sigurado ako na malayo ito sa lungsod na 'to.

Pagkalabas ko sa Kasino ay tumigil ako sa bilihan ng mga prutas. Napahawak nalang ako ng mahigpit sa damit ko nang makita ang presyo ng mga prutas. Napakamahal! Doble ang presyo nito kumpara sa unang buhay ko. Isa din 'to sa pinakaayaw ko sa panahong ito. Pera na ang umiikot sa mundong ito. Kung wala kang pera ay hindi ka mabubuhay dito. Lahat ay binibili. Buti sana kung mura pero napakamahal. Ang hirap pa maghanap ng trabaho dito. Maswerte talaga ako dahil nakilala ko sina Aling Lita kundi ay baka pusang gala na ako ngayon. Sa pagkuha lang yata ng impormasyon, hindi masyadong umiikot ang pera. May limitasyon.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!"

"Sumama ka na sa amin Miss. Pasasayahin ka namin."

"Ayaw ko—aray!"

Nabaling ang tingin ko sa mga lasing na lalakeng nakapalibot sa isang babae.

Napakuyom ako ng mga kamao at naglakad ng mabilis palapit sa kanila.

The White Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon